I placed the glass of Classic Mocha Frappe in front of Jiwoo. We just finished our afternoon class so I invited her on her favorite coffee shop.
“Thanks,” she muttered without taking her eyes off her phone. “OMG! Mei, sigurado akong ikaw ang nasa post na ‘to.”
“What’s that?” Pinilit kong silipin ang tinitingnan niya sa phone pero ang layo pa rin niya sa akin.
“Wow! Ang dami nang nagtatanong at nag-uusap kung sino 'to.” Tumingin na sa akin si Jiwoo at pilyang ngumiti. “Gusto ko sanang makigulo sa discussion pero hahayaan ko na lang silang mag-isip.”
My forehead wrinkled even more. Ano bang sinasabi niya?
Iniharap niya sa akin ang phone niya at nakita ko ang pigura ng isang tao na naglalakad sa malinis na kalsada. The photo was in black and white with the human figure on the far left of the picture and only half its back can be seen.
“See this? Tapos ang caption niya,” binawi na ni Jiwoo ang phone at binasa ang naroon, “Wǒ de nǚshì.”
Mas lalo ko siyang hindi naintindihan.
“Hala! Hindi mo pa rin naiintindihan? Post ‘to ni Minghao. Wait, hahanapin ko sa comment box ang meaning ng word.”
Naging abala si Jiwoo sa ginagawa niya. Nakamasid lang ako sa kanya habang tahimik na iniinom ang frappe na in-order ko para sa akin. Masyadong maaga ang uwi namin sa oras ng dating ng hinihintay ko kaya nagpasama na muna ako kay Jiwoo.
“Ito na.” Jiwoo leaned across the table, phone still in hand and let me see her screen. “It’s a traditional Chinese word which basically means ‘my lady’.”
Tumingin siya sa akin at parang nagpipigil lang na humiyaw. Bumalik na naman ang pagiging energetic niya ngayon kaya nangungulit na naman siya.
“Hindi ka ba naka-follow sa social media sites ni Minghao? Pangalawang beses na kaya niyang nag-post ng tungkol sa’yo, but the first one was taken down for reason we don’t know.”
“Wala akong social media.” Totoo iyon. Para makaiwas sa mga rumors ay hindi talaga ako gumawa ng kahit anong account.
“Napansin ko talaga ang closeness ninyo noong bakasyon eh. Tapos nag-kiss pa kayo.”
Umangal ako. Ngayon lang nabanggit ni Jiwoo ang tungkol sa bagay na iyon. Akala ko tuloy ay nakalimutan na niya.
Nabaling sa ibang direksyon ang atensyon ko nang mapansin ang lalaking nakatayo sa labas ng shop at nakatingin sa akin. Kinawayan ko siya at sinenyasan na pumasok na.
“Minghao oppa—“ Jiwoo immediately covered her mouth with both hands and stared wide-eye at The8. “Ikaw nga...”
Tipid na ngumiti sa kanya si The8. Nakasuot siya ng malaking sombrero para itago ang mukha niya, kakatanggal lang din niya ng face mask nang umupo siya sa tabi ko.
“Oh my gosh! Hanggang kailan n’yo ba ko balak pakiligin sa inyong dalawa? Parang noong nakaraan lang, magkaaway lang kayo tapos ngayon share na kayo sa iisang frappe?”
Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa sinabi ni Jiwoo. Tumingin naman sa ibang direksyon si The8 matapos bitawan ang baso ko dahil uminom siya roon.
“Puwede bang um-order ng hangin? Hindi na kasi ako makahinga dahil sa inyong dalawa. Parang ang dami kong na-missed,” patuloy na litanya ni Jiwoo. Mabuti na lang at malayo sa table namin ang ibang customers kaya hindi nila naririnig ang mga sinasabi niya.
“Ipapahatid na kita sa driver ko hanggang sa inyo,” imporma ko kay Jiwoo para ibaling sa iba ang usapan namin. Napansin ko na rin kasi ang pagkailang ni The8 dahil sa pinagsasabi niya.
BINABASA MO ANG
We Must Stop Meeting This Way
RomanceHindi madali ang mag-adjust. That's what she realized after all these tiresome events happening before her very eyes. From the poor girl that she was to a pampered princess that she became- life became a never ending sequence of pretensions. Life ha...