SVT - FIFTY TWO

14 3 0
                                    

Nagsimulang tumulo ang luha ko. Tama ba ang naririnig ko? Ayaw niya na talaga akong makita? Pilit kong hinanap sa mukha niya ang pagdadalawang isip. Baka kasi nabibigla lang siya. Baka hindi niya talaga intensyong sabihin ‘yon.

Baka nagkakamali lang ako ng pagkakarinig.

I breathed deeply. Pinatatag ko ang mukha ko. “Kung ‘yan ang gusto mo,” maiksing sabi ko at tumalikod na.

Mabibilis ang bawat hakbang na ginagawa ko, mabibigat ang bawat bagsak ng paa. Madadaanan ang pool area kung manggagaling sa garden. Mabuti na lang at walang tao roon. Madilim din kaya walang makakakita sa akin na umiiyak.

Nahinto lang ako sa paglalakad nang tumunog ang phone ko. Mabilis kong pinahid ang luha ko at sinagot ang tawag ni Jinyoung. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako nagsalita. Buti na lang at mukhang nagmamadali rin siya. Tinanong lang niya kung nasaan ako, nang sabihin kong nasa pool area ako ay agad na niyang tinapos ang tawag.

Lumapit ako sa swimming pool at tumitig sa malinaw na tubig. I used to be afraid of water before. Pero unti-unti ko nang nalalabanan ang takot ko sa malalim na tubig. Ano kaya ang pakiramdam ng lumulutang lang?

Tumingin ako sa paligid at napansin na walang ibang tao maliban sa akin. Nakakapagtaka rin na dalawang ilaw lang ang nakasindi para maging liwanag ng pool area. Hindi ba puwede ang night swimming dito? Nagkibit-balikat ako at nagsimula nang maglakad palayo.

Pababa na ako nang biglang namatay ang ilaw sa pool area. Napatili ako sa sobrang gulat at mabilis na nilingon ang paligid. Maaliwalas ang langit pero walang buwan at mga bituin. Inaadjust ko pa ang malabong mata ko sa dilim nang biglang may bumukas na ilaw.

Sandali akong napapikit dahil nakatutok iyon sa akin. Nang dumilat na ulit ako, nabigla ako dahil nakakulong pala ako sa isang spotlight. Nagtatakang nilingon ko ang buong kapaligiran. Hindi ko maintindihan ang nangyayari.

Nasa gitna ako ng pagdadalawang isip nang bigla na lang magsimulang tumugtog ang acoustic version ng kanta ng B1A4 na Pretty. Kasabay niyon ay nag-play ang isang video galing sa projector na ngayon ko lang napansing naka-setup pala roon.

Compilation iyon ng mga litrato ko. Nagtaka ako dahil ang iba ay halatang luma na at kinunan four years ago. Mayroon pang picture ko noong sumali ako sa isang cosplay event. Mayroon ding litrato ko sa kusina sa dating dorm nina kuya. Mga litrato ko sa bawat lugar na pinasyalan ko at napuntahan ko na.

Hinanap ko si Jinyoung sa paligid dahil siya lang naman ang alam kong puwedeng magkaroon ng ganoong mga litrato ko. Para saan ang video na ‘yon?

Habang nanunuod ako, unti-unting bumabalik sa akin ang mga alaala namin dati. Mas lalo kong hindi napigilan ang pag-iyak. May isa kasing picture ko na nakatayo ako sa baba ng stage, nakatingala habang nakangiting pinapanuod ang rehearsal ng B1A4 para sa concert nila.

Missed ko na ang younger version kong iyon. Si Chinee na mahal na mahal ang grupo, si Chinee na walang ibang inaalala, walang ibang pinoproblema kung ‘di ang mga babaeng umaaligid kay Jinyoung. Si Chinee, na tanging si Jinyoung lang ang nag-iisang lalaking nakikita.

“Mei-Mei...”

Tumutok ang mata ko sa direksyon ng pinanggalingan ng boses na tumawag sa akin. Humina ang tugtog galing sa speakers pero patuloy pa rin ang pagpi-play ng video. Ilang sandali pa, unti-unti nang naglalakad palapit sa akin si Jinyoung, hawak ang microphone, nasa likod naman ang isang kamay niya.

“Alam kong marami na tayong pinagdaan, Mei. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kang umiyak nang dahil sa ‘kin. Alam kong matagal ka ring lumaban para sa ‘ting dalawa. Matagal kang naghintay, umunawa at buong pusong tinanggap ang kung ano lang ang kaya kong ibigay sa ‘yo.”

Tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Inilabas niya na ang isang kamay mula sa likod at inabot ang isang pumpon ng bulaklak. Walang imik ko iyong tinanggap mula sa kanya.

“These days have been the hardest for us. Pinaiyak na naman kita dahil sa nangyari sa akin. I almost lost my life because of my carelessness. Habang wala akong malay, nanghihina at ngayon nga na walang masaydong maalala, hindi mo pa rin ako iniwan. You sacrificed everything for me, even your dreams...”

Nanlaki ang mga mata ko. Alam ba niya ang ginawa kong pag-backout sa contract namin ni Remarie sa Japan?

“Alam ko iyon, Mei. I am aware of what you gave up because of me and for that...” He smiled, “I’m grateful.”

I gasped when he knelt down in front of me. May kinuha siya sa bulsa ng coat niya at iniharap iyon sa akin. It was a ring.

“What...”

“You already sacrificed so much for me, Mei. Will you allow me to dedicate my whole life to you eternally?”

Kuminang ang bato na nasa singsing dahil sa tama ng ilaw. Tinitigan ko iyon. It has the same design but only with expensive stone. Naalala ko ang singsing na ibinigay sa akin ni Jinyoung noon. Kapareho iyong ng singsing na meron din siya na kung mag-isa lang ay parang may uka ang gilid pero kapag pinagdikit ang dalawa ay bubuo ng hugis puso.

“Will you spend a lifetime with me?” tanong niya.

Lifetime. Parang ang sarap sa pakiramdam na may taong gusto kang makasama habang buhay. I always dream of spending my lifetime with the very same man in front of me. I already know what it would be like being his wife.

But that was before Minghao.

Minghao.

Binalikan ko ng tingin ang pinanggalingan kong garden at nakakita ako ng anino na alam kong sa kanya. Pero hindi na siya nag-iisa. There was another shorter shadow beside his.

Si Kimi.

“Mei.”

Muli akong bumaling kay Jinyoung nang tawagin niya ang pangalan ko. He’s still in front of me, kneeling, waiting for my answer.

Naiyak ako. Hindi ko alam kung para saan pa ang mga luhang iyon. Kapag tinanggap ko ang proposal ni Jinyoung, hindi na ako makakabalik kay Minghao. Pero kapag tinanggihan ko, hindi rin naman ako makakasiguro na makakabalik ako sa kanya.

Hinawakan ko ang dalawang kamay ni Jinyoung at inalalayan siyang tumayo.  Minsan ko na siyang minahal at hindi naman iyong gano’n kadaling kalimutan. Alam kong sa sulok ng puso ko, may natitira pa ring pagmamahal para sa kanya.

Baka tama siya. Minsan ko na siyang minahal, puwedeng mahalin ko pa siya ulit. Kapag lumipas na ang panahon, kapag tama na ang pagkakataon. Huminga ako nang malalim at marahang tumango habang nakangiti.

Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ni Jinyoung. Mula sa kabadong naghihintay hanggang sa nagniningning na mga mata dahil sa katuwaan.

“Really?” he confirmed. Tumango ulit ako. “I love you, Mei!” he squealed.

Isinuot niya sa daliri ko ang singsing. Nakangiting tinitigan iyon matapos bago nag-angat ng tingin sa akin.

“Don’t cry, Mei. I aimed to make you happy from now on.” He wiped my tears with the back of his hand.

Tumango ako at sinubukang pigilan ang pag-iyak. Pagkatapos, nabigla na lang ako nang walang paalam niya akong halikan sa labi.

Hindi ako agad nakahuma. But when Jinyoung started to move his lips against mine, I just closed my eyes and went along with his lead.

Wala nang atrasan.

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon