Alanganin akong naglakad palapit sa grupo ng mga babaeng nakaupo sa sahig ng waiting area. Hindi ko kasi kasama si Jiwoo kaya hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.
Masyado nang matagal ang huling beses na pumila ako at naghintay kasama ang ibang fans hanggang sa papasukin kami sa studio para panuorin ang paborito kong grupo.
Ngayon, mukhang imposible nang gawin ko ulit iyon dahil disbanded na ang B1A4. Sila lang naman ang pinipilahan ko kahit na puwede ko silang hintayin sa backstage o dressing room dahil may access ako bilang family member, mas gusto ko pa ring makisali sa ingay ng fans nila.
Dalawang buwan na pala ang lumipas mula nang ianunsyo ng grupo ang disbandment nila. Dalawang buwan na ang lumipas mula nang huli kaming magkita at mag-usap ni Jinyoung.
“May seat number ka na ba?”
Ipinakita ko sa babaeng nagtanong sa akin ang access ticket na ibinigay sa akin ng staff ng Seventeen kanina. Bago ako pumasok ay nakipagkita ako sa isang staff dahil iyon ang instruction na ibinigay sa akin ni The8.
“Magkatabi pala tayo sa front seat.”
Ngumiti ako at tumango sa kanya. Sa tingin ko ay mas bata siya sa akin. May print ng official logo ng grupo ang harap ng hooded jacket niya. May dala rin siyang maliit na banner na may mukha ng lahat ng miyembro at isang pamaypay na mukha naman ni Hoshi ang nakalagay.
“Wala kang banner?” tanong ulit niya.
Tumango ako. Si Jiwoo naman kasi talaga ang kumpleto sa mga gamit at napapasama lang ako kapag masyado na siyang mapilit na kaladkarin ako sa mga lakad niya. Pero ngayon, wala siya.
“Hindi kasi dumating ang kasama ko. Nasa kanya ang lahat ng gamit namin,” pagsisinungaling ko na lang.
Mataman siyang tumitig sa akin, pagkatapos ay binuksan ang dala niyang backpack.
“Who’s your bias in Seventeen?” tanong niya habang nasa bag pa rin ang atensyon.
Bias? Wala naman akong bias sa kahit na anong grupo.
“The8,” sagot ko nang hindi nag-iisip. Siya kasi ang unang pumasok sa isip ko.
Naghalungkat siya sa bag niya. “Wala na akong fan ni The8 oppa, naipamigay ko na kanina.” Inabot niya sa akin ang isang pamaypay na nahablot niya sa loob ng bag. “Kay Junhui oppa na lang ang sa’yo.”
Is this really necessary? Pinagmasdan ko ang picture na nasa merchandise. Noong nagbakasyon kami kasama sila ay hindi rin naman kami masyadong nagkausap ni Jun. Tahimik lang kasi siya at mas madalas na sina Joshua at S. Coups ang kasama.
Isang oras bago ang schedule ng recording ay pinapila na kami ng isang production crew at binigyan ng briefing sa mga dapat naming gawin pagpasok sa loob ng studio.
Sabay kaming naglakad ng babaeng nakilala ko. Nakahawak siya sa isang kamay ko hanggang sa makaupo kami sa assigned seats namin. Ang lapit ng puwesto naming dalawa sa stage. Wala pa ang grupo, ilang crews ang naroon para ayusin ang mga backdrop at ilang props sa stage.
Nang tumayo sa gitna ang isang babae na sa tingin ko ay floor director, natahimik kaming lahat habang nakikinig sa instructions niya. Ilang sandali lang ay magkakasunod na lumabas ang buong grupo nina S. Coups. They made their signature greetings and we clapped along with them after.
“My Hoshi is really breathtaking,” bulong sa akin ng katabi ko. Tiningnan ko lang siya dahil hindi ko pa rin alam kung ano ang pangalan niya.
Nakangiti siya habang sinusundan ang bawat galaw ni Hoshi. Pumapalakpak at tumatawa kapag nagsasalita at nagbibiro si Hoshi. Hanggang sa ipakilala nila ang bago nilang kanta, kung pang-ilang track iyon sa latest album nila, ang inspiration para mabuo iyon, producers, choreographer at ang main point sa dance steps nila.
Mula sa kinauupuan ko ay kitang kita ko ang pag-iikot ng tingin ni The8 sa audiences. Pakiramdam ko ay hinahanap niya ako pero dahil siya ang nagbigay sa akin ng seat number ay tumigil sa puwesto ko ang mata niya. Pero itinago ko sa hawak na pamaypay ang mukha ko at tanging ang mata ko lang hanggang buhok ang makikita niya.
After their introduction, the stage dimmed as all the members took their positions. Nakaupo silang lahat at walang gumagalaw hanggang sa magsimulang tumugtog ang kanta. This is actually the first time I heard their song and I was stunned to realize how relieving their intro was.
Their moves were fluid and well synchronized. I can’t believe how calming it is to listen to. Para silang may mga invisible strings na konektado sa bawat isa. Kapag gumalaw ang isa ay gagalaw rin ang lahat pero hindi nasisira ang koneksyon nila.
Jeonghan’s part came in and I was amazed by his voice. He made few moves and in just a moment, The8 slipped through taking the center stage.
Wala sa loob na naibaba ko ang pamaypay na hawak ko kaya nakita na niya ako ng tuluyan. Simula noon, kahit saan siya mapunta sa stage ay sa akin lang siya nakatingin. I don’t know if it was still part of their concept but The8 looked as if he’s glaring without even hint of smile from his lips.
I couldn’t express my feelings because I was too young
I wanted to be your tomorrow so I lived today
Ever since the first day I saw you until now
In my heart it’s only youNawala sa paningin ko si The8 nang maiwang nakatayo sina Jun at Hoshi habang nakapalibot sa kanilang dalawa ang iba pa nilang kagrupo. Ang bawat indak nila, bawat kumpas ng mga kamay at bawat hakbang, pakiramdam ko ay nadadala rin ang emosyon ko. Halos tahimik lang kami habang nanunuod sa kanila.
I couldn’t express my feelings
Because I wasn’t brave enough
If only I knew love a little earlier
Ever since the first day I saw you until now
In my heart it’s only youThe8 took the center part once again on their second chorus. He swayed his hands and all the members moved along with him as if he’s the one in control of them. He never took his eyes off me and I too like we’re on a staring contest.
The moment the song ended, I was already out of breath. It feels like I was teleported on a different world while their song is ongoing and just came back once it ended. We all stood up and cheered for them.
Hindi ko napigilan ang sarili kong matuwa nang matapos ang performance nila ng maayos. Nakiki-cheer na rin ako sa audiences habang binabanggit ang pangalan ng grupo nila.
“Unnie, I feel like crying. They’re really awesome.”
Tumango ako at marahang pinunasan ang luha na tumulo mula sa katabi ko. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa isang kamay ko habang pinupunasan ko ng panyong dala ang luha niya.
“Don’t cry,” pang-aalo ko sa kanya. “Baka isipin nila hindi mo nagustuhan ang performance nila. Tumango siya at yumakap sa akin. “I really love their group.”
Marahang tapik sa ulo niya ang naging tugon ko. Nang tumingin ako sa stage ay nakatingin pa rin sa akin si The8 pero hindi ngumingiti. I gave him a questioning look but his expression never changes. Ibinaling ko na lang sa iba ang tingin ko at natuon ako kay S. Coups. He’s waving on the audiences but stopped when he recognized me. I smiled timidly and he just nods to acknowledge my presence.
Umalis na sa stage ang grupo pero hindi muna kami hinayaang lumabas dahil hindi pa tapos ang recording ng show at may rookie girl group pa raw na ipapakilala. Hindi ko alam na may ganito pa pala. Ang akala ko kasi ay ang Seventeen lang ang panunoorin namin.
We all fell silent when the hosts introduced the girl group. Nakahilera silang tumayo paharap sa amin. Nagpalakpakan ang lahat pero ako, muntik na akong mapatayo.
Nabitawan ko ang hawak ko nang magtama ang tingin namin ng leader ng grupo nila.
**
AN : Okay, up top is the Live Performance of Seventeen in Thanks. Just look at their choreo and synchronization...
BINABASA MO ANG
We Must Stop Meeting This Way
RomanceHindi madali ang mag-adjust. That's what she realized after all these tiresome events happening before her very eyes. From the poor girl that she was to a pampered princess that she became- life became a never ending sequence of pretensions. Life ha...