SVT - FOUR

125 35 224
                                    

"Wow! The video will be released tomorrow."

Why isn't he calling me yet? Wala naman silang schedule ngayon dahil umuwi sa bahay si kuya kagabi.

"Mei, nakikinig ka ba?"

Matamlay na nilingon ko si Jiwoo. Nasa cafeteria kami para kumain at kaunti na lang ang estudyanteng naroon kaya tahimik ang paligid.

"I heard you," sagot ko matapos siyang tingnan bago muling binalingan ang pagkain ko.

"You're cruel. You heard me but chose to ignore me."

Nagbuga ako ng hangin at pilit siyang inignora. Marami na akong iniisip ngayon para dagdagan pa niya. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang isang kamay niya sa likuran ko kaya nilingon ko siya.

"Hindi pa rin ba siya tumatawag?"

The concern in her voice, the sadness in her eyes that seemed to reflect mine makes me wants to cry. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang ganitong pakiramdam ko. Masaya naman kami eh. Kuntento ako sa mga sandaling oras na nakakasama ko siya. Alam kong abala siya at naiintindihan ko iyon.

Pero may nagabgo kasi. Hindi ko alam kung saan, paano at kailan pero nararamdaman kong lumalayo siya, na lumalawak ang distansya sa pagitan naming dalawa.

"Umuwi si kuya kagabi..." hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko sana dahil naramdaman ko ang pagsakit ng lalamunan ko.

Baka naman kasi pagod siya at hindi pa nagigising. Kanina paggising ko ay tulog pa rin si kuya at hindi namin siya nakasabay sa agahan. Nalaman ko na lang na umuwi siya nang makita ko sa parking lot ang kotse niya.

"You know how busy they are, right?" Jiwoo asked in a calmer tone.

Tumango ako. Alam ko naman. I've been with Jinyoung for two years. Nasubaybayan ko ang lahat ng activities nila. I'm updated of their whereabouts because of my older brother. Alam ko lahat ng mga kanta nila bago pa nila i-release iyon dahil minsan ay sumasama ako sa recording studio nilang lima.

Isa pa, mas sumikat na sila ngayon simula nang mag-release sila ng album sa Japan. They've been in and out of the country for two years to promote their album and to do their shows.

"I'll be fine. Nothing to worry about," I declared, more on consoling myself.

Puno ng pang-unawang ngumiti si Jiwoo at mahinang tinapik rin niya ang likod ko. Isang buntong hininga ulit ang pinakawalan ko bago muling hinarap ang pagkain na halos wala pang bawas.

Wala pang isang minuto ang lumipas nang tumunog ang cellphone ko kaya mabilis kong binitawan ang hawak kong kutsara at agad hinalungkat ang bag ko. Kilala ko ang caller dahil nag-assign ako ng particular na caller ringtone para sa kanya.

"Jinyoung..."

Habang tahimik akong nakikinig sa sinasabi niya sa kabilang linya ay matamang nakamasid lang sa akin si Jiwoo. Nang matapos ang tawag ay agad kong iniligpit ang lahat ng gamit ko.

"Sa'n ka pupunta?" pahabol na tanong niya nang tumayo ako.

"Nasa gate si Jinyoung at hinihintay ako, pupuntahan ko muna siya."

"Malapit na ang next class natin."

I looked at my wristwatch and learned that our next class will start in fifteen minutes. That would not be enough time for us to talk and I have no any other vacant time after. And I don't even have any other time to spend with him either.

"Hindi ko alam kung kailan pa ulit ako magkakaroon ng chance na makita siya." Umupo ako ulit sa lamesa at hinawakan ang dalawang kamay niya. "Can you make excuses for me for being absent today? I badly needed to see him now."

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon