First Person Point of View
-Chinee-One of the easiest things to do is to lie about what you feel, but the hardest is to hide how you feel. That’s what I realized after Rem asked me the question even I myself, am avoiding to ask.
“Are you having a problem with Jung Jinyoung?”
Alanganin akong nag-iwas ng tingin sa kanya. She knew me well so how can I lie to her? Kagabi, matapos naming mag-usap ni Jinyoung ay nagpadala ako ng mensahe sa kanya para makipaghiwalay. Pero hindi nagtagal ay pinagsisihan ko rin naman iyon agad kaya sinubukan ko siyang tawagan.
Hindi siya sumasagot hanggang sa nakatulog na lang ako. Siguro ay tinanggap na lang din niya ang desisyon ko.
“Chin...”
“I’m fi—“ Mabilis kong tiningnan ang cellphone ko nang tumunog iyon sa pag-aakalang si Jinyoung ang tumatawag. Napailing na lang ako. Iba nga pala ang ringtone niya pero agad akong nagiging alerto sa simpleng pagtunog ng phone ko.
“Sino ‘yan? Bakit ayaw mong sagutin?”
Iniharap ko kay Rem ang screen ng phone para ipakita ang caller.
“Kalilah Park?” tanong niya kaya tumango ako. “Bakit ayaw mong sagutin?”
Umiling ako at ibinaba na ang phone. Nilagay ko na lang iyon sa silent mode para hindi na mag-ingay pa. “Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya,” maiksing sagot ko at itinuon na ang tingin sa ongoing scene.
Kasalukuyang kinukuhanan ng eksena ang main vocals na sina Seungkwan at DK kasama ang nasa performance unit na sina Jun at Dino. Wala naman akong nakikitang problema sa pag-arte nila.
“Siya nga pala.” Nilingon ko si Rem nang muli siyang magsalita. “Sino ‘yung lalaki kanina? Iyong sumalubong sa’yo sa pinto?”
“Hindi niya ako sinalubong. Nagkataon lang na palabas siya noong papasok naman ako,” tanggi ko sa kanya. Totoong nagulat ako nang bumungad sa akin si The8. How in the world he’s here? Tumawag sa akin si Remarie kagabi at sinabing na-email na niya ang profile ng mga product endorsers. Hindi ko lang iyon natingnan dahil pinoproblema ko pa si Jinyoung. Hindi ko rin inaasahan na ang grupong sinasabi niya ay ang Seventeen pala.
“So you really knew them,” she confirmed.
“They’re popular around here. Of course, I knew them.”
“It’s not what I mean, Shin Mei Yuk,” she said using my whole, real name.
“Tsk!”
“Don’t tsk me Chinee Andromeda.”
“Alam mo, malilito ang mga taong nakakarinig sa’yo kung sino ang tinatawag mo. Kailangan talaga dalawang pangalan ko?”
“Well, it’s not my fault if you’re still using your old name in order not to forget who you really were,” she retaliated in a sassy tone.
“Hindi ko tinatago ang totoong identity ko,” mahinang sagot ko sa kanya pero parang inuusig din ako ng sarili kong kalooban.
“Really now! Kung hindi mo tinatago, nasaan na ang Chinee na dating kaibigan ko?” Inilapag niya ang script na hawak niya sa isang monobloc na malapit sa kanya. “Alam mo, okay lang naman ang mag-adjust ka para magkasundo kayo ng partner mo. Pero iyong tuluyan mong kalimutan ang sarili mo at patayin ang katauhan mo para bumagay sa kanya, hindi naman na yata tama iyon, Mei.”
Pinapatay ko na ba ang sarili kong pagkatao para lang bumagay kay Jinyoung? Yumuko ako. “Bakit ngayon mo lang sinasabi sa’kin ‘yan?”
“Dahil alam kong hindi ka makikinig kapag sinabi ko iyon sa’yo noon. You are crazily in love with Jinyoung that you will automatically discard every bad word towards him.”
“Ano ang kaibahan ng noon sa ngayon?”
“Nagtatanong ka na Chinee at sa tingin ko handa ka nang tumanggap ng opinyon ng ibang tao. I’m telling you, kung sa tingin mo hindi na nakakabuti ang relasyon ninyo para sa’yo...”
She trailed off. And that made me looked at her again. I was met by her serious gaze, too overwhelming that it made me dizzy. “What do you want me to do then?” I asked, even though I already had an idea on what she’s about to say next.
“Then break up with him.”
Mataman akong nakatingin kay Remarie. Hindi ako kumukurap habang hinihintay na tumawa siya at sabihing nagbibiro lang siya. Baka naman kasi sinusubukan niya lang ako. Baka gusto lang niyang malaman ang magiging reaksyon ko. Baka inaasar lang niya ako, kasi ganoon naman si Rem, mahilig mang-asar.
Gusto kong tumanggi o kontrahin ang sinabi niya. Pero parang may bara sa lalamunan ko kaya hindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko, biglang nalusaw ang buong paligid at ako na lang ang naiwan. Para akong nasa isang madilim na stage at nasa akin ang spotlight.
Sa di kalayuan ay may isa pang spotlight. Nakatayo roon si Jinyoung habang nakatanaw sa akin. Pero unti-unti siyang tumatalikod at naglalakad palayo.
“I-I can’t do that.”
Just the thought of him being away from me pains my heart. Paano ako gigising sa umaga kung pagmulat pa lang ng mata ko, siya agad ang nasa isip ko? Paano ko palilipasin ang isang araw na hindi ko siya inaalala? Paano ako mag-uumpisa kung siya ang simula ko? Paano ako magpapatuloy kung siya ang iniikutan ng mundo ko?
“Pero naiisip mo na?”
Nagtatakang tiningnan ko so Rem. Sumigaw siya ng short break sa lahat kaya nag-stand by ang mga staffs at lumapit ang ilan sa kanila para magpamigay ng sandwich at bottled juice sa lahat. Hinila ako ni Remarie papunta sa isang sulok.
“Spill it Chin.”
Kumibot ang labi ko pero hindi ako nagsalita. Narinig ko ang buntong hininga niya katagalan. Hanggang sa namalayan ko na lang ang pagkabig niya sa akin para yakapin.
“Believe me Chin, hindi mo ako naging kaibigan ng ilang taon nang walang dahilan. Pagpasok mo pa lang sa gate kanina, sa klase ng ngiti na ibinigay mo sa akin, alam ko nang may hindi tama.”
Gumanti ako ng yakap sa kanya. Dapat ba pinakinggan ko na siya noon pa? Dapat ba umiwas na talaga ako kay Jinyoung bago pa kami magsimula? Baka kasi kung sakaling hindi naging kami, baka hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon.
“Hindi totoo na gusto kong makipaghiwalay ka sa kanya Chin. Pero ang isipin na ini-entertain mo ang idea na ‘yon imbes na tanggihan mo gaya ng madalas mong ginagawa noon, sa tingin ko kailangan mo na talagang magdesisyon.”
BINABASA MO ANG
We Must Stop Meeting This Way
RomanceHindi madali ang mag-adjust. That's what she realized after all these tiresome events happening before her very eyes. From the poor girl that she was to a pampered princess that she became- life became a never ending sequence of pretensions. Life ha...