Napakapayapa ng paligid, masarap din sa pakiramdam ang simoy ng hangin. Nakahiga ako sa ilalim ng isang mayabong na puno. Panaka-naka ang pagsilip ng sikat ng araw kapag gumagalaw ang dahon dahil sa mabining ihip ng hangin.
Pumikit ako at dinama ang init sa mukha ko.
“Ang payapa mong tingnan, Mei.”
Ngumiti ako bilang tugon sa sinabing iyon ni Minghao. Pinakiramdaman ko rin ang patuloy na paghagod niya sa mahaba kong buhok. Nakahiga ako sa damuhan at nakaunan sa kandungan niya. Nakasandal naman siya sa katawan ng puno na nagbibigay sa amin ng silong mula sa araw.
Tama siya, ang payapa nga sa pakiramdam.
Nang huminto ang paghagod niya sa buhok ko ay dumilat ako para tingnan siya. Sinalubong ako ng malamlam na tingin ni Minghao.
“B-bakit?” kibakabahang tanong ko. Hindi naman ako takot sa kanya. Talagang ganoon lang ang epekto sa akin kapag tinititigan niya. Parang tumatalon sa tuwa ang puso ko, parang kinikiliti ang pagkatao ko.
“I just love seeing you like this.” Ngumiti siya at tumingin sa malayo.
Bumangon na ako at umupo sa tabi niya. Agad namang pumulupot sa baywang ko ang isang braso niya kaya isinandal ko ang katawan ko sa kanya. Nakitanaw ako sa direksyon na tinitingnan niya.
Malawak ang lugar na puro damo lang ang matatanaw. Hindi ko matandaan kung paano kami napunta rito pero parang ayoko nang umalis.
Bigla na lang akong napangiti at nilingon si Minghao. Nakangiti rin siya matapos akong gawaran ng halik sa pisngi. Mahal ko talaga siya. Hindi ko alam kung sapat ba ang mga salita para maiparating ko sa kanya.
Tumanaw ulit ako sa malawak na kapaligiran habang iniisip kung paano ko maipaparamdam sa kanya ang pagmamahal ko. Lagi na lang kasing si Minghao ang gumagawa niyon sa akin. Baka panahon na para ako naman ang kumilos.
“You have to be happy, Mei, no matter what.”
Kumunot ang noo ko dahil parang nag-iba ang tono ng boses niya. Malungkot, mabigat.
“Strive to be happy... even without me.”
“Why are you—”
Paglingon ko ay wala na si Minghao sa tabi ko. Umihip ang malakas na hangin. Tumayo ako at nilingon ang buong paligid. Mag-isa na lang ako.--
I woke up with a jolt. I looked sideways and stared at the glowing LED light of my digital clock. Four thirty in the morning, it says.
Tumitig naman ako sa kisame ng hotel suite ko. Madilim at ang mahinang ilaw lang ng lampshade ang nagbibigay sa akin ng liwanag. Ilang beses akong kumurap at muling inalala ang panaginip ko.
I felt so empty when I shouldn’t be. Inangat ko ang kaliwang kamay ko at tinitigan ang singsing na bigay ni Jinyoung.
Ito ang siguradong hindi lang basta panaginip. I am really, truly engaged to Jung Jinyoung now. I stirred from my bed and laid flat on my chest. Sinubukan kong matulog ulit.
Ilang minuto na akong nakapikit pero hindi ko pa rin mahuli ang antok ko. Paulit-ulit kasing bumabalik sa isip ko ang huling sinabi ni Minghao sa panaginip ko. Parang nagpapaalam na siya.
Pumiksi ako at naiinis na bumangon. Grabbing my coat sitting on the couch, I started my pace towards the door.
Tahimik ang buong hallway. Mukhang mahimbing pa ang tulog ni Jinyoung nang mapadaan ako sa kuwarto niya. Dumiretso ako sa elevator at narating ko ang lobby. It’s almost five in the morning and I can see few hotel guests outside through the glass wall.
BINABASA MO ANG
We Must Stop Meeting This Way
RomanceHindi madali ang mag-adjust. That's what she realized after all these tiresome events happening before her very eyes. From the poor girl that she was to a pampered princess that she became- life became a never ending sequence of pretensions. Life ha...