SVT - FORTY TWO

19 1 0
                                    

Maaga akong bumiyahe para mamili ng mga bagong damit na gagamitin ko pagpunta sa Japan. Nakapag-usap na kami ni Remarie at naipadala na niya sa akin ang script na ida-direct namin pareho. Balak niyang bigyan ako ng isang bukod na location para mas mapabilis ang filming namin doon.

Nagtungo ako sa mall at nag-ikot sa mga shops doon. Mamaya pa namang alas dos ang event na balak naming puntahan ni Jiwoo at ala una ang usapan naming magkikita. Mayroon pa akong dalawang oras. Ilang shops na sa loob ng shopping mall ang pinasok ko pero dalawang paper bags pa lang ang dala ko.

Hindi talaga ako mahilig bumili ng mga gamit.

Nang makaramdam ng gutom ay naisip kong huminto muna sa isang pizza shop at doon na lang kumain.

Hinihintay kong dumating ang order ko nang biglang may umupo sa harap ko. Natigilan ako at napatulala na lang sa kanya.

“Hi,” he greeted in a cracked voice.

Marahan kong ibinaba ang phone ko, sinigurong nakapatay ang screen. Hindi ko alam kung bakit biglang gusto kong itago sa kanya kung sino ang kapalitan ko ng mensahe na siguradong makikita niya kung mananatiling nakabukas ang screen.

Ilang beses akong sumulyap habang nakatitig lang sa kanya.

“Mag-isa ka lang?” tanong niya.

Marahan akong tumango. I’m still out of words. Seeing him again now became more familiar than painful. Hindi ko alam kung bakit.

“I’m meeting a friend.” I let out a deep sigh.

“Sino?”

“Si Jiwoo.”

Pareho kaming natahimik. Kumunot ang noo niya at parang nagtatanong ang mga mata.

“Kaibigan ko. Classmate ko sa university,” paliwanag ko. Ngayon ko lang naisip na ni minsan ay hindi pa nga pala niya nakita si Jiwoo. Kapag sinusundo niya ako dati ay hanggang sa gate lang siya at aalis na rin kami agad. Si Remarie lang ang kakilala niyang kaibigan kong babae.

“Ikaw, anong ginagawa mo rito?” naalala kong itanong. Nag-iwas na ako ng tingin dahil nakakailang ang klase ng pagtitig niya.

“I’m having a pictorial. Pero paalis na rin kami. Nakita lang kitang mag-isa kaya ako lumapit.”

Tumango ako. Hinanap ko sa loob ko ang dati kong nararamdaman kapag bigla na lang siyang nagpapakita sa akin. Natutuwa ako kapag dumarating siya nang hindi ko inaasahan, pero ngayon, naiilang ako at hindi ko alam ang gagawin.

“Marami akong gustong sabihin, Mei. Marami akong gustong ipaliwanag.”

“Don’t you think it’s too late now? It’s been what? Two months? Six months?”

“All is not lost, right? I know you Mei. Galit ka lang sa akin ngayon pero gusto kong magpaliwanag sa’yo. Please hear my side first.”

I leaned my back on the chair and stared at him intensely. Crossing my arms across my chest, I urged him to talk and allowed him to explain.

“I can’t now.” Tumingin siya sa wristwatch na suot niya. “I still have a commitment to attend to. Dumaan lang ako dahil nakita kitang mag-isa rito.”

I released a frustrated sight at his answer. Hindi pa rin siya nagbabago. Gusto niyang makipag-usap sa akin pero priority pa rin niya ang career niya.

“Ayoko nang makipagkumpitensya sa schedule at career mo Jung Jinyoung. Pagod na akong maghintay kung kailan ka lang puwedeng makipagkita sa akin.”

Iniligpit ko na ang gamit ko at ibinalik ang phone sa loob ng shoulder bag. Bayad ko naman na ang order ko kahit hindi pa nakakarating sa akin ang pagkain. Gutom ako pero nawalan na ako ng gana.

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon