SVT - PROLOGUE

169 10 0
                                    


3 months ago...

"Myungho-ya..."

"Hyung," he answered without looking away from the LCD screen of his camera.

"Kanina ka pa raw tinatawag ni Mingyu pero hindi mo siya pinapakinggan." Umupo ang bagong dating sa tabi nito, umakbay sa balikat at pilit na sinisilip ang tinitingnan niya.

"Maganda ang scenery dito, Jeonghanie hyung." Ngumiti siya at itinapat sa bagong dating ang camera. "Smile for me."

Hindi naman siya nabigo dahil ibinigay sa kanya ng mas nakatatanda ang pinakamaganda nitong ngiti. He adjusted the camera lens to focus on his subject then captured his angelic face.

"Why do you love taking so many pictures, Myungho?"

"Me?" he asked. Inisa-isa niya ulit ang mga pictures sa camera pagkatapos ay nag-focus na naman sa tanawin na nasa harap nila. "Pictures tend to reserve the most beautiful moments in one's life."

May nakita siyang kumpol ng mga batang naglalaro sa isang parte ng park kung saan naroon sila. Kinuhanan niya iyon ng litrato at natuwa sa kainosentehan ng mga ito. Hindi pa nakuntento at ilang litrato pa ang muli niyang kinuha. Iba't ibang anggulo, magkakaibang focus.

Nang muli niyang tingnan ang bawat litratong nakuha, napakunot-noo siya nang may mapansin sa isang anggulo ng litrato niya. Tumungo siya para pagmasdan ang mga bata.

At doon, nakita niya ang isang dalaga na nakatanaw rin sa mga naglalarong supling.

"Hyung, mauna ka na sa van. Susunod ako mamaya," paalam niya sabay mabilis na tumayo.

Lumapit siya ng bahagya pero sinikap na magtago sa halamanan. Muli niyang itinapat ang camera sa mga naglalaro pero hindi na sa mga bata ang focus niya.

"Mhyungho-ya, mapapagalitan na tayo ng managers natin."

"Just a second, hyung. Isang picture na lang."

Ilang litrato pa ang kinuha niya bago nakangiting pinagmasdan ang naturang dalaga.

Nakangiti ito habang nakasuot ng puting bestida. Ang nakaagaw talaga ng pansin niya ay ang pekeng pakpak ng anghel na nakakabit sa likuran nito. Hindi maintindihan ng binata pero tuwang-tuwa siyang pinagmamasdan ito habang masayang nakikipag-usap at nakikipagtawanan sa mga bata.

"Ang dami mo nang nakuhang litrato. Gagawa ka ba ng exhibit?"

"Isa na lang ulit," pakiusap niya. Nginitian niya ang nakatatanda dahil bakas na sa boses nito ang pagkainis.

"I really don't understand why you love taking so many pictures of the same subject."

He finally stood up and faced his older friend; contentment was all over his face. "Hyung, there are rare moments you can only remember with still images like photographs," he took a glimpse once again at the beautiful maiden that caught his attention, "who knows... you might catch an angel with it."

simplyfanatic01212019

**

AN** Okay, so hindi pa ako nakakabawi sa hype na nararamdaman ko dahil sa comeback ng SEVENTEEN. Anyway, kailangan kong buhayin ang kuwento na 'to para naman magkaroon na ng direksyon ang pagsusulat ko.

 Anyway, kailangan kong buhayin ang kuwento na 'to para naman magkaroon na ng direksyon ang pagsusulat ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon