**
Inihinto ko ang sasakyan para siguruhing lumiko nga ako sa tamang kalye. House number 05017, on the fifth street.
“Andito na ba tayo?” tanong ni Jiwoo na kagagaling sa mahimbing na tulog.
Hindi ako sumagot. Dinukot ko sa handbag ang cellular phone ko para tawagan si Kalih at palabasin sa gate dahil hindi ako sigurado kung tama ang bahay na hinintuan ko.
Ilang sandali lang ay bumukas na nga ang gate na gawa sa bakal at lumabas doon si Kalih. Sandali siyang kumaway at sinenyasan ako para makapasok na kami nang tuluyan sa garahe. Isang linggo ang lumipas mula nang magkita kami ay inaya niya akong magbakasyon.
Pinag-isipan ko muna iyon bago ako sumagot sa kanya. Nauna lang siya sa akin ng isang araw dahil kinailangan ko pang kumbinsihin si Kuya Shinwoo at ang mga magulang namin na payagan akong umalis mag-isa na walang kasamang driver. Kung hindi ko pa sinabing si Kalilah ang makakasama ko ay parang hindi pa kami matutuloy ni Jiwoo.
“Finally!” masayang hiyaw ni Jiwoo nang patayin ko na ang makina ng sasakyan.
Mabilis akong bumaba at agad na nilapitan si Kalih na sinalubong naman ako ng mahigpit na yakap. Hindi nagkakalayo ang tangkad naming dalawa pati na ang hubog ng katawan.
Mataman ko siyang tinitigan at napansin ko agad ang lungkot sa mga mata niya. Malayo ang hitsura niya ngayon kumpara sa Kalilah Park na mapapanuod mo sa TV at makikita sa mga music shows. Walang bahid ng anumang kulay ng makeup ang mukha niya. Maputla at parang naunuyo ang kanyang labi at malalim rin ang kanyang mga mata.
“Mukhang hindi ko na kailangang itanong kung ayos ka lang.”
Bahaw ang naging tawa niya, halos walang buhay. Inilibot ko ang tingin sa garahe at nakita ang malaking van na katabi lang ng dala kong sasakyan.
“Sa loob na tayo. Pumili na ako ng kuwarto na puwede mong gamitin. Hindi ko kasi alam kung papayag kang may kasama.”
“Kalih, puwedeng ‘wag mo na akong ituring na iba? Si Chinee pa rin ako na nakilala mo dati.”
“Ikaw ang prinsesa ng WM kung saan ako dating nagtatrabaho.”
“Indeed, she’s a princess.”
Sabay kaming napalingon ni Kalih nang magsalita mula sa likuran si Jiwoo. Nakasuot siya ng shorts at hanging blouse at kakalabas lang ng sasakyan dala ang malaking bag niya.
“Siya ang sinasabi kong classmate ko from uni na isasama ko rito,” paliwanag ko kay Kalih nang mabasa ko ang pagtataka sa mukha niya.
Mabilis na lumapit sa amin si Jiwoo. Sandali itong tumitig sa katabi ko at bigla na lamang natigilan.
“Y-you...”
Ilang ulit niyang isinuot at hinubad ang malaking dark shades na suot niya na para bang magbabago ang anyo ni Kalih kapag ginawa iyon. Sa bandang huli, tumitig siya nang matagal sa katabi ko at malakas na napasinghap.
BINABASA MO ANG
We Must Stop Meeting This Way
RomanceHindi madali ang mag-adjust. That's what she realized after all these tiresome events happening before her very eyes. From the poor girl that she was to a pampered princess that she became- life became a never ending sequence of pretensions. Life ha...