SVT - TWENTY FOUR

40 7 0
                                    

Everyone, hindi naman lahat tayo KPop fan kaya naiintindihan kong hindi kayo masyadong matandain sa pangalan. Pero mahilig akong magkuwento at mahilig sa Kpop. So pinagsama ko rito ang dalawang hilig ko. Ang point ko lang, intindihin ninyo ang kuwento, hindi ang name ng characters. Story telling lang din ito. Salamat. Below is the picture of some members. Masyado kasi silang madami kaya hinahati ko ang pictures nila depende sa appearance ng bawat isa sa isang chapter. Thanks...

 Thanks

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

**

Natigilan si The8 nang bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Chinee, pero hindi na siya nagsalita.

Ayaw niyang sirain ang tagpong iyon.

Something changed about her from the cold princess that she was yesterday to the warm and domesticated person he would love waking up to and call his wife every morning.

Nang mapagtanto ang itinatakbo ng malikot niyang isip ay mabilis siyang napailing at muling tiningnan ang dalaga.

Nakatalikod na ito sa kinatatayuan niya, paharap sa nakasinding gas stove. Walang ingay na lumapit si The8 upang silipin ang niluluto nito.

“What are you cooking?” Sumilip siya sa nakasalang at nalanghap niya ang amoy ng seasoning.

“Hindi ko alam kung ano ang mga gusto ninyong kainin kaya iniluto ko na lang ang mga nakita kong stocks sa ref.”

Matamang tumitig si The8 sa dalaga. Pilit na hinahanap ang nararamdaman niyang kakaiba rito.

“G-gigisingin ko lang ang iba,” mungkahi niya nang tumingin ito sa kanya.

“Yes, please.”

Tumalikod na ang binata kahit labag sa loob niyang iwan ito. Papunta na siya sa hallway patungo sa mga kuwarto nang masalubong niya roon sina S. Coups at Jun.

“Hyung, hindi pa ba gising ang iba?” tanong niya sa leader nila.

“Bakit?”

“Chinee prepared our breakfast.”

“Chinee?” biglang tanong nito.  “Do you mean Chinee, as in Chinee?” hindi makapaniwalang paniniguro sa kanya.

“Yes. Please, pakinggan muna natin ang sasabihin niya. Tawagin na rin natin ang lahat.”

Alanganing tumingin sa kanya si S. Coups pero ilang saglit lang ay marahan na rin itong kumilos pabalik sa mga kuwarto ng kagrupo nila.

“You do really like her, don’t you?” nanunuksong tanong ni Junhui sa kanya na sadyang nagpaiwan para lang tanungin siya.

Tipid siyang ngumiti.

Matapos ang ilang sandaling sapilitan na pagbangon ay pupungas-pungas pa ang ilan na nagtungo na sa kusina. Nangunguna sina Kalih at Jiwoo na dinaanan lang din ni Jeonghan para hindi maiwan sa agahan.

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon