“Aalis ka ba ngayon, Mei?”Natigil ako sa pagnguya nang marinig ang boses ni Mommy. Lumipad ang tingin ko kay Kuya Shinwoo na tahimik na kumakain bago iyon nagtagal kay Mommy.
“Ngayon po ang labas ni Jinyoung sa ospital,” mahinang sagot ko.
I saw Shinwoo stopped for a while. My mom just heaved a sigh. Maagang umalis si Daddy dahil may board meeting pa sila sa university.
Nagkaayos na kami dalawang araw matapos ang pagtatalo namin. Ako ang unang lumapit at humingi ng tawad sa kanilang dalawa.
“I’m sorry if we’re being overprotective of you, Mei. Sixteen years kang nawalay sa amin. Na-overwhelm kami masyado nang bumalik ka. Nakalimutan naming nagawa mo na palang mabuhay nang hindi kami kasama. Nawala sa isip namin na malaki ka na, alam mo na kung ano ang gusto mong gawin at kaya mong gawin.”
Matapos nang mga sinabi ni Mommy ay naiyak na lang ako habang nakayakap sa kanya. Gusto kong humingi ng tawad dahil nagsisinungaling ako sa kanya. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko.
Pasakay na ako sa sasakyan nang maabutan ako ni Kuya Shinwoo. He volunteered to drive me to the hospital before going to his appointment. Tumanggi na lang ako dahil out of the way ang hospital sa destination niya.
“You really are a grown up, Mei. Nakakapagdesisyon ka na para sa sarili mo.”
Nginitian ko siya.
“Naaalala ko noong unang beses kang umiyak sa akin dati dahil sa nararamdaman mo. Sobrang saya ko no’n kasi naramdaman ko kung paano maging kuya sa ‘yo. I thought I could protect you. I really wanted to protect you but I guessed you can do it for yourself now.”
“Don’t say that. Kailangan pa rin kita bilang kuya ko,” pag-aalo ko sa kanya.
“Sana may courage din ako na gaya ng sa ‘yo. Sana magawa ko rin ang mga gusto ko nang hindi natatakot sa sasabihin ng iba.”
Malungkot akong ngumiti. Shinwoo, being a part of a popular group B1A4 is already a public figure since they debuted. Simula noon ay kailangan na nilang mag-ingat sa lahat ng kilos nila. Hindi sila puwedeng gumawa ng desisyon na maaaring maapektuhan ang ibang tao, lalo na ang fans nila... even at the expense of their own happiness.
“Lumakad ka na, Mei. Baka ma-traffic ka pa.”
Niyakap ko muna si kuya bago ako tuluyang nagpaalam na aalis na. It took me an hour to arrive at the hospital. Naglalakad na ako mula sa parking lot nang may dumating na ambulance sa Emergency entrance ng hospital. Natigilan ako nang makita ang pamilyar na lalaking bumaba mula roon kasama ang ilang attending nurses.
Nang tuluyan nang ilabas ang stretcher ay napasinghap na lang ako. Sandaling nablangko ang isip ko at hindi alam ang gagawin. Nabalik lang ako sa kasalukuyan nang maramdaman ang mainit na kamay sa braso ko.
“What are you doing here, Mei?” an angelic voice asked.
Tumingala ako at bahagyang nasilaw dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kinatatayuan namin.
“Is that...”
“It’s Minghao.”
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Anong nangyari kay Minghao? Bakit siya nasa stretcher?
“Anong...” I can’t continue my question. I can’t even utter a single word.
“May rehearsal kami at nagpe-perform ng isang stunt si Minghao. Namali yata siya ng calculation sa pagbagsak niya tapos tumama siya sa isang props na gawa sa bakal at na-injured ang likod niya.”
BINABASA MO ANG
We Must Stop Meeting This Way
RomanceHindi madali ang mag-adjust. That's what she realized after all these tiresome events happening before her very eyes. From the poor girl that she was to a pampered princess that she became- life became a never ending sequence of pretensions. Life ha...