SVT - TWO

139 35 200
                                    


I don't know what got into me but I ended up sitting on a bench while reading the given script with my hair and makeup being fixed. I sighed and flipped onto the second page. Napakunot-noo agad ako nang mabasa ko ang skit para sa first scene na gagawin namin.

Seriously? Why would a girl ask her boyfriend if she's fat or not? I personally think that's being insecure.

"Ms. Mei?"

Agad akong tumayo at nginitian ang staff na tumawag sa akin. "I'm Chinee," I corrected her. I may not often use that name since the formal and legal announcement about me being a Shin but I only allowed those who are close to me to call me by my birth name which is Shin Mei Yuk.

"Ms. Chinee," nakangiti niyang sabi kaya tumango ako at tipid na ngumiti. "Kailangan na raw tayo sa first scene," sabi niya tapos inilahad ang dalawang kamay para ituro sa akin ang location.

Nakasunod lang ako sa kanya nang pumasok kami sa isang Day Care Center. Hindi ko alam kung bakit dito nila naisip na mag-shoot ng music video ng Q & A song nila pero natuwa ako nang tuluyan nang makapasok sa loob ng classroom. The ambience was very welcoming and friendly. Makulay ang mga dingding pati na rin ang ibang furnitures.

"Dito po tayo."

I slightly bowed and went to the location she directed me. Isang maliit na kuwarto ang setting namin. May isang maliit na lamesa sa gitna at dalawang silya sa magkabilaang panig. Paglapit ko ay tumayo ang lalaking nakaupo sa isang silya at nginitian ako.

"I'm S. Coups, thank you for coming and working with us."

He's undoubtedly attractive with his innocent looking eyes. His lips is moist and red, something that wasn't really familiar with men but I bet, his was natural. Hindi ko sila masyadong natitigan kahapon sa fan signing event nila dahil hindi naman ako lumapit at abala rin ako sa pagre-review.

"I'm Chinee," I slightly bowed and smiled at him politely. "I'll try my best to do well."

Sandaling inayos ng isang staff ang mga gamit sa lamesa. They placed two glasses of juice and the assistant director instructed us on what to do with the scene.

Nakapaligid sa amin ang mga cameras para sa magkakaibang anggulo na kukunan mamaya. Ang mga lightning equipment kits, external monitors para sa live stream viewing ng recording process, digital audio recorder at iba't ibang equipments pa ay isa-isa ko ring pasimpleng tiningnan.

Kahit paano ay medyo nasabik rin ako sa ganitong paligid.

Hinanap ko kung nasaan si Jiwoo at nakitang nakatayo siya sa likuran ng ilang staff habang kausap ang isang miyembro ng Seventeen. Hindi mawala ang ngiti nito habang nakatingala sa lalaking kausap niya. Napailing na lang ako at umupo na sa isang silya.

"Okay, S. Coups and Chinee, stand by," sigaw ng director sa amin.

Tumayo sa harap ang clapper at sinabi ang cue niya para sa take one ng scene. The cameras started rolling and everyone around the room refrained from making a single noise.

Na-rehearsed na kami kanina sa mga dapat naming gawin kaya nang tumingin sa akin si S. Coups ay sinimulan ko na rin ang pag-arte.

I leaned my back on the chair and emotionlessly sipped my drink. He acted naturally being a nervous boyfriend tapping the table with his fingers. Sandali kaming nagkatitigan bago ko inilapag sa ibabaw ng lamesa ang isang papel at inilapit iyon sa kanya.

"Cut!"

I sighed in relief after hearing the approval from the director. Mabilis siyang lumapit sa amin at tumayo ako sa tabi ni S. Coups.

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon