SVT - TWENTY TWO

43 10 10
                                    

**

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

**

The kids— because they are literally acting like kids-- won’t let me out of their sights anymore. Sinulyapan ko si Kalih na nakatayo sa harapan ko sa kabilang panig ng counter island. Katabi niya si Jeonghan na matamang nakatitig sa akin.

Nang sinubukan kong umalis sa high chair ay agad akong pinabalik sa upuan nina Joshua at Mingyu na nakatayo sa likuran ko. Nasa bandang kanan ko si The8 at nasa kabila si Hoshi.

I feel like a criminal being interrogated by these handsome cops— Wait! Why have I done wrong with them that I came to this situation? Sinubukan ko ulit tumayo pero nasa magkabilang balikat ko na naman ang kamay nina Joshua at Mingyu.

Nakaka-intimidate ang tangkad nilang dalawa, lalo na si Mingyu na hanggang dibdib lang niya ang inabot ng height ko.

“I have to get to Jiwoo. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa kanya.” Lumingon ako sa paligid. Kanina pa siya wala sa paningin ko.

“Don’t worry about your friend. She’s being well taken care of by our Wonwoo,” S. Coups explained. I can clearly see the amusement in his eyes.

I sat back on my chair, fully surrendering on their whims. Pero mukhang si Wonwoo pala ang mas dapat kong alalahanin sa ngayon at hindi si Jiwoo.

“Now, care to tell us what’s happening right now?”

It was Joshua, leaning on the counter table. Hindi ko namalayan na umalis na pala siya likuran ko at ngayon ay nakatayo sa tabi ni Jeonghan, paharap sa akin. Muli kong sinulyapan si Kalih pero nananatili siyang tahimik.

“Matagal na kayong magkaibigan ni Kalilah?”

Bumaling ako kay S. Coups at tumango.

“Nagkakilala kami noong trainee pa lang siya. P.A. siya ng B1A4—“

“We already knew that information.”

Tumaas ang kilay ko nang putulin ni Jeonghan ang pagsasalita ko. His facial expression showed he’s on alert mode. Sinimangutan ko siya nang makita ang klase ng tingin niya sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit parang galit siya. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya.

“Baka nagkatrabaho na sila sa isang music video. Director siya ‘di ba. She even directed our cosmetic commercial and our latest music video.” Kalmado ang boses ni Mingyu. Natahimik naman ang lahat na parang sumang-ayon sa sinabi niya.

“Kapatid siya ng isang member ng B1A4.”

“Really? Who among them?” Hoshi asked excitedly. For the first time, I saw him interested on the topic.

“Jung Jinyoung sunbaenim? May pagkakahawig kasi kayo.”

I tensed at the mention of Jinyoung’s name. Gusto ko sanang sitahin si The8 pero hindi ko na nagawa dahil ang ganda ng pagkakangiti niya sa akin.

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon