Nakatanaw sa labas ng sasakyan si Remarie sa buong biyahe namin papunta sa airport. Tapos na ang trabaho niya kaya pabalik na rin siya ng Thailand para ituloy ang naiwan na trabaho raw niya roon."We're here."
Naging alerto ako matapos ianunsyo ni Kuya Shinwoo ang pagdating namin sa destinasyon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Mahigpit ang pagkakahawak ni kuya sa steering wheel habang si Remarie naman ay parang walang narinig na hindi pa rin gumagalaw sa kinauupuan niya.
Tumikhim ako.
"Let's go, Chin."
Iyon lang ang sinabi ni Rem at mabilis nang bumaba ng sasakyan. Naiwan akong nakatitig kay kuya pero diretso pa rin ang tingin niya sa harapan na parang walang nakikita. Ako ang nagpumilit kay Rem na ihatid siya kasama ni kuya para sana bigyan sila ng chance na mag-usap pero... Bumuntong hininga na lang ako at bumaba na rin sa passenger's seat para sundan si Rem.
"Pa'no ba 'yan, mukhang matatagalan na naman bago tayo magkita ulit," panimula niya nang magkaharap na kaming dalawa.
"Hindi man lang ba kayo mag-uusap muna ni kuya?"
Malungkot na ngumiti si Rem. Pati ako ay nasasaktan din sa sitwasyon nila pero ayoko naman silang pangunahan sa mga desisyon nila. Noong isang gabi, matapos ang dalawang araw na taping ng music video ng Seventeen ay nag-celebrate kaming tatlo nina Rem at Jiwoo.
Dahil sa kalasingan ay napaamin ko si Rem sa kung anong namamagitan sa kanilang dalawa. She cried her heart out. We cried altogether for reason we just felt like crying.
Almost. That's how she described Shinwoo and her. He almost loved her. She almost stayed for him. He almost gave everything up for her. She almost sacrificed her dreams for him. They almost made it together, but they fell a little short. Almost is cruel.
"May mga bagay na kailangang hanapan ng tamang panahon bago pag-usapan. This wasn't the right time yet."
"Pero..."
"In our relationship, one has to let go, one has to sacrifice. I'm the one who let go and he's the one who sacrificed."
Hindi ako nakaimik. Bakit kailangan laging may nagsasakripisyo? Bakit kailangan laging may nasasaktan? Hindi ba puwedeng palaging masaya na lang?
"Baby ka pa nga talaga, iyakin ka pa rin."
Marahan niyang pinahid ang luha ko at kinabig ako para yakapin.
"Ikaw pa rin ang gusto ko para kay Kuya Shinwoo," bulong ko sa kanya. Isang pagak na tawa ang nakuha kong sagot mula kay Remarie.
"'Wag mong sabihin 'yan. Baka umasa na naman ako."
Humiwalay na siya pero nanatiling nasa magkabilang balikat ko ang dalawang kamay niya. Nakatingin lang kami sa mga mata ng isa't isa at walang nagsasalita. Bakas sa mukha ni Remarie ang pagod. Medyo nangingitim at malalaim rin ang ilalim ng mga mata niya. Kahit naka-makeup ay hindi naman niyon naitago ang pamumutla niya.
"Ikaw, pag-isipan mo rin ang mga sinabi ko sa'yo tungkol sa inyong dalawa ni Jinyoung."
Bumuntong hininga ako. "Hindi ko siya kayang hiwalayan, Rem. Mahal ko siya."
"Sigurado ka?"
Kumibot ang labi ko para sana magprotesta pero nahinto iyon dahil sa klase ng titig na ibinibigay niya sa akin. Parang may alam siya na hindi ko alam. Pero paano mangyayari iyon kung ang pinag-uusapan namin ay ang sarili kong nararamdaman?
"Hindi ko sinabing hiwalayan mo si Jinyoung. Pero pakinggan mo kung ano ang sinasabi ng puso mo. Kung minsan, ang puso natin, nakalimot na. Pero makulit ang isip natin Mei, pilit nitong ipinapaalala ang mga bagay na dapat kinakalimutan na."
BINABASA MO ANG
We Must Stop Meeting This Way
RomanceHindi madali ang mag-adjust. That's what she realized after all these tiresome events happening before her very eyes. From the poor girl that she was to a pampered princess that she became- life became a never ending sequence of pretensions. Life ha...