The day passed by like a blur. Mabilis kong inasikaso ang lahat ng dapat kong ayusin. Nagpaalam sa mga taong dapat kong kausapin.
Bitbit ang dalawang maleta ko at isang hand carry bag, muli kong hinarap ang mga kaibigan ko.
“Hindi naman ako mawawala ng matagal pero bakit ang daming naghatid sa akin ngayon?” natatawa kong tanong sa kanila.
Kasama kong aalis sina daddy at mommy papunta sa Thailand para sa pagkikita namin ni Remarie. Pipirma kasi ako ng kontrata roon at gusto nilang mabasa ang contract na pipirmahan ko.
My dad was a lawyer before he founded our university. Si mommy naman ay gusto lang talagang siguruhin na magiging maayos ang lugar na titirahan ko. Hindi puwedeng sumama si Kuya Shinwoo dahil natali siya sa shooting ng bago niyang drama.
“Mag-iingat ka ‘ron dongsaeng,” bilin sa akin ni Sandeul. Talagang naglaan sila ng oras para lang ihatid ako, nakasama rin ang maknae ng B1A4 na si Channie.
Sa kabilang kotse naman ay sina Kalih, Jiwoo, Jeonghan, Mingyu at The8 ang magkakasama para rin ihatid ako. Binalingan ko si Jiwoo na umiiyak na ngayon habang nakatingin sa akin.
“Jiwoo...”
“Talagang aalis ka na ngayon?”
“Oo.”
Lumampas ang tingin ko sa kanya at bumaling sa matangkad na lalaking nakatayo sa bandang likuran niya.
“Minghao...” tawag ko kay The8.
“Call me whenever you’re free,” bilin niya.
Tumango ako.
“Iyan lang ang ibibilin mo sa kanya? Parang wala namang pagmamahal,” paninita ni Mingyu sa kaibigan niya bago bumaling sa akin. “Hindi ko alam kung anong nagustuhan mo kay Myung Ho.”
“Hindi ko rin alam kung ano,” natatawa kong sagot. Mas lalo akong natawa nang makitang sumimangot ang sentro ng usapan namin ni Mingyu.
“Friend..." agaw ni Jiwoo sa atensyon ko. "Maiiwan na talaga akong mag-isa sa Mater Dei?”
“May iba ka pang kaibigan bukod sa akin.” Totoo naman iyon. Madali lang para kay Jiwoo ang makipagkaibigan sa kahit na sino. Iyon ang isa sa magagandang mga katangian niya. Mabilis siyang makapalagayang loob.
“Pero nag-iisa ka lang na nagsusungit sa akin.”
Napailing na lang ako. Buong maghapon kaming magkasama ni Jiwoo kahapon. Kinagabihan ay sa bahay nag-dinner si The8 kasama ang buong pamilya ko. Nagkasundo naman agad sila ni Kuya Shinwoo.
“Kailangan na nating pumasok sa loob, Mei.”
Nginitian ko si mommy nang kunin niya ang atensyon ko. Bumaling ulit ako kina Kuya Shinwoo, Sandeul at Channie para magpaalam sa huling pagkakataon. Matapos ay bumalik ako sa gawi nina Jiwoo at Kalih. Nagyakap kaming tatlo at sinabihan nilang mag-iingat ako sa bagong lugar.
Matapos ay nagpaalam na ako sa iba pa nilang kasama. Pinakahuli si The8 na nananatiling walang imik.
“You behave here, Xu Minghao,” I warned. Of course, I’m aware of the other girls swooning over him.
Nagsimula ang tuksuhan mula sa mga kasama niya pero hindi na niya iyon pinansin. Inilahad lang niya nang maluwag ang dalawang braso at agad akong lumapit sa kanya para yumakap.
“Mami-miss ko ‘to,” bulong ko habang nakayakap sa kanya. Pilit kong tinatandaan ang amoy niya, ang malambot na tela ng suot niyang coat sa pisngi ko at ang mainit na yakap niya sa katawan ko.
BINABASA MO ANG
We Must Stop Meeting This Way
RomantizmHindi madali ang mag-adjust. That's what she realized after all these tiresome events happening before her very eyes. From the poor girl that she was to a pampered princess that she became- life became a never ending sequence of pretensions. Life ha...