Tanghalian na nang muli akong lumabas ng kuwarto. Kung hindi lang nagpumilit si Jinyoung ay hindi rin naman ako lalabas. Nagsabi kasi siya na kung ayaw ko talagang lumabas, magpapa-room service na lang siya at sasamahan akong kumain sa kuwarto ko.That made me stood up abruptly, took a shower and prepared for lunch downstairs. Hangga’t maaari ay ayokong maiwan sa iisang kuwarto kasama si Jinyoung. Alam ko na kasi ang pag-uusapan namin. Naiilang ako, ayokong mabanggit ang tungkol sa engagement.
Magulo pa rin ang isip ko hanggang ngayon dahil sa naging pag-uusap namin ni Seungchoel.
“Saan mo gustong kumain?” tanong ni Jinyoung. Sabay kaming naglalakad sa lobby at nakalapat ang kamay niya sa likod ko para alalayan ako sa paglalakad.
“Anywhere will do,” maiksing sagot ko.
Lumabas kami ng hotel, naglakad ng kaunti hanggang sa marating namin ang isang cabin na may local food na inihahanda. Dalawang palapag ang restaurant at balcony type ang second floor kaya overlooking mula roon ang ground floor na may makeshift stage sa isang sulok na malapit sa cashier.
“Have you been here before?” I asked Jinyoung as we settled on a table.
Nahinto siya sa pag-upo, natigilan din naman ako. There’s a sense of déjà vu as I remember that I asked him this same question before. Ilang beses akong kumarap at nagbaling ng tingin sa ibang direksyon.
Tama. Naitanong ko na rin ito dati sa kanya. Noong hindi pa kami naghihiwalay. Noong naniniwala pa akong maayos pa ang relasyon naming dalawa. Dinala niya rin ako sa isang restaurant tapos bigla siyang umalis at nalaman kong nagkikita ulit sila ng ex-girlfriend niyang si Ericka.
“Mukhang masarap ang mga pagkain nila dito.” Jinyoung recited all the interesting food on the menu and I just listened to him. Sa huli, siya na rin ang nag-decide ng kakainin ko.
Naka-focus ako sa pagkain ko nang makarinig ng malakas na tawanan. The heartfelt laugh came from a very familiar lad. Lee Chan or popularly known as Dino to everyone is standing while almost all the members are looking at him adorably.
Naglakbay ang mga mata ko at nagtama ang tingin naming dalawa ni Seungchoel. Sandaling nawala ang ngiti niya kaya nag-iwas na ako ng tingin at ibinalik ang atensyon ko sa pagkain. Patapos na kami ni Jinyoung nang may umakyat sa maliit na stage na isang lalaki habang may hawak na gitara.
Bumati siya sa lahat ng mga kumakain doon at nagsimulang kumanta. Pagkatapos ng isang kanta niya, naghanap naman siya sa mga customers ng volunteer.
“Ang tagal ko nang hindi nagagawa sa ‘yo ‘to, Mei.”
I am about to ask him what he’s talking about when he stood up and walked to the makeshift stage. Hiniram niya ang gitara ng musician kanina at isinuot ang sling niyon. Umupo siya sa high chair at in-adjust ang taas ng microphone. Nakatitig lang ako sa kanya. Hanggang sa nakangiti siyang tumingin sa gawi ko, nagsalita ng kaunti at nagsimula nang mag-perform.
Only one in acoustic version. Pakiramdam ko, bigla akong dinala sa isang memory lane ng kantang iyon. Tinutugtog niya ang parehong kanta na pinatugtog niya noong nangako siyang aalagaan ako at mamahalin habang buhay. That made me nostalgic.
“I promised to love you forever, Mei.”
I was brought back to reality when I heard him mention my name. Tapos na pala ang kanta niya at nakatayo na siya sa tapat ko. Ni hindi ko man lang namalayan ang paglapit niya.
“I will never get tired showing you how much I love you, Mei.”
Hinuli niya ang kamay ko at iginiya ako patayo. Alanganin akong tumingin sa paligid nang maramdaman kong nasa amin ang buong atensyon nila. Hindi nga ako nagkamali dahil maging ang grupo nina Seungchoel, kasama si Kalih ay nakatingin na sa amin.
Stop wandering, Mei! I reprimanded myself. Kailangan kong tanggalin na sa grupo nila ang mata ko. Kasi makikita ko lang si Minghao, masasaktan lang ulit ako.
I already made the decision. There's no turning back now. Ayokong dumating sa punto na bibitawan ko ang lahat para sa kanya. Ayokong maging makasarili.
“I love you so much, Shin Mei Yuk,” he dramatically stated.
Tinitigan ko ang lalaking nasa harap ko. Kay Jinyoung na lang ako dapat mag-focus. Siya lang. Sa kanya lang.
Jinyoung leaned closer. Alam kong hahalikan niya ako kaya agad akong umiwas. Bakas sa mukha niya ang pagtataka, mababasa ko sa mga mata niya ang sakit kaya nagpalusot na lang ako sa kanya.
“Naiilang ako sa maraming tao,” bulong ko sa kanya.
He looked around before setting his eyes on me. Tipid ang naging ngiti niya at wala nang imik na bumalik sa dati niyang puwesto. Tinapos na namin ang tanghalian naming nang hindi nag-uusap.
BINABASA MO ANG
We Must Stop Meeting This Way
RomanceHindi madali ang mag-adjust. That's what she realized after all these tiresome events happening before her very eyes. From the poor girl that she was to a pampered princess that she became- life became a never ending sequence of pretensions. Life ha...