Napangiti ako nang mapanuod sa TV si Jinyoung. Commercial iyon ng isang perfume brand na ini-endorse niya. Balik na ulit siya sa trabaho at kasalukuyang binubuo ang mga kanta na isasama sa album na balak niyang i-release. Nawala lang ang atensyon ko sa pinapanuod nang tumunog ang cellphone ko.
I took the phone out from my bag to answer the caller.
“Anong oras ang datingmo rito? Susunduin kita.”
Tipid akong napangiti. Nang tawagan ko noong isang araw si Remarie at sinabing susundan ko siya sa Japan ay bigla siyang nagreklamo. Ang saktong araw kasi ng flight ko ay araw din naman ng pag-alis niya roon.
“Almost three hours ang flight so…” I glanced at my wristwatch, “maybe 11:30 or 12 pm,” I answered.
“Susunduin kita tapos mag-lunch na lang tayo bago tumuloy sa hotel.”
“Sure!”
Pagkatapos naming mag-usap ay itinuon ko na lang ang atensyon ko sa binabasang libro. Hindi ko masabing biglaan ang desisyon kong pumunta sa Japan pero wala akong eksaktong plano sa gagawin ko pagdating doon. Ni hindi ko nga rin alam kung may maaabutan pa ba ako roon o kung magagawa ko ang sadya ko.
Hindi ako sigurado. I am being impulsive again but it is better to try and fail than to do nothing at all. Umilaw ang screen ng phone ko at nakita ang bagong message na dumating.
It was from Yoon Jeonghan. He is secretly giving me updates about their group activities and where and how to reach them. Hindi ko inaasahan na sa huli ay siya pa ang makakatulong sa akin para muling makalapit kay Minghao. Hindi naging maganda ang huling pagtatagpo namin kaya siguradong kapag lumapit ulit ako sa kanya ay itataboy niya lang ako.
Pagkatapos basahin ang mensahe niya, ibinalik ko na sa shoulder bago ko ang phone. Ilang sandali pa ay nag-aanounce na ng boarding ang flight number namin. Pumila na rin ako kagaya ng ibang pasahero dala ang flight documents ko para makasakay sa eroplano.
I slept through our flight and just woke up thirty minutes before our arrival. After passing through the immigration counter and claiming my check-in luggage, I went out to see Remarie already waiting for me.
Bahagya pa akong natawa nang matanaw ko ang hawak niyang sign board na may pangalan ko.
“What was that for?” tanong ko sa kanya nang tuluyan akong makalapit. The board read ‘Shin Mei Yuk : Welcome to Japan, my prodigal bestfriend’. “Prodigal talaga?”
“Oo.”
Inirapan ko siya. Tinulungan na niya ako sa paghila ng malaking maleta ko at naglakad kami kung saan nakapila ang mga rental cars.
“Mukhang sanay na sanay ka na rito, ah.”
She smiled at me proudly. “You know me, I can easily adapt to new environment.”
Sumakay na kami sa kotse at hinayaan siyang dalhin ako sa kung saan niya pinlano. Doon na rin ako sa hotel kung saan siya naglalagi nag-book kahit na alam kong paalis na rin naman siya.
“Bakit hindi mo sinama si Jiwoo?” tanong niya sa akin nang makababa na kami.
“She’s busy…” sagot ko.
We entered a restaurant that caters local and international cuisine. Marami rin akong nakikitang locals and foreigners na kumakain doon gaya namin.
“Malapit lang ‘to sa hotel natin,” paliwanag niya habang pinagmamasdan ko ang buong paligid.
May kanya-kanyang wall division ang bawat lamesa na nakapuwesto sa gilid, pabilog naman ang lamesa sa gitna at may apat na silya. Bawat lamesa ay may nakatuong ilaw. Kahit na maiingay ang ibang kumakain doon ay mukhang payapa naman ang kabuuan ng lugar. Unipormado ang mga service crew nila at lahat ay mukhang accommodating.
BINABASA MO ANG
We Must Stop Meeting This Way
RomansaHindi madali ang mag-adjust. That's what she realized after all these tiresome events happening before her very eyes. From the poor girl that she was to a pampered princess that she became- life became a never ending sequence of pretensions. Life ha...