SVT - SEVEN

59 16 55
                                    

Natigilan ako sa narinig ko, katahimikan rin naman ang sumunod mula sa kabilang linya. An inaudible murmur followed the deafening silence before I'm finally able to hear the voice of the man that always made my heart flutter.

"Mei..." he said.

Mei, not sweetie or sunshine or the other endearment he felt like calling me. Just Mei, like what the other people are usually calling me, Mei.

"Let's meet," I finally declared. Napalunok ako para pigilan ang pagpiyok ko.

I heard him sighed from the other line.

"You know I can't, Mei," he answered in a exasperated tone.

Parang nadurog ang puso ko sa sinabi niya. Tumanggi agad siya nang hindi man lang tinatanong ang dahilan ko? Ni minsan ay hindi ko siya ginulo kapag alam kong may trabaho siya. Laging ako ang nag-aadjust para sa kanya.

Pinatatag ko ang boses ko bago nagsalita. "I'm not asking if we can meet, Jinyoung. I'm telling you that we need to meet. Now."

"Mei, please understand me now. May mga inaayos pa ako sa recording."

"Sino ang sumagot kanina ng tawag ko? Bakit iba ang may hawak ng phone mo?"

"Are we going to argue about it now, Mei?"

"Who answered my call a while ago, Jung Jinyoung?" I asked, almost screaming. Napalingon sa akin ang isang waitress na dumaan sa tapat ng table ko pero nang makita ang masamang tingin ko ay agad ding nag-iwas at tuluyang umalis.

"Ericka."

Kung kanina, parang nadurog lang ang puso ko dahil sa sinabi niya, ngayon parang napulbos na ito. Bakit sa dami ng babaeng puwede niyang makasama ngayon, si Ericka Lemoine pa talaga? Nag-uusap pa rin ba sila? Bakit sila magkasama ng ex-girlfriend niya? Kailan pa sila nagsimulang magkita ulit?

"I'll wait for you Jinyoung. If you really know me, you know where to find me." Pinatay ko na ang tawag dahil ayoko nang makarinig pa ng pagdadahilan niya. Dahil ganoon naman kami lagi. Kapag may sinabi ako na hindi puwede sa kanya, ipapaliwanag niya at sasang-ayon ako. Kapag sinabi niya, tatango lang ako.

It's better to agree than argue. Minsan na nga lang kaming magkasama, mag-aaway pa ba kami? Pero hindi ngayon. Bakit magkasama sila ng ex-girlfriend niya?

I'm always where you left me.

Hindi naman siguro ganoon kalayo ang recording 'di ba para hindi siya makarating agad. Halos isang oras na akong naghihintay at nakatanga lang. I'm already on my third cup of coffee because the first two I ordered earlier grew cold and untouched.

Napayuko ako nang lumabas na ang huling customer ng restaurant at ako na lang ang niwan.

"Ma'am..."

"I know!" I blurted out but regretted the moment I saw the uneasiness of the waitress. Tumayo na ako at nag-iwan ng ilang bills sa ibabaw ng mesa. Hindi ko dapat ibinubunton sa iba ang pagkainis ko pero paano ko siya kakausapin ng mahinahon kung maging ang sarili ko ay hindi ko mapakalma?

Ang malamig na simoy ng hangin sa gabi ang agad na sumalubong sa akin paglabas ko. Lumingon ako sa magkabilang panig ng kalsada pero kaunti na lang ang mga taong nagdaraan doon.

"Saan ako pupunta ngayon?" Tiningnan ko ulit sa hindi ko na mabilang na pagkakataon ang cellphone ko pero wala pa ring balita mula kay Jinyoung. Puro text messages lang ni kuya ang dumating. Itinatanong kung magpapasundo ako dahil nagdahilan akong pupuntahan si Jiwoo kahit na ang una kong sinabi bago umalis sa studio ay makikipagkita ako kay Jinyoung.

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon