“Tingin ko, mag-isa lang akong pupunta sa cafe ngayon.”
Marahan akong tumango sa sinabi ni Jiwoo nang hindi inaalis ang tingin sa lalaking nasa harap ko. Naramdaman ko pa ang pagtapik ng niya sa isa kong balikat bago siya tuluyang umalis. Nang matapat siya sa kinatatayuan ng hindi ko inaasahang bisita ay saglit lang silang nagtanguan sa isa’t isa.
“May nasira ba ‘kong lakad ngayon lang?”
“It’s okay.” Pilit kong sinisilip ang buong mukha niya sa ilalim ng rim ng suot niyang sombrero.
Tipid siyang ngumiti at saka lumapit para kunin ang bitbit kong mga libro.
“Nasaan si Yoonji? Kailan ka pa nakauwi?” tanong ko na ang tinutukoy ay ang nakababata niyang kapatid.
“Nagpapahinga sa bahay. Kagabi lang kami nakauwi.”
Nang pagbuksan niya ako ng pinto sa passenger’s seat, hindi ako sigurado pero parang nakaamoy ako ng alcohol sa kanya. Sinundan ko siya ng tingin nang umikot siya patungo sa driver’s seat.
“Are you drunk, Cha Baro?”
Ngumiti lang siya at muling sinubukang ipasok ang susi sa keyhole pero bigo na naman siya. Pumalatak ako at inagaw sa kanya ang susi.
“Let’s change seats. I can’t let you drive.”
“I can’t let you drive too,” he answered in a slurred voice. “Gusto mo bang pagalitan ako nina Shinwoo at Jinyoung?”
“Mas lalo kang mapapagalitan ni Kuya Shinwoo at ni Jinyoung kapag nag-drive ka ng lasing at napahamak tayong dalawa.”
He chuckled and started removing his seatbelt. Ganoon na rin ang ginawa ko at sabay kaming lumabas ng sasakyan para magpalit ng puwesto.
“Where to?”
“Anywhere.”
In-adjust niya paatras ang sandalan ng upuan niya at ipinailalim ang dalawang kamay sa kanyang ulo bago pumikit.
“Just drive princess.” He smirked.
Hindi na ako kumibo at nagsimula na ngang magmaneho.
“Lasing ka ba?”
“Just a little tipsy, my princess.”
Bigla siyang umupo ng diretso at nakangiting humarap sa akin.
“Wow! I never knew how much I missed calling you my princess until now. You used to be my princess, remember?”
“I swear Cha Baro, if you don’t stop this nonsense, I’m going to leave you here.”
“I-park mo na lang sa tabi. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin.”
Itinuro niya ang riverside kung saan may mga benches na nakalagay para upuan ng mga taong napapadaan o sadyang pumupunta roon. Nauna siyang bumaba at tiningnan lang ako habang hinihintay na sundan siya. Alanganin akong sumunod hanggang sa tumigil siya sa isang upuan.
He’s right. We used to be closed before. Minsan na niya akong iniligtas sa pagkalunod sa school swimming pool noong unang dating ko sa Mater Dei. We became friends after that. But after he confessed his feelings, I started avoiding him for a while. We remained friends but there seemed to have thin wall between us since then.
“Chin...”
Nilingon ko siya nang marinig ko ang pagtawag niya. Nakakapagtaka dahil sa grupo ng B1A4, si Kuya Shinwoo, Jinyoung, Sandeul, Baro at Gongchan, wala nang tumatawag sa akin ng Chinee. Kaya bakit biglang naging ganoon na naman ulit ang tawag niya?
BINABASA MO ANG
We Must Stop Meeting This Way
RomanceHindi madali ang mag-adjust. That's what she realized after all these tiresome events happening before her very eyes. From the poor girl that she was to a pampered princess that she became- life became a never ending sequence of pretensions. Life ha...