“Sigurado ka bang hindi mo na kailangan ng kasama, Chin?”
I looked at Rem’s reflection in the mirror and smiled at her. “Laban ko ‘to, Rem.” Umalis ako sa harap ng salamin at pumili ulit ng damit na inilabas ko mula sa bagahe ko. “Hindi mo na dapat ni-rescehed and flight mo, eh.”
“Hindi ako mapanatag sa isiping pababayaan kitang mag-isa rito.”
Bumalik ako sa harap ng salamin bitbit ang ibang damit naman.
“Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kuya mo kapag nalaman niyang pinabayaan kita rito.”
“Buti sana kung magkikita pa kayo ni Kuya Shinwoo,” wala sa loob na sagot ko at ipinagpatuloy ang pagsipat ng damit sa harap ng salamin.
Biglang tumahimik ang paligid. It was when I realized what she said that I abruptly turned my head towards her. My mouth formed an “O” and I immediately jumped at the bed where Rem is sitting.
“Seriously, Rem? Mag-uusap na kayo ni Kuya?” gulat na tanong ko.
Nakangiti siyang tumango.
“Oh... My... Gosh!” I gasped.
“Nakakapagod na rin naman kasi na palaging umiiwas.”
“Malapit na ba kitang maging legal na kapatid?”
Umingos si Remarie. Namumula na naman ang dalawang pisngi niya.
“Mag-uusap lang kami. Hindi ko sinabing magkakabalikan kami.”
Sinimangutan ko siya. Halata naman sa facial expressions niya at nababasa ko sa mga mata niya na in-love siya kay kuya pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa niyang mag-deny.
“Kanina ka pa panay palit ng isusuot mo. Bakit ba hindi ka makapag-decide? Lahat naman bagay sa ‘yo.”
“I need to wear my best dress. May karibal ako sa atensyon ni Minghao.”
“Seriously? Pagseselosan mo ang mga fans nila?”
Tinaasan ko siya ng kilay at bumalik na ulit ako sa harap ng salamin. I’ll never get jealous with their fans and supporters. Ang sinasabi kong karibal ko ay ang stylist nila na si Luna. Sigurado akong palagi pa rin iyong nakadikit kay Minghao, ayon na rin sa kuwento sa akin ni Jeonghan.
“Anong plano mo pagdating sa fan signing event na ‘yon? Kakausapin mo na ba siya agad do’n?”
“Depende.” Napangiti ako nang makuntento sa napili kong damit. Isang black turtleneck sleeveless shirt ang napili kong isuot. Teternuhan ko na lang iyon ng white skirt at papatungan ng mahabang cardigan. Siguradong makikipagsiksikan ako mamaya kaya napili kong magsuot na lang ng sandals.
Pinanuod lang ako ni Remarie sa pagbibihis ko at pag-a-apply ng makeup. Nang matapos ay binitbit ko na ang shoulder bag ko dala ang bagong released na album ng grupo nila. Mayroon na akong accommodation ticket para sa event na ipinadala sa akin ni Jeonghan. Pagpunta ko na lang ang kulang.
Maraming Japanese fans ang nakapila na sa labas pagbaba ko ng taxi. May ilan rin namang foreigners na gaya ko. Pagtayo ko sa pinakahuling pila ay saktong pinapasok na kaming lahat sa loob ng event hall. They checked all our belongings for security measures, stamped our passes and let us through our designated seats.
Naghiyawan ang lahat ng fans nang isa-isang lumabas ang lahat ng members. Magkakaiba ang intensity ng hiyaw sa bawat members na introductory performance. Pangatlo sa huling lumabas ay si Minghao. Pigil ang hininga ko nang tumingin siya sa gawi namin na para bang alam niyang naroon ako.
Hanggang sa umupo na silla at magsimula na ang event. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko habang hinihintay ang queue ng row namin. Nakatutok ang buong atensyon ko kay Minghao habang nakikipag-usap siya sa mga lumalapit na fans.
Matapos ang halos isang oras, sinabihan na kami ng usherette na puwede na kaming tumayo para pumila. Ramdam ko ang excitement ng mga fans na nauna sa akin sa pila. Hindi lang mga babae ang naroon. May ilang grupo rin ng mga lalaki na ginaya pa ang style ng damit ng ilang Seventeen members. Kasunod ko ay isang babae naman bitbit ang apat na taong gulang na anak niyang lalaki.
“Are you excited to meet your idols?” the woman asked her son in a childlike tone.
Napangiti na lang ako habang pinapanuod silang dalawa. Nawala lang ang atensyon ko sa kanila nang biglang mag-ingay ang mga fans na nakabalik na sa upuan nila. Tumingin ako doon bago bumaling sa stage, kasaluluyang may kausap si Minghao habang si Seungcheol naman at Mingyu na nasa pinakaunang puwesto ay nagbibiruan.
Nagsimula nang umabante ang pila. Naramdaman ko ang pagpapawis ng kamay ko, bumilis ang tibok ng puso ko at hinahabol ko na ang hininga ko. Bigla akong kinabahan ngayong papalapit na ako sa kanya.
“Hello, what’s your name—”
Nawala ang ngiti ni Seungcheol nang pagtingala niya at nakitang ako na ang kaharap niya. Mabilis siyang lumingon sa gilid, bumaling sa direksyon ni Minghao bago muling tumingin sa akin.
“Chin?”
Umiling ako, agad naman niyang nakuha ang ibig kong sabihin. Kahit kanino ay ayaw kong ipaalam na magkakilala kami ng personal, siguradong maiintriga rin ang mga fans nila kapag nalaman nila ang katotohanan. So we proceeded to the signature proper and acted normal as if I am a fan they only met that day.
Nasa kalagitnaan si Jeonghan at sa kanya ako mas nagtagal. Kasunod niya si Wonwoo na tahimik lang din na nakamasid sa amin. Nang oras ko nang umalis, itinaas ni Jeonghan ang dalawang palad niya. I thought he wanted a high five so I gave him both my hands. Agad na pumulupot sa kamay ko ang mga daliri niya, mahigpit ang hawak na iyon at saka niya ako nginitian.
“Good luck,” he breathed before he finally let go of my hands. I smiled in response and faced the unsmiling Wonwoo.
Tatlong miyembro na lang ang layo ko kay Minghao at habang papalapit ako sa kinauupuan niya, mas lalong lumalakas ang kaba na nararamdaman ko. Bawat miyembro na nakakaharap ko, nagugulat kapag namumukhaan ako, alanganing tumitingin kay Minghao at muling babalik ng tingin sa akin.
Finally, the moment I’ve been dreading but also waiting for.
“Hi,” alanganing panimula ko.
Biglang nawala ang ngiti niya nang makaharap ako. Parang tinusok ng kutsilyo ang puso ko nang masaksihan ang pagbabago ng ekspresyon niya. Bakas sa mga mata niya ang galit, halatang ayaw niya akong makita roon.
Maging ang manager na nakaalalay sa kanya ay nagulat din nang mamukhaan ako pero hindi naman na nagsalita pa. Minghao signed the photobook on his designated page. Nag-ipit ako ng maliit na sticky note doon at tahimik kong ipinagdadasal n asana ay sagutin niya.
Habang nakatutok siya sa photobook at bahagyang nakayuko, ang atensyon ko naman ay nasa mukha lang niya. Mukha naman siyang malusog, mukha siyang masaya, narinig ko pa nga kanina ang pakikipagbiruan niya kina Seungkwan at Hoshi.
Nakitawa pa ako nang magbiro siya sa mga fans nila.
“Are you alone here?” tanong niya.
Ilang beses akong kumurap para pigilan ang pag-iyak. Did I just hear a concern in his voice? Hindi naman siguro ako pinaglalaruan lang ng pandinig ko ‘di ba? He really did just ask me, right?
Nang tumingala siya at tumitig sa mga mata ko, bigla na lang akong natigilan.
“Y-yes…” I hitched. He already closed the photo book and signalled me to the following members.
Hindi na ako nagtagal pa roon. Si Jisoo ang pinakahuli sa sitting arrangement nila, nang matapos ako sa kanya at makababa nan g stage, parang doon lang ako nakahinga nang maluwag.
Bumalik na ako sa puwesto ko, may ibang batch na ng fans ang kausap nilang lahat. Marahan kong binuksan ang hawak kong photo book at agad na hinanap ang page ni Minghao.
It was there. I almost cried when I read his answer.
Muli akong tumingin sa harapan, bakante ang silya sa harap ni Minghao at nakatingin din siya sa direksyon ko.
I gave him a little smile and he nodded in recognition.
BINABASA MO ANG
We Must Stop Meeting This Way
RomanceHindi madali ang mag-adjust. That's what she realized after all these tiresome events happening before her very eyes. From the poor girl that she was to a pampered princess that she became- life became a never ending sequence of pretensions. Life ha...