SVT - TWENTY EIGHT

32 8 0
                                    

I never thought I’ll ever miss Jiwoo’s loud voice, her never ending whining and repetitive story telling about how much he admires Jeon Wonwoo. Isang araw lang naman kaming hindi nagkita dahil wala siyang schedule ng pasok ngayon.

May kailangan lang akong i-make up na unit sa isang minor subject ko kaya hindi kami magkaklase ni Jiwoo.

Nakakalungkot kumain nang mag-isa sa cafeteria dahil wala naman akong ibang kaibigan maliban sa kanya. Buti na lang, maaga ang schedule ko kaya makakauwi agad ako.

I’m already out the university gates when I sensed someone following me. I abruptly stopped and faced whoever it was.

“Hi.”

I knotted my forehead while feeling the tension leaving my body. Pumalatak ako habang umiiling.

“Tinatakot mo ako, The8. Puwede bang sa susunod, ipaalam mo naman ang presensya mo nang hindi ako ginugulat.”

“Sorry,” sagot niya habang nagkakamot ng batok.

Nakasuot na naman siya ng mahabang coat. Plain black ang suot na pants at turtleneck na naman ang undershirt. Hindi masyadong makita ang mukha niya dahil natatabunan iyon ng sombrero at face mask. Tinanggal lang niya ang mask nang makalapit na siya sa akin.

“Ice cream tayo?”

“Wala ka bang schedule ngayon?”

Umiling siya at kinuha na ang mga bitbit kong gamit. May research paper kasi na iniwan sa amin kaya nag-uwi ako ng ilang libro.

“Hindi ko alam kung wala ka talagang schedule ngayon o tumatakas ka lang,” nagdududang sabi ko sa kanya. Nabanggit kasi sa akin ni Kalih na napagalitan noon si The8 dahil late siyang nakarating sa dance practice.

“Wala talaga kaming schedule. Tapos na kasi ang dance practice namin ngayong araw kaya pinagpapahinga na lang kami. Bukas naman ay pre-recording para sa comeback stage namin.”

“Pinagpapahinga pala kayo pero nagpunta ka pa rito.”

Narating na namin ang park at halos wala pang ibang tao roon dahil kakatapos pa lang ng tanghalian. Pinili namin ang shady part ng park dahil sa mga puno at naupo sa mga stone benches doon.

“I wanted to see you. Isang linggo na kaya tayong hindi nagkikita.”

He looked like a puppy demanding for his owner to pet him. Nitong mga huling araw ay pinipigilan ko lang na huwag mapangiti sa mga ginagawa niya. Kapag nabi-video call siya at nagkakagulo ang ibang members sa background niya ay natatawa na lang ako sa mga pang-aasar na ginagawa nila sa kanya.

“You already know what I’m going through, Minghao,” I stated. Ilang beses ko na rin namang ipinaliwanag sa kanya anng sitwasyon ko.

“And I’m thankful you trust me enough to tell me how you feel.”

Hindi na ako nagsalita. Noong araw na sinabi niyang seryoso siya sa nararamdaman niya ay sinabi ko na sa kanya ang pinagdaraanan ko para tumigil na siya. Pero mukhang iba ang naging pagkakaintindi niya. Simula noon ay wala nang playa ang pagtawag niya o pagpapadala ng messages sa akin. Hindi ko naman siya magawang hindi pansinin dahil wala naman siyang ginagawang masama.

“Puwede ko kaya kayong imbitahan ni Jiwoo na manuod ng pre-recording namin bukas? Wala naman kayong pasok ‘di ba?”

“Paano mo nalaman?” Hindi ko natatandaan na binigyan ko siya ng schedule ko.

“I talked to Jiwoo.”

Sabi na nga ba.

“Nagkakausap din kayo?” nagtatakang tanong ko.

Mabilis na umiling si The8. Ikinumpas pa niya ang dalawang kamay sa harap ko bilang pagtanggi.

“Hindi ko siya tinawagan. Ikaw lang naman ang tinatawagan ko kahit na madalas hindi mo sinasagot,” pagdadahilan niya na para bang inakusahan ko siya ng pagtataksil.

Napangiti ako. “Minsan ko lang hindi nasagot ang tawag mo.”

“You’re smiling.” Ngumiti rin siya at pumikit habang nasa kanang dibdib ang isang kamay niya. He even whistled and shook his head before finally looking at me. “Anyway, magkausap kasi sila ni Mingyu. I overheard their conversation so I invited her over the phone.”

“Nagkakausap sila ni Mingyu?”

“They became friends, I guessed. “

Bakit parang ang dami ko nang hindi alam kay Jiwoo ngayon?

Inisip ko ang mga pangyayari sa kanya pagkatapos ng bakasyon. Hindi na niya masyadong nababanggit ngayon si Wonwoo. Hindi rin siya updated sa mga shows nila. Kapag kaya inimbita ko siya bukas, sasama kaya siya?

Ano ba ang nangyari kay Jiwoo noong bakasyon? Namasyal lang naman kami, bumalik sa villa at umuwi kinabukasan.

“Hindi ko alam kung anong flavor ang gusto mo kaya strawberry na lang ang binili ko.”

Napatungo ako nang iharap sa akin ni The8 ang isang large cup ng strawberry flavoured ice cream. May mga tidbits pa sa ibabaw at chocolate syrup. Hindi ko namalayan na umalis pala siya para bumili at nakabalik na. Umupo siya sa tabi ko at sinubukan akong subuan.

I looked around to see if there is anyone watching us.

“Wala pang masyadong tao rito, ‘wag kang mag-alala.”

“Hindi naman ‘yon. Ayoko lang na magkaroon ka ng dating rumors kapag may fans kayo na makakakita sa'yo rito.”

Ni minsan ay hindi ko nagawang mamasyal o magpunta sa public kasama si Jinyoung. It’s always on a private or exclusive places whenever we’re dating. Iniiwasan kasi niya ang issues na puwedeng ipukol sa grupo o sa akin ng mga makakakita sa amin.

Hindi rin ako sigurado kung alam ba ng public na may girlfriend siya noon. Hindi rin naman kasi ako madalas na nagbababad sa internet, mga social media at fan sites nila.

“Come on, it’s just a scoop,” The8 urged bringing me back to my reverie.

Alanganin ko siyang tinitigan hanggang sa inilapit ko sa kanya at bahagyang ibinuka ang bibig ko para tanggapin ang scoop niya. The cold sweets melted easily inside my mouth. I smiled as its sweetness invaded my taste buds.

“See? Ice cream lang pala ang makakapagpangiti sa’yo.”

Pabiro ko siyang inirapan. “Ano namang tingin mo sa’kin? Bata?”

“You’re my princess.”

Marahas akong napabaling sa kanya. Pero hindi na siya nakatingin sa akin. Abala na siyang kinakain ang ice cream na binili niya gamit ang plastic spoon na ginamit ko kanina. Habang pinapanuod siyang parang batang tuwang tuwa sa pagkain, bigla ko na namang naalala ang huling gabi ng bakasyon namin.

“Let’s go on a date, Mei.”

“H-huh?”

Wala na ang kinakain niya kanina lang. Hinuli niya ang isang kamay ko at mahinang pinisil iyon. Hindi rin siya bumibitaw ng tingin sa akin.

“I really like you, Mei. I wanted to formally ask you on a date.”

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon