SVT - THIRTY EIGHT

24 3 0
                                    

Naiinis na ibinalibag ko ang cellphone sa kung saan. Narinig ko pa ang pagtama nito sa dingding bago bumagsak sa sahig at tuluyang magkahiwa-hiwalay.

Now it’s done. It was my second phone this year, now I have to buy for the third time.

Bakit kasi hindi niya sinasagot ang tawag ko? Nasaan ba siya? Bakit ayaw niya akong kausapin?

Napasabunot ako sa sarili kong buhok nang maalala ang malungkot na mukha ni Minghao bago siya tumalikod at tuluyang umalis. I failed him, and the disappointment I caused was evident.

Bumalik ang alaala ko sa nangyari kagabi. Jinyoung… I responded to Jung Jinyoung, why? Am I still…

No! I immediately discarded the idea. I only responded because my instinct was familiar with him, with his touch, with his presence… with his kisses. Hindi ko na siya mahal, pamilyar lang talaga ako sa kanya.

I walked back and forth on the silence of my own room. Hinanap ko ang phone ko para sana tawagan ulit si Minghao pero naalala kong ibinalibag ko iyon sa dingding. Nilapitan ko iyon at pinulot para tingnan kung maayos pa pero ayaw nang mag-on.

I have to call Minghao. I need to explain my side. I need to let him know what’s happening. Nabaling ang tingin ko sa bedside table. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Mabilis kong kinuha ang wallet ko roon at patakbong bumaba ng hagdan.

“May pupuntahan ka, Mei?”

“Nandito po ba si Mr. Yoo?” tanong ko sa katulong namin. Matanda na siya at lagpas sampung taon nang namamasukan sa amin bilang kasambahay.

“Nagpahatid ang mommy mo sa kanya kaninang umaga. May pupuntahan ka ba?”

“Meron po pero kaya ko namang mag-drive.”

Bumalik ako sa hallway papunta sa kusina para kunin sa key holder ang susi ng isang kotse sa garahe. Kung pupunta ako sa dorm ng Seventeen, hindi ako sigurado kung anong maaabutan ko roon. Hindi rin ako sigurado kung andon nga sila.

Malapit na ako sa dorm nila nang maisipan kong dumaan sa isang phone shop. Kabisado ko naman ang phone number ni Minghao eh, bibili na lang ako ng bagong phone para matawagan ko siya.

Mabilis akong pumarada sa harap ng shop at pumasok sa loob. Dumiretso ako sa counter kung saan naroon ang maraming display ng phone units para pumili. Tahimik akong naghihintay habang ina-assist ng sales agent ang matangkad na lalaking nauna sa akin.

“Mingyu?” gulat na tanong ko nang bahagyang tumagilid ang nakatalikod na lalaki.

Tuluyan na siyang humarap sa akin at halata sa ekspresyon ng mukha niya na nagulat din siya.

“Mei! What are you doing here?”

“Si Minghao?”

Kumunot ang noo niya, bahagya rin siyang lumabi habang matamang nakatitig sa akin.

“Hindi ba ikaw ang pinuntahan niya?”

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi kaya nagkasalisi lang kami?

“Puwede ko bang hiramin ang phone mo? Tatawagan ko lang siya,” pakiusap ko.

“I lost my phone. Kaya ako nandito para bumili ng bago.”

Napatampal ako sa noo. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang Kim Mingyu? Madalas siyang matisod sa kahit saan, mabunggo ang lahat ng madaraanan, mabitawan ang mga hinahawakan, kaya hindi na nakakapagtakang mawala niya rin ang malilit na bagay gaya ng sarili niyang cellular phone.

Resigned, hinayaan ko siyang ituloy ang pagbili ng bagong phone. Pagkatapos ay ginaya ko na lang din ang parehong unit na binili niya.

--

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon