SVT - TWENTY SEVEN

32 5 0
                                    

Tama ang hinala ko na susundan talaga ako ni The8 sa bahay. Pagkatapos kasi ng outdoor show nila ay umalis kami agad kahit sinabi niyang kakausapin pa niya ako. Nakakapagtakang nagmamadali rin naman si Jiwoo sa pag-uwi.

Bumalik muna kami sa uni dahil may naiwan na gamit sa locker si Jiwoo. Pagkatapos ay hinatid namin siya hanggang sa pinakamalapit na bus stop na madaraanan namin.

Pagkatapos ng dinner ay hindi muna ako umakyat sa kuwarto at tumambay sandali sa living room. Eksakto rin na tumawag sa intercom ang guard at sinabing may naghahanap sa akin. Agad akong lumabas at bumungad sa akin si The8.

“Sa gazebo na lang tayo,” sabi ko sa kanya at pinasunod na siya.

Gaya noong una niyang punta rito ay inililibot din niya ang tingin sa paligid na nadaraanan namin.

“Prinsesa ka nga talaga,” sabi niya pagkaupo namin sa gazebo.

I shot him a questioning look and he smiled at me.

“Jiwoo used to address you as princess during our vacation. Akala ko ay endearment niya lang sa’yo ‘yon dahil kahit ako ay iyon rin ang gugustuhing itawag sa’yo. But seeing how luxurious your house... Bakit sinabi mong nakikitira ka lang dito noon?”

Kunot noo akong tumingin sa kanya. Hanggang sa naalala ko ang unang pagpunta niya rito noong nagkasakit ako. Sinabi ko nga pala na nakikitira lang ako. I didn’t expect him to take it seriously, though. Napangiti ako.

“Technically, nakikitira nga lang ako kasi hindi ko naman bahay ‘to. Bahay ng parents namin.”

“And you also forgot to mention about your brother. Senior pala namin sila. You’re keeping a lot about yourself.”

Nagkibit balikat ako. Hindi ko rin naman inaasahan na magkikita pa kami ulit kaya hindi na ako nag-abala na ikuwento pa sa kanya ang talambuhay ko.

“What is your deepest, darkest secret?”

I tensed at the seriousness of his tone. Bigla ko na namang naalala ang game na pakana ng mga kagrupo niya noong nagbakasyon kami. He looked more serious now than a while ago.

“What is your deepest, darkest secret?” he repeated. “I want to find it out. Why is it more important to keep than kissing someone you’re not even committed with?”

I looked at him, dazed. After that very disappointing and embarrassing game, I never got the chance to talk and explain myself to The8. Pagkatapos ko siyang halikan ng walang paalam para lang hindi na nila ako kulitin sa gusto nilang malaman na sikreto ay tumakbo agad ako sa kuwarto at nagkulong. Kinabukasan pag-uwi namin ay kay Kalih at S. Coups na lang ako nagpaalam.

“Sinira mo ang panagrap ko.”

Nalingunan ko si The8 na nakasimangot. Nakatingin siya sa akin at bahagyang nakanguso. Kung hindi lang nakikigulo sa matinong takbo ng isip ko ang mabilis na tibok ng puso ko, baka natawa na ako sa reaction niya ngayon. He‘s like a child throwing a tantrum with his pouted lips.

“That was my first kiss for your information,” he informed in a childish tone.

Mas lalo akong hindi makapaniwala. Seryoso ba siya? So hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriend?

“Para sa first girlfriend ko dapat ‘yon.”

My gosh! Seiously? I mentally face palmed. Kung makapagreklamo naman siya para ko siyang minolestiya at ninakaw ang virginity niya.

“It was just a kiss, The8. Hindi rin naman si Jinyou— hindi rin naman ang naging boyfriend ko ang first kiss ko, e. Isa pa, in this new generation, your first kiss doesn’t really matter at all.”

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon