Pikit-mata akong sumunod kay Minghao pabalik ng hotel. May ilang guests ang nasa lobby nang lumapit siya sa reception at ni-report ang nangyari sa akin matapos magtawag ng ilang security personnel. Pagkatapos akong tanungin ay sinabihan kaming tatawagan na lang ako kapag dumating na ang mga pulis para sa formal complaint ko.Nakakabingi ang katahimikan habang naglalakad kami sa hallway. Wala kaming ibang taong nasasalubong at nakatitig lang ako sa carpeted floor. Pinagbuksan niya ako ng pinto at hinintay akong tuluyang makapasok sa silid.
Nang marinig ko ang click ng lock, doon lang ako tumingala at inilibot ang tingin ko sa buong kuwarto. It has the same interior as mine but the coat and caps on the coat hanger and the luggage at the corner of the room weren’t part of my belongings.
“This isn’t my room...”
“Sana naisip mo ‘yan bago ka pumasok sa kuwarto ko.”
Gulat akong napalingon kay Minghao dahil sa klase ng sagot niya sa akin. Nagkibit-balikat lang siya at lumapit sa isang kama. He sat there elegantly and motioned me to sit beside him. Pinili kong hilahin ang nakita kong bean bag at doon kumportableng naupo.
“Ayaw mo talagang lumapit sa ‘kin? You already kissed me a while ago.”
Umalma ako pero tumawa lang siya. Mukhang tuwang-tuwa talaga siya na iniinis ako ngayon.
“Para tayong nakatayo sa magkabilang bangin at isang manipis na tali lang ang puwede nating daanan palapit sa isa’t isa. I am already halfway the thin line, hinihintay ko na lang na tumawid ka rin o palapitin ako sa ‘yo. Palalapitin mo ba ‘ko?”
Tiningnan ko siya sa mga mata at marahan akong umiling. Hindi ako makakagawa ng anumang desisyon ngayon. Alam ko na kung ano at sino ang gusto ko, pero hindi ako makapagbitaw ng salita.
“Tell me the truth now, Mei. There’s something stopping you and I want to know what is it.”
Hindi pa rin ako umimik. Dumukwang siya sa direksyon ko pero hindi naman tuluyang lumapit.
“You have to be honest with me, Mei. Hangga’t kaya ko pang makinig sa ‘yo. Hangga’t umaasa pa ako. At least, for the sake of my sanity, explain everything to me.”
“Kailangan ako ni Jinyoung,” I started. Nakita ko ang pagkadismaya ni Minghao dahil sa sinabi ko. Nawala ang ngiti niya at muling tumuwid ng upo sa kama. “Before I went to your last fansign event, we accidentally met on a mall and he persuaded me to meet him somewhere.”
Sandali akong huminto, huminga ng malalim at muling nagpatuloy. Pinipili ko ang bawat salita na bibitawan ko.
“Hindi ako pumunta dahil wala na akong nakikitang rason para gawin iyon. Tahimik na ako, masaya na tayo...” I trailed off at the mention of us. Muling nagbalik sa akin ang mga huling pangyayari bago nangyari ang aksidente ni Jinyoung.
Nakaplano na ang lahat noon. Minghao supported me in pursuing my dream, we are in a happy relationship and I am bound to Japan to film a movie with Remarie.
“Then the accident happened and you thought you are responsible for that,” he concluded.
“I was responsible for that. Kung pumunta lang ako at nakipag-usap sa kanya, hindi siya magtatagal doon at maaaksidente. Kasalanan ko ang nangyari kaya kailangan ko siyang bantayan.”
“You have to attend to all his needs even at the expense of our own relationship?”
“I’m sorry. It was my fault for cutting our communication. Dapat kinausap kita noon at hindi basta nagdesisyon para sa sarili ko.I’m sorry.”
“Tapos na iyon, Mei. But what I want to know now is why did you stay? Masaya ka ba ngayon? Bakit mo ko hinalikan? Bakit bumabalik ka?”
I fidgeted. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang pagpapaliwanag. Pinipigil ko lang na maiyak. Naghahalo-halo na ang nararamdaman ko. Napapiksi ako nang lumapit sa akin si Minghao. Nasa magkabilang gilid ko ang dalawang braso niya. Ang lapit ng mukha niya sa akin at tumatama sa pisngi ko ang bawat paghinga niya.
“Tell me the whole truth, Mei. Don’t keep me in the dark. Bakit nananatili ka pa rin sa kanya kahit na ipinaparamdam mo sa akin na gusto mo ‘kong balikan?”
Yumuko ako para mag-iwas ng tingin sa kanya. Nakakailang ang titig ni Minghao.
“May selected amnesia si Jinyoung. Wala siyang maalala sa mga nangyari sa kanya. Ang natatandaan lang niya ay ako at ang pagiging miyembro niya ng grupo ni kuya.”
“And?”
“Hindi... hindi niya matandaan na naghiwalay na kami at umalis na siya sa grupo...”
“So you ended up pretending to be his girlfriend once again?”
I nodded. Para akong kriminal na pinapaamin ng pulis. Si Minghao naman ang pulis na maraming tanong.
“So how about his wedding proposal that you agreed on last night?” he asked accusingly.
Mabilis akong napatingala sa kanya. Bahagya pa akong umatras dahil halos magdikit na ang mukha namin sa sobrang lapit niya.
“I... I was jealous. You seemed so fond of that girl. Sinabihan mo pa ako na ‘wag nang magpapakita sa ‘yo. I was hurt—“
“So you agreed on marrying him,” he finished flatly.
Ang tanga ko talaga. Napaka-impulsive ko pa. May pagkakataon akong tumanggi kay Jinyoung kagabi. I can make up a reason not to say yes, but I chose to say yes. Ngayon ko pinagsisisihan ang katangahan ko.
Nawala ang pressure sa magkabilang gilid ko. Sinundan ko na lang si Minghao ng tingin nang talikuran niya ako at lapitan ang bedside table sa kabilang panig ng kama kung saan siya nakaupo kanina. Parang may hinahanap siya roon at ilang sandali pa, naglabas siya ng isang maliit na kahon.
Walang emosyon ang mukha niya nang bumalik siya sa tapat ako at binuksan ang hawak niya.
“Give me your right hand,” utos niya.
Tumalima naman ako at pinanuod siyang isuot sa akin ang isang charm bracelet. Matapos masiguro ang lock ay pinagmasdan niya iyon at tipid na ngumiti sa akin.
“I bought this one during one of our tours.” Hinawakan niya ang isang charm na maliit na vial at may nakaikot na piraso ng papel sa loob. “It was customized which means I designed this bracelet.” Bigla niya akong hinalikan. “For you.”
Inangat ko ang kamay kong iyon at pinagmasdan ang bigay niya. May birthstone ko iyon, mayroon ding figure ng musical note, may infinity sign, G-clef at dalawang letra na initials ng pangalan naming dalawa.
“Am I still worthy of this gift?” I bravely asked him.
Muli niyang kinuha ang kamay ko. This time, sa suot ko nang engagement ring nakatuon ang atensyon niya.
“Binili ko ang bracelet na ‘yan noong mga panahong magkahiwalay na tayo. I am still hoping for us to reunite so I made that one for you. Hihintayin kita, Mei. Pag-isipan mong mabuti.”
“Hindi madali ang magdesisyon...”
“I know... and I understand. Pag-isipan mong mabuti kung kaninong regalo ang ibabalik mo at itatago mo. Maghihintay ako, Mei... at aasa. Anuman ang maging desisyon mo, tatanggapin ko.”
BINABASA MO ANG
We Must Stop Meeting This Way
RomanceHindi madali ang mag-adjust. That's what she realized after all these tiresome events happening before her very eyes. From the poor girl that she was to a pampered princess that she became- life became a never ending sequence of pretensions. Life ha...