SVT - NINETEEN

37 8 6
                                    

“We broke up. I decided to call it quits,” I claimed without anymore explanation.

Nakita ko ang concern sa mga mata ni mommy at ang demand sa mga mata ni daddy. Gusto nilang magtanong kung ano ang nangyari, pero hindi nila ginawa. Hinayaan nila ako sa katahimikan ko. Sinabi kong ayos lang ako. Na gusto ko ang nangyari, na ako mismo ang nagdesisyon sa nangyari. At walang kinalaman ang anupaman sa paghihiwalay naming dalawa.

Mataman kong tinitigan ang sarili ko sa salamin. Pinili kong sumama sa mga magulang ko sa pinuntahan nilang birthday party ng isang business acquaintance nila. Para lang ipakita na ayos lang ako. Para patunayang hindi ako apektado. Pero matapos ang ilang oras na pagtayo, pagngiti at pakikipag-usap sa kanila ay napagod na rin ako.

“Ma.”

“Yes, princess?” Nakangiting lumingon sa akin si mommy nang tawagin ko siya.

“Hindi pa po ba darating si Seokjin?”

Nagkibit balikat siya at tumingin sa gawi ng matalik niyang kaibigan mula noong junior years nila, ang mommy ni Seokjin.

“Parang nabanggit sa akin ng tita mo na hindi siya makakarating ngayon?”

I gave my mother a confused look. I just talked to Seokjin and asked about his schedule. Wala naman daw silang commitment kaya inaasahan kong andito rin siya. It’s a family affair after all.

Nag-excuse na lang ako kay mommy para tawagan siya. My call was answered after the second attempt. Mabuti na lang at nasa malapit lang pala siya. Tatawid lang ako ng kalsada at makikita ko na siya, na kasama si Sandeul.

Isang exclusive bowling alley na madalas nilang puntahan ang kasalukyan nilang tinatambayan ngayon na nagkataong nasa tapat lang ng building kung saan ginaganap ang party. Hinanap ko sina mommy para magpaalam. Nang pumayag sila ay dumiretso ako sa parking lot para kunin ang backpack ko at naglakad na patungo sa bowling alley.

Sa kabila ng halter top na knee length dress ko at high heels ay agad naman akong pinapasok nang ipakita ko sa kanila ang membership ID ko sa reception. Mabilis akong nagtungo sa alley kung saan madalas sina Seokjin at Sandeul para maglaro.

“There you are,” bati ko sa kanila sabay bagsak ng backpack sa sofa malapit sa puwesto ni Seokjin. Natigil sila sa pagtatawanan at tahimik na tumitig sa akin.

“What?” I asked and sat in between Sandeul and Seokjin. Naroon din ang ilang kagrupo ni Seokjin na kaedaran ko lang. Sina Taehyung at Jimin na magkatabing nakaupo sa kabilang sofa at nakatutok sa iisang cellphone.

“Okay ka lang?” tanong ni Jin katagalan matapos akong titigan.

Isa-isa kong inilabas sa bag ang spare clothes ko, pati ang phone ko at binuksan ang camera app.

“Nagpaalam ako sa parents natin na pupuntahan kita. Let’s take a picture so I can show them that I really met you here.”

“Bakit umalis ka sa event?”

“Bakit hindi ka nagpunta sa event?” balik tanong ko sa kanya na ipinagkibit balikat lang niya.

“Ngayon lang ako nagkaroon ng oras para lumabas. Isa pa, para sa mga matatanda lang ang event na ‘yon?”

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Puro tungkol sa ekonomiya, stocks at negosyo lang naman ang maririnig mong usapan sa buong event hall. May ilang anak ng negosyante rin doon na hindi nalalayo sae dad namin, pero hindi ko rin naman sila talaga kasundo at kakilala.

Matapos kong makuntento sa ilang pictures ay dinampot ko na ang mga damit ko at nagtungo sa banyo. May balak talaga akong puntahan ngayong araw pero dahil pinasama ako sa event ay naantala na iyon. Ilang minuto ang itinagal ko sa pagbibihis at paglabas ay nakaabang na sina Seokjin at Sandeul sa akin.

“Saan ka pupunta?”

“Somewhere...” I shrugged and walked past them. Pero may humila sa suot kong backpack kaya natigil ako sa paglalakad. Matapos ay muling tumayo sa harap ko ang dalawang makulit na lalaki. “Ano bang problema ninyo?” singhal ko sa kanila.

Hindi sila sumagot. Sabay lang silang dumukwang paharap sa  akin kaya napaatras ako.

“B-bakit?” tanong ko dahil nakatitig lang sila at hindi nagsasalita.

Unang tumuwid ng tayo si Sandeul at ipinatong ang isang kamay sa ulo ko, kasunod si Seokjin na nanatiling nakahalukipkip ang mga kamay.

“Ayos ka lang ba?” tanong ni Sandeul. Malumanay ang boses.

“I heard about you and...”

“I believed so. Magkasama kayo ngayon eh, so imposibleng hindi ninyo mapag-usapan.” Diretso ang tingin ko kay Jin.

“Princess...”

“I’m okay Jin, thank you for your concern.”

“Hindi talaga ako naniniwala noong una mong sinabi ‘yon, Mei. Akala ko—“

“Breaking up and broken hearts are things that I can’t talk about jokingly, Sandeul. You know that.”

Seokjin became silent as if thinking about something. Sandeul seemed liked he only has nothing to talk about. Kapag magkakasama kaming tatlo, pakiramdam ko ay lagi akong  nabu-bully sa kanilang dalawa. Pero ngayon, halos wala silang masabi.

“Okay na ako. ‘Wag na kayong mag-alala sa akin.”

“Sigurado ka?”

Tumango ako kay Seokjin. Four years ago, I was just a stranger to them. Pero ngayon, bukod kay Kuya Shinwoo, para na ring nadagdagan ang mga puwede kong ituring na nakatatandang kapatid dahil sa kanilang dalawa.

“Baka lang kasi hindi ka pa umiiyak—”

“Sino ang nagsabing gusto kong umiyak?” taas kilay na tanong ko sa kanila. “Hindi lahat ng nakikipaghiwalay, umiiyak.”

“Eh ano ang ginagawa ng iba?”

Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanila. “Nagse-celebrate.”

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isang nilang dalawa pero bago pa nila ako matanong pa ulit, mabilis na akong tumalikod at umalis.

May balak akong puntahan na ayokong magsama ng kahit sino. Bago ako sumakay ng bus ay dumaan muna ako sa isang bakeshop at bumili ng maliit na chocolate cake. Naglalakad na ako papunta sa bus stop nang maramdaman kong may sumusunod sa akin.

Imposible namang ang dalawa iyon dahil alam nilang kapag sinabi kong hindi puwede, hindi talaga puwede. Alam nila kung kailan ko kailangan ng makakasama at kung kailan ko kailangang mapag-isa.

Mabilis akong nagtago sa isang makipot na eskinita sa pagitan ng dalawang establishments. Inabangan ko ang darating at nang may matangkad na lalaking lumampas ng kaunti at palinga-lingang huminto na parang may hinahanap, mabilis ang naging kilos ko at agad siyang sinipa sa isang binti.

Dumaing ang lalaki na nakasuot ng mahabang coat at bull cap.

“Anong ginagawa mo? Bakit mo ‘ko sinusundan?”

Tumayo ang lalaki pero halatang iniinda pa rin ang binti na sinipa ko. Tinanggal niya ang suot na bull cap at dark shade sunglasses at nakasimangot na humarap sa akin.

“The8?” gulat na tanong ko sa kanya. “A-anong ginagawa mo?”

“Masama na bang sundan ka? Hindi mo naman ako kailangang saktan,” ganting singhal niya sa akin.

Nakonsensya naman ako dahil halatang nasaktan talaga siya sa ginawa ko. “Sorry.” Tiningala ko siya para tanungin, “bakit kasi nakasunod ka sa akin?”

“Tinatawag kita kanina pa pero hindi mo naman ako pinapakinggan. Nagkasalubong lang tayo paglabas mo sa bowling alley pero hindi mo ako napansin.”

“Gano’n ba?” Sandali ko siyang tintigan para siguruhing ayos na siya. Nang tumayo na siya nang tuwid at ngumiti ay agad na akong nagpaalam sa kanya.

“Saan ka pupunta?” pahabol na tanong niya at pilit na sinasabayan ang lakad ko.

“Sa lugar na hindi ka puwedeng sumama.”

Eksaktong pagtalikod ko sa kanya ay siya namang dating ng bus. Mabilis akong sumakay doon at umupo sa bandang likuran. Pero nagulat ako nang ilang sandali lang ay may umupo sa tabi ko. Paglingon ko, ang nakangiting mukha ni The8 ang agad na bumungad sa akin.

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon