“Still remember this place?”
Tiningnan ko si The8 at sinimangutan. Tuwang-tuwa talaga siya habang inaalala ang pagkikita namin sa mismong park kung nasaan kami ngayon.
“You gave me a good laugh that night,” dugtong pa niya habang patuloy na natatawa.
Hinampas ko siya sa balikat pero mukhang hindi naman niya iyon ininda. Hinuli lang niya ang kamay ko at bahagya iyong pinisil.
Paano ko makakalimutan ang napakamalas na gabing iyon kung saan naligo ako nang wala sa oras dahil sa fountain na hindi ko alam na implanted pala sa gitna ng park? Nagkasakit pa ako kinabukasan dahil doon.
“I’m glad to be the one who found you that night.”
Iyon din ang gabi na pakiramdam ko ay gumuho ang buong mundo ko, ang simula ng mga masasamang nangyari sa akin.
Tiningnan ko ang lalaking nakaupo sa tabi ko at tipid na nginitian. Iyong mundo na ginawa ko kung saan lahat ay masaya lang, nawasak nang malaman ko ang tungkol kay Ericka at Jinyoung.
“It’s getting crowded in here. Gusto mo bang pumunta sa dorm?”
Napansin ko na dumarami na nga rin ang mga tao sa park. May ilan na ring nagsisimulang magtayo ng tent nila para sa night market at food stalls.
“Sige, sa dorm na lang tayo. Baka magkagulo pa kapag nakita ka ng fans mo rito.”
Pareho naming inayos ang mga suot naming bull cap at face mask. Pagkatapos ay hinawakan niya ang isang kamay ko at sabay na kaming naglakad paalis sa park. Day off ulit nila ngayon matapos ang dalawang linggong activity para sa album promotion.
I agreed on seeing him after my class.
“Si Jiwoo ba pupunta pa?”
Oo nga pala. Walang pasok si Jiwoo ngayon kaya hindi kami nagkita sa university. Pero nang tawagan ko siya at sinabi kung saan ako pupunta, mabilis siyang pumayag na makipagkita. I checked my phone to check on her. Malapit na raw siya.
“Nasa restaurant na siya kung saan mo sinabing makipagkita sa kanya.”
Dumaan muna kami sa restaurant para kitain si Jiwoo at nag-takeout ng pagkain para sa mga naiwan sa dorm. Ayon kay The8, may activity ang vocal team kasama si Kalih kaya hindi sila kumpleto sa dorm ngayon.
“Excited na akong makita ang dorm nila.” Mahigpit ang kapit sa isang kamay ko ni Jiwoo. Kanina pa siya nakangiti at hindi mapakali.
“You looked different today,” puna ko sa hitsura niya. Kanina pagpasok namin sa resto ay napansin ko na agad ang aura niya, hindi ko lang masiguro kung ano ang naging pagbabago. Pero ngayon na natitigan ko na siya sa malapit, napansin kong iba ang shade ng makeup niya.
“What do you mean?”
“Your makeup, you changed it to a lighter shade.” Madalas kasi na dark ang shades ng makeup niya, naiiba sa gamit niya ngayon.
Bumitaw sa akin si Jiwoo at bahagyang lumayo. Tumingin muna siya kay The8 na naglalakad sa unahan namin dala ang dalawang plastic bags.
“Iyan na ba ang epekto ni Minghao sa’yo, Mei? Nagiging concern at observant ka na sa mga taong nasa paligid mo.”
Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa obvious na pag-iiba niya ng usapan. Hindi na lang ako nagsalita dahil papasok na kami sa gate nila.
“I told Mingyu to clean up because we’re having visitors. Mukhang nagawa naman niya,” nauna nang paliwanag ni The8 nang siguro ay mahalata ang pagtataka ko.
Noong ikalawang beses na pumunta ako rito, may ilang mga gamit nila ang nakakalat sa living room. Biglang sumulpot si Mingyu na nakasuot pa ng apron at bitbit ang vacuum cleaner.
BINABASA MO ANG
We Must Stop Meeting This Way
RomanceHindi madali ang mag-adjust. That's what she realized after all these tiresome events happening before her very eyes. From the poor girl that she was to a pampered princess that she became- life became a never ending sequence of pretensions. Life ha...