Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa paligid ko. Humahakbang ang dalawang paa ko pero sumusunod lang ako sa direksyon ng dalawang taong umaalalay sa akin. Namalayan ko na lang ang sarili kong nakaupo sa isang malambot na sofa.
Ilang tao ang nakatayo at nakapalibot sa akin pero hindi ko sila mamukhaan lahat.
“Kami na ang bahala sa kanya, Ms. Kalilah. Kailangan mo nang umalis dahil male-late ka na sa contract siging mo.”
Kalilah? Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses. Si Kalih nga ang dumating kanina para iligtas ako kina Ericka at Yesha. Siya rin ang nagdala sa akin sa kung saan man ako naroon ngayon. Sinubukan ko siyang hanapin pero malabo ang paningin ko.
Sigurado akong hindi naman natanggal ang contact lenses na suot ko pero bakit hindi ko mawari ang mga anyo nila? Nilingon ko ang nasa tabi ko na marahang pumisil sa kamay ko. Hindi ko rin maaninang ang mukha niya.
Pero kilala ko ang may-ari ng mainit na palad na iyon.
“T... The8...”
“She’s back, guys. Kami na ang bahala rito, Ms. Kalih. Kailangan mo na talagang umalis.”
Pumikit ako at bahagyang tumingala nang maramdaman ang mainit at puno ng pagsuyong dumama sa isang pisgni ko. Parang bahagyang nawala ang hapdi doon na dahilan ng pagsampal sa akin ni Ericka. Napapiksi ako nang muling maramdaman ang hapdi naman sa balikat ko.
Pagdilat ng mga mata ko ay sinalubong ako ng nag-aalalang mukha ni Kalilah.
“Kalih...”
“You’re safe here Chin...”
Muli akong pumikit para damhin ang malambot na palad niya sa pisngi ko. Gusto kong maiyak pero alam kong wala akong kasalanan. Hindi ko kasalanan ang nangyari kina Ericka at Yesha.
Nawala na ang palad ni Kalilah kaya mabilis akong dumilat at hinabol iyon gamit ang dalawang kamay ko. Nang tingnan niya ako ay marahan akong umiling, tahimik na humihiling na ‘wag niya akong iwan.
“Ligtas ka na rito, Chin. Kasama mo si The8. Babantayan ka ng mga kaibigan natin.”
I looked around and found everybody’s eyes on me. I stared once again at Kalih before I hesitantly let go of her hand.
“Mei, I promised to keep you safe here.”
Nilingon ko ang nagsalita sa gilid ko at nakita si The8. Nag-aalala rin siya gaya ng mga kagrupo niya na hanggang ngayon ay nakapaikot sa akin.“Titingnan ko lang balikat mo kung malala ba ang naging paso.”
Pumiksi ako at bahagyang iniiwas ang balikat ko sa babaeng sinubukang alisin ang tela na nakadikit sa balat ko.
“Masakit ba kapag inangat ang tela rito?”
Tumango ako.
“Sana first degree burn lang ang nakuha mo para puwede pang lagyan ng ointment.”
“Ano pong nangyari?” tanong ni The8.
“She was harassed by some girls. Kung hindi kami napadaan sa gawing iyon, baka hindi lang pagsaboy ng mainit ng kape ang inabot niya sa dalawa.”
Umiling ang babae matapos silipin ang balikat ko sa ilalim ng suot kong polo shirt. Tumingin siya sa akin ng diretso.
“We have to remove at least your strap and expose your shoulder.”
Napanganga ako. I can’t remove my shirt here. Not in front of everybody and not under The8’s scrutiny. Mukhang nakuha naman niya ang pag-aalinlangan ko dahil itinaboy niya ang mga manunuod namin at sinabihang magpahinga na sila at magbihis.
BINABASA MO ANG
We Must Stop Meeting This Way
RomanceHindi madali ang mag-adjust. That's what she realized after all these tiresome events happening before her very eyes. From the poor girl that she was to a pampered princess that she became- life became a never ending sequence of pretensions. Life ha...