What now? Laglag ang dalawang balikat ko na bumalik sa kinatatayuan ni The8 na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang box ng cake na pinabitbit ko sa kanya.
Bukas ang park para sa mga gustong mamasyal pero hindi puwede ang ATV dahil under maintenance ang lahat ng sasakyan nila.
“Hindi talaga puwede?” paniniguro niya sa akin.
Nakasimangot akong tumango kay The8. Kung minamalas ka nga naman, minsanan lang pero sunud-sunod naman ang bagsak.
Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya.
“Hindi mo tinanong ang schedule nila bago ka nagpunta rito?” pang-aasar niya na mukhang hindi natinag sa titig ko.
Hindi ko siya pinansin. Umupo ako sa nakahilerang stone benches sa waiting area at doon nagmukmok.
“Cheer up. Puwede ka pa namang mamasyal dito kahit mag-isa ka lang.”
Mag-isa. Yeah, right. Nakakainis! Matagal na naming pinlano ang ganito. Matagal ko nang gustong subukan ang ATV pero hinihintay ko ang anniversary namin ni Jinyoung dahil iyon ang pangako niya. Ngayon ang araw na iyon, at kahit mag-isa ay itinuloy ko pa rin.
“Sayang naman ang pagpunta natin dito kung hindi tayo tutuloy dahil lang sa walang ATV.”
Sinundan ko ng tingin si The8 nang tumayo siya at hinawakan ang isang kamay ko. Pero wala na akong gana. Kahit hanggang ngayon ba, hindi ko pa rin puwedeng gawin ang mga bagay na ipinagbabawal ni Jinyoung na gawin ko noon? Dahil delikado o baka mapahamak lang ako.
“Tumayo ka na. One, two, three...” Sa ikatlong bilang ay tuluyan na niya akong hinila patayo. Nawalan ako ng balanse pero mabilis niya akong nasalo.
His smile is genuine and welcoming. His scent is like of fresh morning dew with a hint of masculinity.
“Okay ka lang?”
Mabilis akong humiwalay kay The8 nang marinig ko ang boses niya. Hindi ko namalayang napapikit pala ako sa pag-amoy ko sa kanya. Pakiramdam ko, nag-iinit ang magkabilang pisngi ko. Ibinalik niya sa akin ang box at siya naman ang lumapit sa ticket booth.
“Let’s go,” nakangiti niyang sabi at hinila na ako papasok sa gate matapos ang ilang sandali.
Ibinigay niya sa guard ang dalawang tickets na binili niya. Isinuot naman iyon sa amin ng guard bilang ticket bracelet habang nasa loob kami ng park nila.
Hindi ko inaasahang isang literal na rural park pala ang pinuntahan namin.
“The ATV area is on the back of this park.”
Nilingon ko si The8. “Have you been here before?”
“No,” nakangiti niyang sagot sabay iling. Tinanggal na niya ang sunglasses at bull cap kaya malaya kong nakikita ang kanyang mukha. “It’s written on the park’s map.” Itinuro niya ang isang malaking map na na nakatayo malapit sa entrance.
Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at naglakad na ako habang tinatanaw ang malawak na pond ng park. Sa elevated area kung saan kami kasalukuyang naroon ay puro mga puno at damo na puwedeng mag-set up ng picnic mat. May mga lamesa at upuan din na gawa sa bato at sa bandang ibaba naman kung saan naroon ang malawak na man-made pond ay napapaligiran din ng malilit na damo.
Mangilan-ngilan lang ang taong naroon para magpahinga, habang ang iba ay kumakain, nagbabasa ng libro o natutulog.
“Gusto mong lumapit sa pond?”
Nauna siyang bumaba at hinintay akong sumunod sa kanya sa ika-pitong baiting pababa. Nang magpantay na kami ay nauna ulit siya ng pitong hakbang. Napakunot noo na ako dahil humihinto talaga siya sa ika-pito at kapag nagpantay na kami ng baiting ay hahakbang ulit siya pababa ng pitong beses hanggang sa tuluyan kaming makababa.
BINABASA MO ANG
We Must Stop Meeting This Way
RomanceHindi madali ang mag-adjust. That's what she realized after all these tiresome events happening before her very eyes. From the poor girl that she was to a pampered princess that she became- life became a never ending sequence of pretensions. Life ha...