Page 2

1.7K 36 4
                                    

"Pipila kayo sa corridor tapos 'pag tinawag ko na ang apelyido niyo ay papasok na kayo."

"Ma'am itabi niyo nga po ito kay ano!"

"Ma'am doon po ako malapit sa may bintana"

"Ma'mm sa likod po ako, please?"

"Class, tahimik muna. Hindi natin ito matatapos agad kung mag-iingay kayo. Start muna tayo sa boys."

Tinawag na ni Ma'am ang apelyido ng mga boys at pagkatapos ay apelyido naman ng mga girls.

"Ms. Martell, seat beside Mr. Villamar"

Katabi ko si Jankin? Hmm, okay na rin...

Tumango siya at umupo na sa tabi nito. Kilala niya ito dahil magkaibigan ang kanilang mga magulang. In fact, kinakapatid niya ito. Si Dian naman ay nasa tabi ng nasa likod niya kaya okay na rin.

"Ayan na ang inyong seating arrangement para lang sa first quarter."

"Ma'am, kailan po maglilipatan?"

Tanong ni Brent at tiningnan naman ito ni Ma'am ng masama ngunit may halo parin na pagbibiro.

"Ngayon pa nga lang kayo nagkakatabi niyang katabi mo tapos gusto mo agad ng lipatan?"

"Hehehe nakakasawa na po agad, Ma'am"

Napailing-iling na lang si Ma'am saka kinuha ang isang folder na nakapatong sa desk nito.

"Ibibigay ko na sa inyo ang student number niyo at mababago lang ito kung may dadagdag pa sa inyo pero sana naman ay wala na para hindi na kayo malito."

Nagsimula na si Ma'am magbigay ng student number at siya ay Girl No. 19 or G19 kaya naman ang katabi niya na si Jankin ay Boy No. 19 or B19. Si Dian naman ay Girl No. 21 or G21.

"May outdoor activity tayo ngayon at ito ay dodge ball! Alam niyo naman siguro iyon 'diba? Kaya tara na sa labas dahil masaya ito!"

'Yey!'

'Ma'am masakit naman po makatama ang bola eh.'

'Ma'am yung bola ng basketball gamitin natin para masaya.'

'Ma'am hindi po ako pwede hehe meron po ako.'

'Wala! Wala! Dapat lahat kasali.'

"Mag ingay pa kayo at hindi na tayo matutuloy."

Tumahimik naman na silang lahat at nagsalita ulit si Ma'am.

"Lalabas tayo ngayon at pupunta tayo sa may oval. Doon natin lalaruin ang dodge ball para malaki ang space. Labas na at walang maiiwan dito dahil lahat dapat ay kasali."

Sa oval ay may malaking damuhan na field at oval ang itinawag dito dahil pa-oval ang shape ng buong field.

Lumabas na sila ng classroom at habang naglalakad sila sa pathway papunta sa oval ay panay ang salita ni Dian.

"Buti na lang magkatabi tayo."

"Oo nga eh."

"G21 na naman ako. Simula Grade seven hanggang ngayon, G21 pa rin ako."

Nakasimangot na sabi nito at kunot noo naman niya itong tiningnan.

"Ayaw mo non? May isang bagay na loyal sayo."

"Oo nga 'no?"

Nakarating na sila sa oval at by RT or Responsible Team ang game kaya naman naghiwalay muna sila Dian. Sumama ito sa RT1 habang siya naman ay sa RT2.

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon