Chapter 48

214 11 0
                                    

C H A P T E R  48..............

Christmas party na nila ngayong araw at sobrang saya. Lalo na at sila ang may pinakamalakas na sound system na dinala pa ni Neth. Nasa classroom sila at nagpapalaro naman si Ma'am Celine.

"Mika! Dian! Tara sali tayo!"

Hinila sila ni Jen papunta sa gitna at naglaro naman sila ng 'The Boat is Sinking'. Sobrang pambata ng larong ito para sa mga grade 9 students na katulad nila pero pasko naman kaya dapat ay magsaya at mag-enjoy lang sila.

Hindi talaga siya mahilig makiparticipate sa mga laro tuwing christmas party ngunit ngayon ay tuwang-tuwa siya habang nakikipaglaro sa mga kaklase niya.

Grade 9 is indeed the most challenging but also the most amazing part of every one's high school life.......

"Nakakapagod maglaro"

Sabi ni Dian at natawa naman siya saka sila bumalik sa mga upuan nila.

"Mika, gift ko para sa'yo"

Natuwa naman siya dahil binigyan siya ni Preshie ng regalo. Syempre may regalo din siya para dito at kinuha niya iyon sa loob ng bag niya saka ibinigay iyon dito.

"Thank you!"

Nagkukwentuhan lang sila ni Dian nang lumapit naman sa kanila si Jen at pareho itong may ibinigay sa kanila na maliit na box.

"Talaga nga naman, Jen"

"Thank you!"

Kinuha naman niya sa loob ng bag niya ang regalo niya para dito at napangiti naman ito.

"Thank you, Mika!"

"Baka magtampo ka sa'kin kung wala akong gift sa'yo kaya eto oh"

Ibinigay din naman ni Dian ang regalo nito para kay Jen. Marami pa ang nagbigay sa kanya katulad na lang nina Airie, Myka, FerFer, Lei, Dhaine at si Dawn.

"Mamaya na ako sa bahay magbubukas ng mga regalo"

"Oo, para may thrill"

Pinanood na lang nila ang iba pa nilang mga kaklase na ngayon naman ay naglalaro ng Medusa. Hindi niya gets kung paano laruin iyon basta ay nanood na lang siya dahil masaya namang makitang maglaro ang mga ito.

"Mika, picture na lang tayo"

"Sige"

Kinuha ni Dian ang phone nito saka sila nagpicture. Matapos ang ilang picture ay may ibinigay ito sa kanya na isang box. Agad naman siyang napangiti saka kinalog ang box.

"Baka kung anong laman nito ha?"

Natatawang tanong niya at natawa din naman ito.

"Bomba talaga ang laman n'yan. Secret lang natin ha?"

"Irereport ko na ba?"

"Ikaw ang bahala"

Natawa na lang siya saka ibinigay naman din ang regalo niya para dito.

"Bubuksan ko na ba?"

"Sige, bubuksan ko na din itong akin"

Sabay nilang binuksan ang mga regalo nila para sa isa't isa at nakita niyang G-shock na relo iyon ngunit may isa pang bagay na hugis parisukat ang nasa panibagong wrapper ulit.

"Ano ba ito? Chocolate ba?"

Panghuhula niya sa isa pang regalo nito sa kanya at kumibit balikat naman ito.

"Buksan mo na lang kasi"

Natawa siya saka binuksan iyon at nagulat siya nang makitang isa iyong libro. Kunot noo siyang tumingin dito dahil minsan na niyang nakita ang librong iyon sa drawer ng kwarto nito.

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon