Chapter 19

314 17 0
                                    

C H A P T E R  19.........

"Happy Birthday!"

Bungad niya kay Dian nang makapasok ito sa classroom nila.

Inagahan talaga niya ang pasok para maunahan niya itong dumating at para naman masurpresa niya. Mahigpit siyang niyakap nito kaya natawa naman siya.

"Thank you!"

"Gift ko sa'yo!"

Ibinigay niya dito ang ginawa niyang explosion box. One month before pa lang ay ginagawa na niya ito para marami siyang time.

Talagang maraming colored paper na blue ang binili niya para sa explosion box nito dahil paborito nitong kulay ang blue.

Gumawa din siya ng long message dito at hindi na niya nasukat kung gaano iyon kahaba. Sinusulat niya tuwing gabi ang long message na ginawa niya para dito.

Inalala lang naman niya muli doon kung paano sila nagsimula ni Dian noong mga grade 7 students pa lang sila at walang alam sa mundo ng high school.

Kumuha din siya ng ilang pictures nito mula sa facebook at dinala niya iyon sa computer shop para ipaprint. Sa ilalim ng takip ng explosion box iyon nakasabit gamit ang blue ribbon.

Naglagay din siya sa explosion box ng mga paborito nitong mga pagkain at inumin. Bumili rin siya ng gusto nitong damit, make-up kit at kung ano-ano pa lalo na ang jacket na gustong-gusto nitong bilihin dahil sa nakaprint na ice bear sa gitna niyon.

"Wow! Nakakaiyak naman! Sobra-sobra naman ata ito ,Mika!"

"Anything for my bestfriend"

Maluha-luhang tumingin ito sa kanya saka binuksan ang explosion box.

"Nakakainis! Talagang gusto mo akong paiyakin ngayon 'no?"

"Matagal-tagal na rin kasi noong huli kitang naregaluhan ng may effort"

Natatawa niyang sabi at tinampal naman nito ang braso niya saka binuklat pa ang ibang laman ng box at ng makita nito ang jacket ay agad nito iyong kinuha.

"Wow! Ito 'yong jacket sa Miniso na gusto ko!"

"Oo, binili ko talaga 'yan kasi last time na pumunta tayo sa Miniso ay hindi ka naman ready kaya kulang ang pera na dala mo. Nagpromise na lang ako sa sarili ko na kapag bumalik ako doon ay bibilhin ko 'yan para sa'yo"

"Nakakainis ka talaga!"

Niyakap siya nitong muli ng mahigpit at ginulo na lang niya ang buhok nito. Hindi na kasi talaga siya makahinga sa mahihigpit na yakap nito sa kanya ngunit masaya naman siya at nagustuhan nito ang mga regalo niya.

At least hindi nasayang ang lahat ng efforts niya. Makita lang naman niya na na-appreciate nito ang mga ibinigay niya para dito ay ayos na sa kanya.

"Gusto mo bang bawiin ko?"

Tanong niya dito at agad naman itong umiling saka ibinalik ang jacket sa loob ng box.

"Salamat talaga, Mika! Hindi ko inaasahan ito kasi lagi tayong magkasama. Akala ko nga ay wala kang plano kasi kung may plano ka ay hindi ka na sasabay sa'kin kasi alam mo na, busy ka dapat"

"Kaya nga sumasabay pa rin ako sa'yo at hindi ko ipinapakitang busy ako kasi alam ko naman na iyan ang iisipin mo"

"Well, matalino nga pala ang bestfriend ko"

Natawa na lang siya saka inginuso ang explosion box.

"Mamaya mo na ulit 'yan kalkalin kung ayaw mong dumugin ka ng mga kaklase natin dito"

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon