Page 16

345 17 0
                                    

"Get out of my room! This is not your room, Pious! This is mine! Nakikigamit lang kayo at kung hindi niyo ito kayang panatilihin na malinis ay lumabas na lang kayo! Wala kayong karapatan na gamitin ang classroom na ito!"

Umalingawngaw ang sigaw ni Ma'am Celine sa buong classroom nila. Naiwan kasing makalat kahapon ang classroom at sabi ng iba ay si Ma'am Celine pa daw mismo ang naglinis niyon.

Tahimik silang lahat at walang makasagot dahil galit na galit talaga si Ma'am Celine. Ngayon lang ito nagalit ng sobra sa kanila.

"Iniwan niyo na lang basta ang classroom na madumi kaya lumabas kayo! Dalhin niyo ang mga gamit niyo sa labas!"

Nagkatinginan muna silang lahat bago lumabas sa corridor. Dala nila ang mga gamit nila saka umupo sa corridor. Lumabas si Ma'am Celine saka tumingin sa kanilang lahat.

"Kung hindi niyo kayang disiplinahin ang sarili niyo ay wala kayong karapatan para manatili sa classroom na ito"

"Dapat pala naglinis tayo kahapon kahit hindi tayo dito naka-aasign"

Nagsisising bulong sa kanya ni Dian na nasa tabi niya ngayon at bumuntong hininga naman siya saka tumingin muli kay Ma'am Celine.

"Bago niyo gawin ang mga responsibilidad niyo sa mga kaibigan niyo ay siguraduhin niyo munang aalis kayo sa classroom ng malinis ito. Kung hindi niyo kayang linisin ang classroom ay mas lalo sigurong hindi niyo kayang gawin iyon sa mga sarili niyong bahay kapag nagkaroon na kayo ng sariling tahanan"

Tumahimik muna si Ma'am Celine ng mga ilang minuto kaya namayani na naman ang katahimikan sa kanila. Tanging nagsasalitang teacher lang sa kabilang section ang naririnig niya.

"Kinig mo 'yon? Dapat linis muna bago tambay"

Gustuhin man niyang matawa sa ibinulong ni Dian ngunit hindi niya magawa dahil sa hindi magandang aura na bumabalot sa paligid nila ngayon.

"Sana sinabi mo 'yan sa sarili mo kahapon bago mo naisipang tumakas sa paglilinis para manood ng basketball"

"Sumama ka kaya"

"Para namang papayag ka na hindi ako sumama"

Kinurot siya ni Dian sa braso kaya naman kinurot niya din ito. Hindi naman sa kanila nakatingin si Ma'am Celine kaya ayos lang.

"Paghandaan na lang natin ang grades natin sa TGFS"

"Hala, oo nga. Doon na nga lang ako mataas pero mukhang sasablay ata ngayon"

Bulong pa sa kanya ni Dian at ngumiwi na lang siya dito. Doon na lang kasi lahat talaga tumataas ang grades nila.

"Sana naman ay 'wag bumaba ng ninety"

"Kung maipapangako niyo na kaya niyo ng gampanan ang mga responsibilidad niyo sa classroom na ito ay maaari na kayong pumasok muli ngunit kung hindi naman ay manatili kayo rito sa labas dahil walang espasyo ang classroom na ito para sa inyo"

Kalmadong sabi ni Ma'am Celine saka inintay sila kung may tatayo. Unang tumayo si Jankin saka pumasok sa room at nagsunod sunod na silang pumasok.

"Naks naman! Mika, bakit ka pumasok?"

Mapang-asar na tanong sa kanya ni Brent at umayos na lang siya ng upo sa upuan niya.

"Dapat ako ang nagtatanong n'yan sa'yo 'diba?"

"Gaya-gaya ka naman"

Mahina na lang siyang natawa saka nagulat nang magsalita muli si Ma'am Celine.

"Jankin, Kien and Neth, stay outside!"

Napatingin silang lahat sa tatlo at nakita niyang nag-alinlangan pa ang mga ito bago lumabas.

Masyado naman atang nagalit si Ma'am!

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon