Chapter 52

214 12 0
                                    

C H A P T E R  52.........

Lipatan na ulit ng upuan nila ngayon kaya nga nalulungkot sila ni Zyrina dahil magkakahiwalay na sila ng pwesto.

"Huwag kang mag-alala, Mika. Kaunti lang ang magiging pagitan natin, nararamdaman ko"

Nakangiting sabi ni Zyrina at tumango tango naman siya.

"Sana nga, kasi wala na akong mahihiraman ng color pens"

"Akala ko naman ay dahil mamimiss mo ako"

Naging malungkot ang boses nito at natawa naman siya.

"Joke lang 'yon! Syempre mamimiss kita kasi wala na akong kadaldalan"

Nag-usap pa sila hanggang sa ilabas na ni Ma'am Celine ang susunod nilang magiging seating arrangement. Nakasulat iyon sa board at ang next niyang upuan ay sa likod.

Ang ganda nga ng arrangement ng upuan nila ngayong quarter dahil naka slant ang magkabilang gilid na may dalawang columns.

Sa gitna naman ay may tatlong columns at sa pinakalikod kung saan ang bago niyang pwesto ay naka isang hanay lang.

          **  ***  **
        **    ***   **
    **        ***      **
  **          ***        **
**            ***          **
          ** ** ** **

Gan'yan ang seating arrangement nila ngayon at sinasabi pa nga na ang huling linya kung saan ang bagong pwesto niya ay linya daw ng mga matatalino. 

Kasama kasi niya sa linya na iyon sina Vince, Lei, Kylie, Dian at Preshie na talaga namang mga kapwa nag-eexcell sa academics. Kaisa-isang lalake si Vince sa hanay nila kaya naman pansin-pansin sila.

Katabi niya si Lei sa kanan habang si Preshie naman ay nasa kaliwa na siyang katabi si Gela.

Malapit lang si Zyrina sa kanya na pinagigitnaan nina JM at Brent kaya naman malapit lang din si Brent sa kanya na halos nasa unahan lang niya.

"Buti na lang at magkakatabi tayo"

"Oo nga, hindi na mahirap maghanap ng mga mapapagtanungan"

"Sa wakas! May makakatulong na rin sa math"

Nagtawanan sila habang inaayos ang gamit. Napalingon naman siya kay Brent na kanina pa palang nakatingin sa kanya.

"Bakit na naman?"

Tanong niya dito dahil talagang nakatitig lang ito sa kanya habang nakangiti.

"Galit agad?"

"Hindi naman, bakit nga?"

"Buti na lang malapit ka lang sa'kin"

Nakangiti pa rin na sabi nito at agad naman siyang pinamulahan ng pisngi. Tinabig niya ang ballpen niya para mahulog iyon at nakayukong kinuha niya iyon para maitago ang pamumula ng pisngi.

"A-ano naman ngayon?"

"Madali na para magpaturo sa'yo sa math"

Umurong ang kilig na nadarama niya dahil iyon lang naman pala ang dahilan. Umasa kasi siya na may mas malalim pang dahilan. Nakalimutan niyang si Brent nga pala ito at hindi na siya dapat umasa.

"G-ganoon ba?"

Mapakla na lang siyang tumawa para itago ang kahihiyan na nararamdaman.

"Bakit? Napapagod ka na bang magturo sa'kin?"

Malungkot ang boses nito at tila nagtatampo. Agad naman siyang umiling dito.

"Hindi ah, nag-eenjoy nga ako eh"

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon