Chapter 28

292 17 0
                                    

C H A P T E R  28............

Recollection na nila ngayon at nasa labas pa siya ng simbahan dahil inaantay pa niya si Dian. Kasama na niya dito sina Nice at Limuel na parehong maagang dumating.

Napagdesisyunan na pati kasi nilang magsabay-sabay na lang ng punta mamaya sa campus ng Senior High. Malayo-layo din iyon sa school nila pero ayos lang.

Naka p.e. uniform silang lahat ngayon dahil iyon naman talaga ang attire nila kapag may recollection.

Habang sa ibang school naman ay nakauniform kapag recollection ng mga ito.

Ayos na din iyon dahil mas madaling gumalaw kapag naka p.e. uniform sila. May mga activities din kasi na kailangan nilang maglaro. 

"Mika!"

May tumawag sa kanya at nakita niya si Jen na paparating.

"Jen, sinong kasama mo?"

"Wala nga eh pwedeng pasabay?"

Tanong nito at tumango naman siya saka tumingin sa mga taong naglalakad.

"Sige, intayin na lang natin si Dian"

"Naku! Si Dian talaga ay kahit kailan, patanghali!"

Natatawang sabi ni Jen at natawa din siya dahil kapag may activity na ganito ay patanghali rin si Dian katulad niya.

Inagahan lang talaga niya ang dating ngayon para naman may makasabay siya. Habang nag-iintay sila ay naupo muna siya sa bakanteng bench.

Nakatingin lang siya sa mga naglalakad na tao dahil baka mamaya ay si Dian na iyon.

Nakatingin lang siya sa malayo nang may kumulbit sa kanya at nagulat siya nang makita si Gino na nakangiti sa kanya.

Tiningnan siya sina Jen, Nice at Limuel na nakatingin lang din pala sa kanila ni Gino saka niya ito muling binalingan ng tingin.

"Gino, anong ginagawa mo dito?"

Tanong niya dito at naamoy naman niya ang mabangong pabango nito. Basa-basa pa ang buhok nito at may ilang hibla pa ng buhok nito na umabot sa noo nito.

Medyo gusot din ang polo ng khaki uniform nito na siyang uniform ng mga lalake sa St. Fronce at ang necktie nito na brown ay hindi pa naaayos.

Basta na lang nito iyon isinabit sa leeg ngunit kahit na ganoon ay mas lalong lumakas ang dating nito para sa kanya.

Hindi rin nakabutones ang tatlong butones ng polo nito sa taas at ang bag nito ay nakasukbit lang sa kaliwang balika. Ang isang kamay nito ay naka suksok sa bulsa ng brown na seda pants nito.

Masasabi niyang talagang pinagpala sa kagwapuhan ang lalakeng kaharap niya ngayon at nakangiti sa kanya. Kahit na anong porma ay kayang-kaya nitong dalhin na walang ka-effort effort.

"Dumaan muna ako dito bago ako pumasok. Sinabi kasi sa'kin ni Tita kahapon na recollection niyo daw ngayon"

"Oo eh"

Nagpout naman ito sa harap niya kaya napangiti siya.

"Hindi mo man lang sinabi sa'kin"

"Sorry, nakalimutan ko kasi"

Ngumiti na lang ito sa kanya saka may iniabot na brown na paper bag. Sa labas niyon ay may nakasulat na 'Enjoy your recollection!'

"Para sa'kin 'yan?"

Tanong niya habang hindi mapigilan ang kilig na nararamdaman. Feeling tuloy niya ay anytime, sasabog at mamamatay siya sa kilig.

Cause of death: Too much kalandian!

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon