"Ang bilis ng oras grabe, malapit na agad ang periodical exam! Patapos na ang first quarter, salamat naman!"
Sabi sa kanya ni Dian habang gumagawa sila ng reviewer at natawa na lang siya.
Well, masaya rin naman siya kasi patapos na ang first quarter ngunit may magsisimula na namang bagong quarter na mas mahirap.
Hindi niya alam kung ano pang mangyayari sa second quarter kasi kung sa una pa lang ay pahirapan na paano pa kaya ang next level?
"Masaya naman kasi halfday tayo ng tatlong araw!"
Sabi naman niya kasi ang exam days nila ay tatlong araw at half day lang iyon.
Sa umaga ay tatlong subjects ang itetake nila at ang hapon naman ay nakalaan para sa checking ng papers nila.
"Hi again, Mika! Ang sipag natin ngayon ah?"
Nakita niya si Zyrina na umupo sa tabi niya at tiningnan ang ginagawa nya.
"Hindi naman talaga ako mahilig gumawa ng reviewer pero ito kasing si Dian, wala daw kasama gumawa"
"Sa bahay kasi ako gumagawa niyan eh"
Nakita nilang pumasok sa pinto ng room si Brent at agad itong lumapit kay Zyrina.
"Insan, patulong naman oh. Pwede ba?"
Nagpacute pa ito sa harap ni Zyrina habang hawak ang isang blank sheet. Umiling-iling na lang si Zyrina saka kinuha ang papel kay Brent.
"This will be the last, couz. You'll do your projects your own next time"
"Thanks, insan!"
Spoiled brat!
Lumabas na ito ng classroom at napatingin naman siya kay Zyrina.
"Masyado mo naman atang kinokonsinte ang pinsan mo?"
"Marami 'yong problema sa buhay and this is the least I could do as his cousin"
Umiling-iling siya saka sumandal sa likod ng arm chair na inuupuan niya.
"Maraming problema? Nasaan? Kung may tao nga ata akong kilala na wala man lang ni isang problema ay isya 'yon! Lagi siyang nakangiti at tumatawa, how can you say na may problem siyang dinadala?"
"You don't know him yet"
Bumuntong hininga siya saka kumibit balikat.
"Maybe, pero 'yong pamilya ba niya? Inispoiled siguro siya kaya kahit dito sa school ay ganyan ang ugali"
Sa halip na sumagot ay ngumiti lang ito sa kanya saka nagpaalam na para umalis.
Kunot noo naman silang nagkatinginan ni Dian dahil sa hindi maintindihang iniasal ni Zyrina.
May mali ba akong sinabi?
"Baka ayaw niyang pag-usapan 'yon"
Sabi ni Dian at tumango-tango na lang siya saka nila ipinagpatuloy ang paggawa ng reviewer.
Gabi na ng matapos sila at dahil nagpaalam naman siya kanina sa service niya na hindi siya sasabay ay hindi na siya nito inantay.
"Ginabi na tayo!"
Natawa na lang siya saka umiling-iling dahil ito naman ang may pakana.
"Reklamo pa, Dian! Sino kaya ang nag-aya?"
"Ang dami mo kasing dada kanina!"
"Ako pa talaga?"
Tumango ito at natawa na lang siya saka sila naglakad. Sasakay na lang siya ng bus kaya naglalakad sila papunta sa terminal.
BINABASA MO ANG
I Hate You, Moody Monster
Teen FictionBehind his oh-so handsome face, there's a monster with a stoned-heart hiding... But behind his stoned-heart, there's a kindness hiding.