Chapter 63

261 13 0
                                    

C H A P T E R  63.............

"May misa na naman tayo"

Naiiling-iling na sabi ni Dian at natawa naman siya.

"Buti nga, wala tayong math subject at kalhati ng english time dahil sa misa"

"Oo nga pala 'no?"

"Kaya be thankful na lang"

Natawa ito saka may sasabihin pa sana nang dumating na si Ma'am Celine sa classroom nila at sinabing hindi daw sila magdadala ng monoblock chairs ngayon kaya naman masayang-masaya silang lahat.

Pinapila na lang sila sa labas ng alternate. Napalayo tuloy sa kanya si Dian at ang naging pwesto niya ay nasa gitna siya nina Ace at Limuel.

"Hi, Mika!"

Bati sa kanya ni Ace at nginitian naman niya ito.

"Hi, Ace"

"Hindi ka na katulad ng dati"

Malungkot na sabi nito at napakunot naman ang noo niya dito.

"Anong 'di na ako katulad ng dati? Bakit? Ano ba ako dati?"

"Hindi ka na masayahin katulad ng dati"

Sabi nito at agad naman niya itong nginitian.

"Masaya pa rin naman ako ah?"

"Pero 'di tulad ng dati"

"Hayaan mo na. Uy, naglalakad na oh"

Turo niya at naglakad na sila papasok sa simbahan. Buti naman at nakatakas siya sa topic nila ngunit baka mamaya ay itanong ulit nito iyon. Iisa pa rin naman ang dahilan ng pagkalungkot niya.

Hindi pa rin ako pinapansin ni Brent...

Pagdating nila sa loob ng simbahan ay umupo na sila ngunit dahil makulit si Limuel ay tumabi pa rin ito kay Ace kahit na kailangang naka-alternate ang pwesto nila.

Lumipat din ang iba niyang mga kaklase kaya nagulo na ang pwesto nila at natagpuan na lang niya ang sariling katabi na si Brent. Tila estatwa lang siya habang naka upo sa tabi nito.

Hindi siya makagalaw dahil tuwing gagalaw siya ay nagtatama ang mga braso nila at para siyang kinukuryente. Tahimik lang ito at gayundin naman siya.

Hindi na niya naintindihan ang pwesto nila dahil ang nasa kaliwa niya ay isang lalake na grade 10 student at sa kanan naman niya ay si Brent.

Mukhang magkakilala ang dalawa dahil nag-uusap ang mga ito. Ang awkward naman non para sa kanya dahil nasa gitna siya ng dalawang nag-uusap at wala pa siyang kaalam-alam sa pinag uusapan ng dalawa.

"Hindi ka ba mag-aassist?"

Tanong ng kausap ni Brent na lalake dito at kita naman niya sa peripheral vision niya na kumibit balikat ito.

"Ewan ko pero baka tawagin ako kung kulang sila"

"Sige"

Matagal bago nagsimula ang misa at ang dami na agad na kung ano-anong senaryong pumapasok sa isip niya.

Paano kapag kakanta na ng 'Ama Namin'? Hahawakan ko ba 'yong kamay niya?

Paano kapag 'Peace be with you' na? Kakausapin na kaya niya ako or ngingitian man lang?

Paano kapag inantok siya? Hihilig ba siya sa balikat ko?

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon