Chapter 29

282 15 0
                                    

C H A P T E R  29.........

"Ikaw?!"

Gulat na tanong niya kay Brent nang makita niya ito sa likodan niya.

"Oo, ako"

"Bakit ikaw?"

"Bakit hindi ako?"

Pambabara pa nito sa kanya kaya hindi na niya ito pinansin at humarap na lang siya sa unahan.

Nagpalit naman sila ng pwesto kaya ito naman ang jeep. Iniabot nito sa kanya ang panyo at hindi naman niya alam ang gagawin niya.

"Anong gagawin ko dito?"

"Tikman mo baka masarap 'yong tela"

"Brent, ano ka ba?!"

Nagsisimula na siyang mainis dito dahil hindi na niya nagugustuhan ang pambabara dito.

"Tao!"

"Nakakainis..."

Bulong niya sa sarili at inagaw naman nito sa kanya ang panyo saka iniharap sa kanya.

"Ikaw ang maglagay ng piring sa'kin"

Sabi nito saka inilagay sa palad niya ang panyo. Naiinis siyang nagpunta sa likod nito at ipiniring ang panyo sa mga mata nito.

Hinigpitan niya talaga ang pagkakatali para naman maramdaman nito ang inis na nararamdaman niya para dito.

"Ang luwag mo naman magtali"

Sabi nito matapos siyang magtali at binelatan naman niya ito dahil hindi naman siya nito makikita tutal ay nakapiring na ang mga mata nito.

Ipinakita pa niya ang kamao niya dito saka kunwaring susuntukin niya ito. Nagagawa niya ito ngayon dahil hindi siya nito nakikita ngayon.

Nagsalita na muli si Sir Mel at umaasa siya na magrorotate muli ang pwesto nila para naman hindi na si Brent ang kontrolin niya ngunit nabigo siya.

Nagsimula na muli ang laro at inis na inilagay niya ang mga kamay niya sa magkabilang balikat nito.

"Umayos ka"

Sabi niya kay Brent at nakinig naman niya ang mahina nitong pagtawa.

"Ikaw ang driver 'diba?"

Nagsimula na niya itong kontrolin at pinipisil niya talaga ang balikat nito dahil inis na inis siya.

"Huwag mo naman akong tsansingan"

Sabi nito at sinipa naman niya ang alak-alakan nito.

"Huwag kang maingay"

Sa halip na dumaan sa mas madaling daan ay pinili niya na dumaan sa mahirap at malayo na paikot-ikot para malito ito at mapagod.

"Malayo pa ba?"

"Nagrereklamo ka?"

Pabarang tanong niya dito at napangisi naman siya nang manahimik ito.

Nakarating sila sa dulo ngunit hindi niya pa inalis ang piring nito.

"Mika, baka naman gusto mong tanggalin na ang piring ko"

"Wala pa tayo sa dulo traffic kasi"

Pagdadahilan niya at nanahimik muli ito. Nang mapansin nitong sobrang tagal na ay ito na ang nagtanggal ng piring nito saka humarap sa kanya.

"Bakit hindi mo sinabi na nandito na tayo?"

"Maalam ka pa sa'kin"

Hindi na niya ito pinansin at ramdam naman niya ang mga titig nito sa kanya.

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon