Chapter 49

239 9 0
                                    

C H A P T E R  49...........

Tapos na ang Christmas Break nila kaya naman back to reality na naman sila. Lambot na lambot diya habang umaakyat sa hagdan patungo sa classroom nila.

Inaantok pa nga siya nang tuluyang pumasok siya sa loob ng classroom nila. Sobrang aga kasi na dumating ng service niya kanina.

Nakalimutan din niyang bumili ng ballpen kanina na gagamitin dahil tamad na tamad talaga siya ngayong araw.

"Mika!"

Napalingon siya kay Zyrina na kararating lang. Late na naman ito ngunit wala pa naman silang teacher para sa first subject kaya maswerte ito.

"Late ka na naman"

Natatawang sabi niya dito at tumawa din ito.

"May bago ba doon?"

"Wala nga naman pero namiss kita!"

Nakangiting sabi niya at malawak din itong ngumiti sa kanya.

"By the way, I have something for you!"

"Ano 'yon?"

Umupo ito sa upuan nito saka may kinuha sa bag nito na isang violet na pinaresan ng white at black na bracelet.

Yari iyon sa malambot na tali na pinagbuhol-buhol at nakalikha ng napakagandang pattern. Binigyan din siya nito ng keychain.

"For you!"

Nakangiting tinanggap niya ang bracelet at keychain na bigay nito.

"Thank you, Zyrina!"

Tiningnan niya ang keychain na may nakasulat na 'I love Baguio' saka kunot noo na tumingin siya dito.

"Galing ka sa Baguio?"

"Yup, parang second home na din kasi namin ang Baguio kaya tuwing bakasyon ay lagi kaming pumupunta doon"

Paliwanag nito at tumango-tango naman siya saka isinabit ang keychain sa zipper ng bag niya at isinuot din niya ang bracelet.

"Thank you ulit"

Nakangiting sabi niya at tumango naman ito saka namigay pa ng keychains at bracelets sa iba pa nitong mga kaibigan sa klase nila.

"Insan, baka naman makalimutan mo pa ako"

Kinig niyang sabi ni Brent dito at hindi niya maipagkakaila na namiss niya ito lalo na ang boses, amoy at mga ngiti nito.

Dapat ay matutulog muna siya habang inaantay ang subject teacher nila ngunit bigla siyang nagising nang makinig ang boses nito.

Hindi niya napigilan ang mapangiti habang nakikinig sa usapan ng dalawang magpinsan.

"Ikaw pa ba insan? Syempre, mayroon ka din"

Kinig niya ang mahinang pagtawa ni Brent at sinilip niya mula sa pagkaka-subsob niya sa table ng armchair niya ang keychain at bracelet nito na biga rin ni Zyrina.

Pare-pareho naman ang kulay ng mga keychains nila at ang bracelet nito ay blue na sinamahan ng white at black.

"Sa susunod ay pasama naman ako sa Baguio"

"Sige ba!"

Natatawang sagot ni Zyrina at nakita naman niyang isinuot ni Brent ang bracelet. Bagay sa maputing kulay ng kutis nito ang pagkalightblue na kulay ng bracelet.

"Salamat dito ha?"

"Red sana 'yang bracelet mo kaya lang ay wala akong makita"

"Ayos lang 'yon, kaganda nga eh"

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon