Chapter 46

233 9 0
                                    

C H A P T E R  46..........

"Pious, makikipasa na ng slogan niyo kay Preshie! Hanggang mamayang hapon na lang 'yon!"

Announce ni Dhaine sa kanila habang busy ang buong klase. Katatapos lang nila magpasa ng project sa filipino noong isang linggo ngunit heto na naman at may panibagong project ulit sila.

Kailangan nilang gumawa ng slogan para sa school nila at kailangan ay 15 words ang maximum at 5 words ang minimum.

Kakaunti din ang ibinigay sa kanilang oras para gawain iyon kaya nga heto sila at hinahabol ang oras. Hindi lang din naman kasi iyon ang project na kailangan nilang ipasa ngayong araw.

"Mika, tapos ka na sa slogan mo?"

Biglang tanong sa kanya ni Brent sa kalagitnaan ng pag iisip niya ng slogan para kay Kien. Nagpatulong kasi ito para sa slogan nito ngunit ang lumabas ay siya lang naman pala ang iisip.

Ayos lang sa kanya iyon dahil nasanay na rin sya kay Kien. Para saan pa na naging kababata niya ito. Kaya din hindi niya ito magawang tanggihan ay dahil baka mamaya ay isumbong siya nito sa nanay nito.

Inaasahan pa naman siya ng nanay nito na tutulungan niya ito dito sa school. Nasa abroad kasi ang nanay nito. Masaya siya dahil buti nga at nasa isip nito ang magpasa pa ng mga projects.

"Oo, tapos na ako"

"Kanino pa 'yang ginagawa mo kung tapos ka na?"

Tanong pa nito sa kanya saka binasa ang sinulat niyang slogan sa notebook niya. Puro scratch pa lang iyon at wala pa siya talagang matinong nabubuo.

"Kay Kien"

"Bakit mo siya iginagawa? Dapat ay matuto siyang gumawa ng kanya"

"Hayaan mo na, minsan lang naman magrequest 'yon sa'kin at wala namang mawawala kung gagawin ko ito, 'diba?"

Sagot niya at narinig naman niya ang buntong hininga nito saka umupo sa tabi niya.

Wala naman si Zyrina sa upuan nito ngayon dahil nakalupagi ito sa sahig at doon ginagawa ang slogan nito. Mas malaki daw kasi ang space sa sahig kaysa sa desk ng armchair nito.

"Baka mamaya ay ikaw na ang gumawa n'yang lahat ha?"

Natawa na lang siya saka umiling-iling. Matino pa naman siya para gawain ang buong project ni Kien.

"Ikaw ba? Nasaan ang project mo? Busy ang lahat tapos ikaw ay pauli-uli lang d'yan"

Ito naman ang natawa saka ginulo ang buhok niya.

"Natapos ko na ang akin kagabi pa, syempre mabait na bata ata ito!"

Mayabang na sabi nito at natatawang tumango-tango siya. Mabuti naman at tapos na nitong gawain ang project nito.

"Nag-iimprove ka ngayon ah?"

"Gusto ko kasing mapasama sa honor students ngayon o kahit sa achievers man lang"

Sabi nito saka tinaas-taas pa ang kilay at naniniwala naman siyang kayang-kaya nitong gawain iyon.

Siguro ay kaunting tyaga pa para sa honors dahil kailangan nito ng average of 90 and above para mapasama sa honor students. Sa achievers naman ay kailangan na ang average ay 85 to 89 para mapasama doon.

"Bakit naman ngayon mo lang sinipagan? Pwede naman na noong simula pa lang ay sinipagan mo na agad"

"Wala naman kasing naniniwala sa'kin noong una. Na kahit sipagan ko ay hindi ako mapapasama sa ganyan-ganyan pero ngayon ay narealized ko na pwede pa naman pala kasi hindi pa huli ang lahat"

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon