Page 3

1.1K 31 1
                                    

Orientation na ngayon kasama ang mga subject teachers nila at ang una nilang subject ay science.

"Good morning, Grade nine Pious. Kilala niyo na naman siguro ako 'diba?"

"Yes, sir! Kayo pa!"

Sagot ni Jankin. Kilala na nila ito kasi sino ba naman ang hindi makakakilala sa deciplinarian teacher na siyang in-charge sa detention room.

Strict ito lalo na kapag hindi disiplinado ang estudyante at kapag hindi ka nagtino ay mabibigyan ka ng Disiplinary Form or DF.

Hindi mo gugustuhing mabigyan n'yan kasi kasama 'yon sa record mo sa school. Talagang kinatatakutan ito sa buong St. James.

"Nakakatakot ba ako?"

Tanong nito at humindi naman sila pero alam niyang natatakot na ang iba niyang mga kaklase. Tumawa naman ito kaya napakunot ang noo niya.

"Huwag kayong matakot sakin. Magkakasama tayo buong taon tapos matatakot kayo sa'kin? 'Wag kayong mag-alala hindi ko kayo bibigyan ng DF as long as mababait kayo and I am your dearly kapitbahay"

Nagtawanan naman sila dahil katabing-katabi nga ng detention room ang classroom nila na siyang nagbigay naman ng takot sa kanila dahil isang ingay lang nila ay kinig agad sa detention room.

"Ala, hindi tayo makakapag-ingay"

Bulong sa kanya ni Jankin at tumango naman siya.

"Pero hindi naman ata siya lagi nand'yan eh"

"Sana nga"

"May transferees ba tayo?"

Tanong ni Sir at sumagot naman ang ilan niyang mga kaklase.

"Yes, sir! Dalawa po"

"Kailangan ko talaga magpakilala. My name is Jerry Arthur Diosdado but you can call me Sir Arthur. Kapatid ko ang ating principal na si Ms. Mina Pilar"

Tumaas ng kamay si Kien at tinawag naman ito ni sir Arthur.

"Sir, bakit po magkaiba kayo ng surname ni Ma'am Mina kung magkapatid kayo?"

"Malamang may asawa na si Ma'am Mina kaya ganoon. Ang bobo-bobo mo talaga! Dapat hindi na lang kita pinsan eh!"

Si Jankin ang sumagot at tumingin naman si Sir Arthur dito ng masama.

Uh-oh death stare alert!

"Jankin! Gusto mong mabigyan ng DF?"

"No, sir but I want GF"

Nagtawanan na lang sila at nakitawa naman si Sir.

"You got me there, young man"

"Natawa din naman pala si Sir eh"

Bulong na naman sa kanya ni Jankin at mahina siyang natawa.

"At ikaw pa talaga ang nagpatawa"

"May napansin lang ako sa classroom niyo. Bakit masyadong makalat? Ang bintana, nakasara kaya naman pala mabanas at 'yang mga upuan niyo ay pakiayos naman. Ayoko ng madumi! Ayoko ng makalat! Ayoko ng putik!"

Nagtawanan na naman sila dahil ginaya ni Sir ang linya ng isang palabas na hindi niya matandaan kung ano ang pamagat.

"Pakipulot naman ng mga kalat"

Nagpulot sila ng mga kalat sa sahig at nang matapos ay umayos na sila ng upo.

"May blank paper ako dito at gagawa kayo ng front page"

"Na naman?!"

Tanong ni Jankin at nagtawanan muli silang lahat. Walang kamatayan ang pag-gawa ng front page. Ginagamit nila ang front page para ilagay sa portfolios nila.

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon