Chapter 36

275 12 0
                                    

C H A P T E R  36.....

May activity sila ngayon na kung tawagin ay Mid-Year Party. Nasa kalagitnaan na kasi sila ng school year at pagkatapos ng araw na ito ay sembreak na talaga nila.

Makakahinga na din sila ng maluwag dahil matapos ang nakakabobo nilang periodical exam ay sa wakas at sembreak na.

"Kanino namang banner 'yan?"

Tanong niya kay Gela nang makitang may hawak itong itim na kartolina na nagmumukhang banner.

Kapapasok lang niya sa classroom dahil galing pa siya sa baba at pinuntahan niya ang dalawang kaibigan na sina Dawn at Janna sa classroom ng mga ito para makipagkwentuhan.

"Ginawa ito ni Zyrina para kay Brent. Hindi daw kasi siya makakapasok ngayon para makita si Brent"

"Bakit naman daw may ganyan pa?"

"Kakanta kasi sina Brent at Yakisu mamaya"

Nakangiting sabi ni Gela habang hawak ang banner na parang excited na excited. Naalala niyang parte nga pala sina Brent at Yakisu ng music club.

Balita kasi niya ay may inihanda ngang intermission number ang music club mamaya ngunit hindi naman niya alam na kasali pala sa intermission number na iyon sina Brent at Yakisu.

Bakit kaya hindi iginawa ni Zyrina si Yakisu?

"Ang supportive talaga ni Zyrina kay Brent"

Nasabi niya kay Dian at tumango-tango naman ito.

"Magpinsan eh"

"Sana lahat may pinsan na ganoon"

"Sana nga"

Nagpunta muna siya sa upuan niya at nakita niya doon si Brent na tumutugtog ng gitara.

"Kakanta pala kayo mamaya ni Yakisu?"

"Oo, medyo kabado nga eh"

Mahina siyang natawa saka umupo sa upuan niya.

"First time mo na kumanta sa stage?"

"Oo"

"Anong kakantahin niyo?"

Tanong pa niya dito ngunit ito ay ngumiti lang sa kanya.

"Secret, malalaman mo din naman mamaya"

"Ang daya pero sige, galingan mo ha? May pabanner pa naman si Zyrina para sa'yo"

"Oo nga eh ang sweet talaga ng pinsan ko na 'yon"

Napangiti na lang siya saka pinanood ito habang tumutugtog ng gitara. Katulad ng lagi nitong tinutugtog ay 'Say You Won't Let Go' ang tinutugtog nito ngayon.

"Paboritong-paborito mo 'yang kanta na 'yan 'no?"

"Oo, ang ganda kasi ng lyrics"

Tumango-tango siya saka pinakinggan ito habang tumutugtog. Napangiti naman siya nang magsimula itong kumanta. Tuwing tumutugtog ito ng gitara ay mas lalo niya itong nagugustuhan.

Nagugustuhan???

Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang bagay na iyon. Simula ng mas lalo silang napalapit ni Brent sa isa't isa ay nagsimula na rin siyang maramdaman ang bagay na iyon.

Ibang-iba na kasi talaga si Brent sa dating Brent na una niyang nakikilala at nakasalamuha. Iyong dating Brent na walang pakielam sa kahit na kanino at ang tanging alam lang ay kalokohan.

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon