Chapter 38

264 10 2
                                    

C H A P T E R  38.........

"Buti na lang pareho tayong odd number!"

Tuwang-tuwa na sabi ni Dian sa kanya at ganoon din naman siya. Hinati kasi ang klase nila sa dalawang bahagi.

Inihiwalay ang mga estudyante na even number ang student number sa kanilang mga estudyante na odd number ang student number.

Ginawa ata iyon para siguro kaunti lang ang estudyante sa isang station at para ata mas mabilis na matapos.

Wala silang kaide-ideya kung anong mga mangyayari ngayon ngunit kanina sa oval ay parang may maze doon. Hindi niya tuloy maiwasan ang ma-excite.

"Pious, pumila na kayo sa labas pupunta na tayo sa first station natin"

Sabi sa kanila ni Dhaine habang hawak nito ang DSLR camera nito para picturan sila sa bawat activities. Even number ito kaya nakahiwalay ito sa kanila. Si Ace tuloy ang taga picture sa kanilang mga odd number ang student number.

Pumila na sila sa corridor saka sabay-sabay na pumunta sa station one: Eco Room.

Si Ma'am Celine ang nandoon at binigyan sila nito ng kalhating papel at isang crayon na sila ang pipili ng kulay na gusto nila. Pinili niya ang violet syempre.

"Violet 'yan ah"

Sabi sa kanya ni Gela at nginitian naman niya ito.

"Fave!"

"Mas maganda pa rin ang green!"

Sabi nito saka ipinakita sa kanya ang crayon na kulay green. Natawa na lang siya saka tumango. Kung siya ay adik na adik sa violet, ito naman ay sa green.

May ipinanood sa kanilang maikling video about sa dagat saka sila pinagdrawing sa papel na hawak nila. Iginuhit nila ang bagay na gusto daw nilang maging kung magiging parte man sila ng ecosystem.

"Anong pipiliin mo, Mika?"

Tanong sa kanya ni Dian at kumibit balikat naman siya.

"Hindi ko alam pero baka halaman na lang"

"Hindi ko alam kung ano 'yong akin"

Tila problemadong-problemado na sabi nito at mahina na lang siyang natawa.

"Kahit ano na lang"

Nagdrawing na sila ni Dian at matapos magdrawing ay luminga-linga muna siya.

Lumingon siya sa katabi niya at nagulat siya nang makita si Brent. Hindi niya namalayang ito na pala ang katabi niya kanina pa. Busy kasi siya sa pakikipagkwentuhan kay Dian.

Matagal niya itong tinitigan habang nagdodrawing ito. Nakasuot ito ng lab coat dahil ito nga ang napili nila kahapon na scientist na magrerepresent ng section nila.

Hindi niya talaga maiwasang mamangha sa angking kagwapuhan nito. Napangiti siya lalo nang makitang hawak nito ang crayon na gamit niya kanina.

Nang mapatingin ito sa kanya ay agad itong ngumiti na nagpatalbog naman ng puso niya. Hindi niya alam ang gagawin kaya naman napangiti na lang din siya dito.

Umaapaw sa kilig ang puso niya kahit wala pa man itong ginagawa. Ngiti pa lang nito ay talagang ikakamatay na agad ng puso niya.

Heart, please be good to me......

"Salamat"

Sabi nito saka iniabot sa kanya ang violet na krayola. Nakangiti naman niya iyong tinanggap.

"Hiniram mo pala"

"Bakit? Bawal ba? Hindi naman 'yan sa'yo ah? Hiram mo lang din 'yan kay Ma'am Celine"

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon