Chapter 53

218 12 0
                                    

C H A P T E R  53............

"Brent!"

Inis na tawag niya dito nang agawin nito ang jacket niya. Parang kahapon lang ay may ilangan sila ngunit ngayon naman ay nangungulit na naman ito.

Maayos na ang lagay niya ngayon dahil napa-inom na siya ng mommy niya kagabi ng gamot.

Ngunit kanina pang walang tigil ang ulan na sinabayan pa ng malakas na hangin kaya naman lamig na lamig siya.

Pahirapan nga siyang gumising kaninang umaga dahil ayaw pa talaga niyang umalis sa pagkakahiga habang balot na balot ng makapal na kumot dahil sa sobrang lamig.

"Pahiram lang ako!"

"May jacket ka naman na iyo kaya akin na 'yan, nilalamig kaya ako!"

"Ako ba? Hindi?"

Pambabara pa nito sa kanya saka sinuot ang jacket niya habang suot pa rin ang sariling jacket nito.

Pambihira talaga!

"Bahala ka na nga d'yan!"

Bumalik na siya sa upuan niya at itinigil na ang panghahabol kay Brent para makuha ang jacket niya dahil mukha namang wala itong balak na ibigay iyon sa kanya.

Nilalamig talaga siya at ang buong klase kaya nga sinaraduhan na nila ang pinto at mga bintana para hindi na makapasok pa ang malamig na hangin sa loob ng classroom nila.

"Sana ay walang pasok mamaya"

Sabi ni Preshie nang maabutan niyang nagkukwentuhana ng dalawa nina Lei.

"Mika, ano? Nakuha mo 'yong jacket mo?"

"Hindi nga, ang laki kasi ng sapak non sa ulo"

Naiinis na sabi niya habang nakatingin kay Brent na nakikipag-asaran kina Yakisu habang suot pa rin nito ang jacket niya.

"Kwentuhan na lang tayo, mukhang mamaya pa ang dating ni Sir Arthur"

Sabi ni Preshie at nagsimula namang magkuwento si Lei ng tungkol sa pamilya at buhay nito.

"Nagalit pa nga noon si mama sa teacher ko kasi lahat na ata ng quiz bee at spelling bee ay naipanalo ko kaya lang ay hindi naman ako naging valedictorian. Sobrang galit noon si mama na halos ilipat na niya ako ng ibang school"

Natatawang kwento ni Lei sa kanila ni Preshie kaya natawa rin naman sila.

"Bakit ganoon?"

"Mas mayaman kasi 'yong naging valedictorian kaysa sa'kin kaya ayon, alam niyo na"

Sabi pa nito na parang wala lang ang nangyari dito.

Like wtf?! That's unfair!

"Bakit kayo pumayag? Kailangan ba kapag mayaman ka ay ikaw agad 'yong ilalagay sa first honor kahit 'di mo naman talaga deserve? Anong klaseng school at mga teachers 'yon? Bakit nila pinayagan na mangyari 'yong ganoon?"

Hindi niya mapigilan ang inis dahil kahit hindi pa man siya nakakaranas ng ganoon ay alam niyang sobrang lungkot non at nakaka-disappoint.

Ginawa mo naman ang lahat pero dahil lang sa may mas nakaka-angat sa'yo sa usapang pera ay hindi mo makukuha ang dapat ay sa'yo?

"Hayaan niyo na, nakalipas na 'yon"

"Pero hindi pa rin naman at tama. Paano 'yon tinanggap ng mama at papa mo?"

"Hindi pa nila natatanggap pero sinabi ko sa kanila na ganoon na talaga siguro ang buhay ngayon. Pati highest honor ay kaya ng bilihin ng pera"

Nakangiti ngunit halata ang lungkot sa boses nito.

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon