Chapter 32

275 15 0
                                    

C H A P T E R  32.......

"Palit muna kayo ni Brent, Elwyn"

Sabi ni Airie kay Elwyn at tinaasan naman ito ng kilay ni Elwyn.

"Bakit? Nagsasawa ka na sa kagwapuhan ko?"

"Hindi ka gwapo pero nakakasawa ka lang talaga"

Napaungot naman si Elwyn sa sinabi ni Airie at natatawa namang tumayo si Brent saka kinuha ang bag sa upuan nito.

"Palit na nga muna tayo, Elwyn. Ang gusto kasing katabi ni Airie ay 'yong totoong gwapo"

Tumayo na lang din si Elwyn saka umupo sa tabi niya. Si Brent naman ay umupo sa tabi ni Airie.

"Nakakamiss ka palang katabi, Elwyn"

Sabi niya kay Elwyn dahil huli niya itong nakatabi sa seating arrangement ay noong grade seven pa lang sila.

"Buti pa ikaw, namimiss ako pero si Airie ay mukhang ayaw talaga sa'kin"

Kunwaring bulong pa nito sa kanya ngunit mukhang sinadya nitong ipakinig iyon kay Airie.

"Umayos ka nga, Elwyn!"

"Ano pa bang problema mo? Pinalayas mo na nga ako d'yan! Ipinagpalit mo na nga ako kay Brent tapos inaaway mo pa rin ako!"

Nagrereklamong hinarap ni Elwyn si Airie ngunit mahahalata sa boses nito ang pagbibiro.

"Bahala ka nga d'yan!"

Muling humarap sa kanya si Elwyn saka palihim na umirap. Pinigil naman niya ang matawa para hindi na mapansin nito.

"Ang sakit ng ulo ko"

Maya-maya ay sabi ni Elwyn saka sumandal sa kinauupuan nito. Napatingin naman siya dito habang hinihilot-hilot nito ang gilid ng ulo nito.

Nagsusulat lang sila ngayon at talagang nakakatamad iyon dahil sobrang haba ng ipinapasulat sa kanila.

"Samahan ka namin sa clinic, Elwyn"

Sabi ni Brent at natatawang tiningnan ito ni Elwyn.

"Sige, support ang buong Pious"

"Kung magkakasya sa clinic ay bakit hindi"

Sabi naman niya saka ipinagpatuloy ang pagsusulat.

"Joke ba 'yon?"

Nang-iinis na tanong ni Brent at kumibit balikat na lang siya. Nakakainis talaga ito ngayon dahil lahat na lang ng sabihin niya ay binabara o kinokontra nito.

"Elwyn, kumusta na nga pala kayo ni Drick?"

Tanong niya dito dahil napansin niyang bihira na kung magkasama ang dalawa. Noon kasing grade seven pa lang sila ay palaging magkasama ang dalawa. Magbestfriend ang mga ito at isa siya sa mga saksi kung gaano kasolid ang samahan ng dalawa.

"Ayos naman kaya lang ay bihira na kami magkasabay"

"Bakit?"

"May bago na siyang mga kasama eh pero may bago na rin naman akong mga kasama"

Masama naman niya itong tiningnan dahil kung magsalita ito ay parang wala na itong pakielam pa kay Drick. Parang dati lang ay hindi ito pumapayag na magkahiwalay ito at si Drick.

"Ang sama mo naman! Ang bait kaya ni Drick at alam ko na kahit may bago na siyang mga kaibigan ay mas masaya pa rin 'yon kapag ikaw ang kasama niya"

"Alam ko naman 'yon pero hayaan mo na 'yon! Basta masaya siya ngayon at masaya rin ako"

"May gusto pa rin ba si Ezyl kay Drick hanggang ngayon?"

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon