C H A P T E R 33..........
"Joke ba 'yon? Joke ba 'yon?"
Nambabara na tanong ni Brent sa kanya matapos niyang magjoke dito. Kanina pa siya naiinis dito dahil lahat na lang talaga ng joke niya ay binabara nito.
Samantalang siya naman ay tumatawa pa sa mga jokes nito. Hindi pa rin nagpapalit ito at si Elwyn ng upuan kaya naman si Elwyn pa rin ang katabi niya hanggang ngayon.
Nakakamiss pala si Brent!
"Huwag ka ngang epal d'yan!"
Sabi niya sabay pukpok sa braso nito ng plastic bottle na walang lamang tubig at kanina pa niya nilalaro.
"Ang corny naman kasi talaga!"
"Tumawa ka na lang kasi! Buti nga ako, tinatawanan ko 'yang mga jokes mo"
"Sinabi ko bang tawanan mo?"
Tanong nito sa kanya at tiningnan na lang niya ito ng masama.
"Sinabi ko bang barahin mo ang mga jokes ko?"
"Kabara-bara naman talaga at joke ba talaga ang tawag doon?"
Pinanliitan muna niya ito ng mga mata saka ito tinalikuran dahil wala siyang oras sa pakikipag bangayan dito.
"Mika, mukhang pikon ka na ah"
Natatawang sabi ni Elwyn sa kanya at ito naman ang tiningnan niya ng masama.
"Bakit ba ang hilig niyong mang-inis?"
"Hindi naman kasi talaga nakakatawa ang joke mo"
Bulong nito sa kanya at narinig naman niya ang malakas na pagtawa ni Brent. Hindi na lang niya ito pinansin at umakto siya na parang wala na lang narinig.
"Pinipigilan niyo lang naman ang matawa"
"Sana nga"
Umiling-iling na lang siya saka umub-ob sa desk ng arm chair niya dahil wala naman silang ginagawa ngayong oras na ito.
Matutulog na sana siya nang maramdaman niyang may sumusundot sa tenga niya at nakikiliti siya dahil doon.
Agad siyang tumunghay para makita kung sino iyon at nakita niya si Brent sa tabi niya na may hawak na isang hibla ng walis tambo.
"Brent!"
Saway niya dito saka inagaw ang hawak nitong hibla ng walis tambo. Natawa naman ito saka ginulo ang buhok niya.
"Ang cute mo!"
"Wala ka na namang magawang matino!"
Naiinis na sabi niya dito ngunit ito ay ngumiti lang sa kanya na para bang wala lang.
"Namimiss mo na akong katabi uli ano?"
"At talagang umaasa ka na mamimiss kita?"
Well, miss na talaga kita.....
"Huwag mo ng itago, alam ko naman na miss na miss mo na ako"
Sabi pa nito at pinisil ang pisngi niya kaya naman dahil doon ay kailangan niyang pigilin ang ngiti niya.
Hindi niya alam kung bakit pero nitong mga nakaraang araw ay may epekto sa kanya ang lahat ng ginagawa nito.
Hindi naman niya maintindihan kung bakit ganoon kaya ipinagsasawalang bahala na lang niya kaysa isipin pa iyon ng isipin.
"Kahit 'wag ka ng bumalik ay ayos na akong katabi si Elwyn"
Bumalik ka na, please!
BINABASA MO ANG
I Hate You, Moody Monster
Teen FictionBehind his oh-so handsome face, there's a monster with a stoned-heart hiding... But behind his stoned-heart, there's a kindness hiding.