Chapter 37

242 13 0
                                    

C H A P T E R  37.............

Pasukan na ulit pagkatapos ng sembreaknila. Parang hindi man lang niya naramdaman ang isang linggo na sembreak nila dahil tila sabado at linggo lang din ang lumipas.

Ngunit kahit na ganoon ay namiss pa rin niya ang mga kaklase niya lalo na ang mga kaibigan niya na isang linggo nga niyang hindi nakita at nakasama.

"Ilang oras na lang ay magkakahiwa-hiwalay na tayo"

Madamdaming sabi ni Brent habang malungkot na nakatingin sa kanya.

Nagsembreak lang, nagdrama na agad?

"Bakit naman?"

"Kasi mamayang computer time ni Ma'am Celine ay maglilipatan na ulit tayo ng upuan. Pero mas maayos na din siguro 'yon, nakakasawa ka ng katabi eh!"

Natatawang sabi nito at tiningnan naman niya ito ng masama. Parang kanina lang ay hindi ito malungkot dahil magkakahiwalay na silang dalawa ng pwesto.

"First day na first day ay mambubwiset ka na naman agad!"

"Joke lang pero baka mamiss mo ako ha?"

"Asa ka naman!"

Natawa itong muli saka ginulo ang buhok niya.

"Huwag kang mag-alala, sinabi ko na kay ma'am na 'wag kang ilayo ng pwesto sa'kin"

Nakangiting sabi nito sa kanya at napangiti rin naman siya dahil doon. Alam niyang walang katotohanan iyon pero hindi pa rin niya mapigilan ang mapangiti.

Pwede rin namang makamiss.....

"Nakakainis ka"

Wala sa sariling sabi niya dito at natawa naman ito.

"Bakit?"

"Hindi ko alam, basta!"

Natawa na lang ito at nang dumating na ang computer time nila na si Ma'am Celine na nga ang teacher nila ay ramdam na ang saya ng bawat isa dahil panibagong pwesto, panibagong kadaldalan na naman.

Habang siya ay hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman. Kung magiging masaya ba siya ngayon o hindi.

May parte sa kanya na gusto nang maka-experience na magkaroon ng bagong katabi ngunit alam niya sa sarili na mas malaki ang parte sa kanya na gustong manatiling magkatabi sila ni Brent.

"Babye, Mika!"

Nagulat siya nang bigla siyang yakapin ni Brent. Napakalakas tuloy ng pagtambol ng puso niya dahil sa ginawa nito at kung pwede lang hilingin na sana ay tumigil ang oras ay nagawa na niya.

Isinulat ni Ma'am Celine sa board kung sino ang mga magkakatabi ngayong third quarter at sa huli ay si Zyrina ang nakatabi niya.

Masaya naman siya dahil babae naman ngayon ang katabi niya at madali namang pakisamahan si Zyrina dahil close na rin naman sila.

Ang bagong pwesto naman ni Brent ay hindi kalayuan sa kanya. Nasa iisang column lang silang dalawa. Nasa pinaka likod na bahagi ito at isang upuan lang ang pagitan nilang dalawa.

"Ang liit mo pala magsulat talaga?"

Manghang sabi niya nang makita ang sulat ni Zyrina. Ngayon ay gumagawa lang sila ng front page para sa third quarter.

Wala siyang color pens ngayon dahil ibinigay niya iyon sa kapatid na si Lori.

Ubos na kasi halos ang ink ng color pens nito kaya naman siya ngayon ang wala pero salamat at mayroon ang bago niyang katabi.

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon