Chapter 44

252 10 0
                                    

C H A P T E R  44............

December na ngayon kaya naman start na ng mga usapan tungkol sa christmas party dahil malapit na rin iyon.

Hanggang ngayon ay inaasar pa rin siya nina Kristen at Gela dahil sa picture nila ni Brent na ipinost pa nga ni Ma'am Celine sa facebook.

Malala pa ay nakita iyon ng mga magulang niya ngunit buti na lang at hindi naging big deal sa mga ito ang picture na iyon.

Reporting nga pala sila ngayon sa A.P kung saan kagrupo niya si Brent. Madaling araw na siya natulog dahil ginawa pa niya ang mga visual aids na gagamitin para sa reporting nila.

Kahit kasi maikli lang ang report nila ay kailangan pa rin nilang paghandaan iyon lalo na ang mga biglaang tanong ni Shazie na magpapatigil talaga ng mundo mo.

Kinakabahan siya noong una ngunit nang tuloy-tuloy na ang pagrereport nila ay natanggal na ang kaba sa kanya. Maayos nilang natapos ang report at maayos din nilang nasagot ang mga tanong ni Shazie sa kanila.

"Nice one, Mika!"

Sabi sa kanya ni Brent ng makabalik sila sa upuan nila. Ito ay hindi bumalik sa upuan nito at sa halip ay umupo ito sa tabi niya kaya naman pareho silang nakaupo sa iisang armchair.

Buti na lang at kasya sila dahil medyo may kalakihan ang armchair niya. Sanay na naman na siya dito sa gawain nitong ito dahil kapag tatabi ito sa kanya para magpaturo ay laging ganito ang pwesto nila.

"Salamat sa tulong mo"

Natawa naman ito saka ginulo ang buhok niya.

"Huwag kang mayabang"

Umiling-iling na lang siya saka tumingin sa unahan para makinig sa bagong grupo na magrereport ngayon.

Habang nakikinig siya ay napansin niyang may ginagawa si Brent sa notebook niya at inisip na lang niya na baka nagsusulat ito ng mga key concepts about sa report.

Laking gulat na lang niya nang ipakita nito sa kanya ang drawing nito na isang cookie na may mata, bibig, kamay at paa.

Natawa siya dahil sobrang pambata ng drawing nito. Cute na sana 'yong cookie, kaya lang ay galit ang ekspresyon na ipinapakita nito sa mukha.

Kaya naman kunot noong tumingin siya kay Brent upang magtanong habang itinuturo ang galit na mukha ng cookie.

"Bakit galit?"

"Nakangiti dapat 'yan, kaya lang ay hindi ko alam kung bakit naging gan'yan"

Nakangiwi na sagot nito at mahina na naman siyang natawa.

Cute.........

"Anong tawag d'yan?"

"Cookie malamang"

Pabarang sagot nito at tamad naman niya itong tiningnan.

Ano pa nga bang aasahan dito sa isang ito? But he got a point. Linawin mo nga naman kasi, Mika!

"Ang ibig kong sabihin ay anong itatawag mo d'yan?"

"Para kang bata, kailangan pa ba 'yon?"

Tanong nito na parang hindi ito nagdrawing ng cookie na tanging mga bata lang naman ang gumagawa.

"Ako pa talaga ang tinawag mo na parang bata?"

"Alangan namang ako"

Kailan ko ba ito makakausap ng matino???

"Nakakainis kang kausap"

Sabi niya dito saka muling tumingin sa unahan dahil wala na siyang ibang mapapala dito.

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon