Page 6

605 21 1
                                    

Iba ang mood niya ngayon dahil birthday ni Gino. Hindi niya alam kung bakit tuwing birthday nito ay masaya siya.

Sana lang makita niya ito mamayang dismissal para naman mabati niya ito.

"Mika, bakit parang ang saya-saya mo ngayon?"

Tanong sa kanya ni Dian habang kumakain sila ng lunch.

"Wala lang"

Nakangiti niyang sagot dito saka ipinagpatuloy ang pagkain.

"Sa'kin ka pa talaga magsisinungaling! Anong wala ka d'yan? Kanina ka pa pangiti-ngiti!"

"Ano bang gusto mong sabihin ko?"

"Kung bakit ka masaya"

"Kasi birthday ni Gino!"

Masaya niyang sagot dito at kumunot naman ang noo nito.

"Anong masaya doon?"

"Wala lang, siguro masaya ako kasi araw niya ito eh! Siya kaya, masaya?"

Napaisip siya kung anong mga ginagawa ni Gino ngayon. Kumain na kaya ito ng lunch?

Mas maaga ang lunch time ng mga ito kaya naman siguro ay kanina pa itong tapos kumain.

"Baka kasama non ang girlfriend niya..."

Malungkot na bulong niya sa sarili at narinig naman iyon ni Dian.

"Hayaan mo siya doon, 'diba birthday din ni Tita? Bakit hindi 'yon ang isipin mo? Hala ka! Baka mas importante na ngayon si Gino kesa kay Tita ha?"

Birthday din ng mommy niya ngayon pero hindi naman niya nakakalimutan iyon.

Naiinggit nga siya sa mommy niya dahil magkabirthday ito at si Gino.

"Hindi ko naman nakakalimutan si mommy kaya mamaya samahan mo ako kasi bibili ako ng cake para sa kanya"

"Wow! Patikim!"

"Pumunta ka sa bahay"

Nalukot naman ang mukha nito dahil alam niyang hindi pwede. Malayo ang bahay niya dito kaya naman hindi pa nito iyon napupuntahan.

"Huwag na lang pala, pasabi na lang kay Tita ay happy birthday"

"Sige sasabihin ko, ayaw mo ba talagang pumunta?"

Tanong niya dito at ngumiwi naman ito sa kanya.

"Alam mo namang malayo 'yang inyo, basta dalhan mo na lang ako bukas"

Mahina na lang siyang natawa saka ipinagpatuloy ang pagkain.

Review lang naman sila ulit ngayon para sa periodical exam kaya wala silang ibang ginagawa.

Minsan ay nalapit na lang sa kanya si Dian para makipagkwentuhan. Ang iba naman niyang kaklase ay may iba't ibang ginagawa.

May masipag na nagrereview, nagkukwentuhan, naghahabulan na parang hindi mga grade 9.

Napakadiverse ng klase nila kaya naman hindi niya alam kung anong mangyayari sa mga susunod pang mga araw.

Hindi niya alam kung magiging magkakasundo sila lalo na at iba't iba sila ng ugali.

Alam niyang iba't iba naman talaga ang tao sa loob ng isang classroom pero iba talaga ang grade 9 Pious.

"Sino ang gusto mong makatabi sa second quarter?"

Tanong sa kanya ni Dian at inilibot naman niya ang paningin para mag-isip kung sino.

"Siguro si Elwyn kasi namimiss ko na siyang makatabi"

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon