C H A P T E R 43..............
"Mika, patapos na ba?"
Tanong sa kanya ni Clara habang nag eedit siya ng group project nila ngayon sa filipino.
"Kaunti na lang, uuwi ka na ba?"
"Oo sana eh"
"Sige mauna ka na, ingat ka"
Tumango ito saka ngumiti sa kanya bago tumayo at umalis na. Naiwan na lang siyang mag-isa sa classroom nila.
Kanina pa idinismiss ang kanilang klase kaya ngayon ay wala ng ibang tao sa loob ng classroom nila kung 'di siya na lang.
Si Dian ay nauna ng umuwi sa kanya dahil talagang pagod na pagod na daw ito sa mga ginawa ngayong buong maghapon kaya gusto na daw nitong humiga sa malambot nitong kama.
Gusto niya na rin sanang umuwi para makapagpahinga na kaso nga lang ay kailangan pa nga niyang iedit ang group project nila sa filipino subject. Malapit na kasi ang deadline non at gusto niya iyon na maipasa ng on time.
Ipinagpatuloy na lang niya ang ginagawa at habang tutok na tutok sa laptop niya ay hindi na niya namalayan na may katabi na pala siya.
Napansin na lang niya iyon nang may pinindot ito sa laptop niya dahilan para madelete ang isang parte ng ineedit niya ngayon.
What?!!!
"Ano ba?!"
Nagulat siya nang makita si Brent na nakangiwi sa kanya.
"Hindi ko sinasadya..."
"Pasalamat ka at maikli lang 'yang part na binura mo dahil kung hindi ay naku! Nakakainis ka talaga!"
Hindi niya alam kung anong magagawa niya dito kung nabura pa ang ibang parts ng project nila.
Hirap na hirap na nga siyang iedit ito ngayon dahil ang totoo ay wala naman talaga siyang alam sa pag-eedit.
Ginagawa lang talaga niya ito ngayon dahil wala naman siyang ibang choice. Walang ibang maaasahan sa mga kagrupo niya para mag-edit ng project nila.
"Sorry naman"
"Ano bang ginagawa mo dito?"
Pinipilit niyang hindi haluan ng pagkainis ang tono ng boses niya.
"Bumalik ako kasi naiwan ko 'yong payong ko"
"Pwede namang bukas mo na lang balikan"
"Hindi kasi ako 'yong tipo ng tao na patatagalin pa ang pagbalik. Kung pwede ko namang balikan ng mas maaga ay bakit hindi, 'diba? Kaysa naman makita ko na hawak na ng iba kasi huli na ako"
Mahabang paliwanag nito at napa-amang na lang siya dito.
Payong lang naman nito ang pinag-uusapan nila ngunit ang dami na agad nitong sinabi at talagang may malalim pang meaning.
Umiling-iling na lang siya dahil doon saka muli na lang na ibinalik ang atensyon sa ginagawang project.
"Nasa payong mo lang naman ang usapan natin pero ang layo na agad ng naabot mo"
Sabi niya habang tutok pa rin sa laptop niy. Nakinig naman niya ang mahina nitong pagtawa.
"Goodluck d'yan ha?"
"Goodluck talaga dito, matapos mong burahin 'yong isang parte"
"Nagsorry naman na ako ah?"
Tila nagtatampong tanong nito kaya naman hindi niya naiwasang hindi mapangiti.
BINABASA MO ANG
I Hate You, Moody Monster
Novela JuvenilBehind his oh-so handsome face, there's a monster with a stoned-heart hiding... But behind his stoned-heart, there's a kindness hiding.