Page 11

401 17 0
                                    

"Bakit naman gan'yan ang mukha mo? Bakit nakabusangot ka?"

Agad na tanong sa kanya ni Brent nang matapos ang flag ceremony nila at nakabalik sila sa loob ng classroom.

Isa pa ito, sisirain na naman nito ang araw ko!

"Kailan ka pa nagkaroon ng pakielam sa iba? Sa akin? Ha?"

"Ang taray mo naman! Ano ba ang nangyari?"

"Hindi tayo close para magkwento ako sa'yo"

Panggagaya niya sa linyang sinabi nito sa kanya  dahilan para mapangisi ito.

"Line ko 'yan, babe. 'Wag mo ngang gayahin, copycat!"

Pinigil niya ang mapangiti ngunit hindi nakatakas iyon sa paningin ni Brent.

"Huwag mo ng pigilin, bihira lang magpatawa ang gwapong katulad ko kaya sulitin mo na"

"Ang hangin mo talaga"

"Bakit nga kasi umagang-umaga ay ang lungkot-lungkot mo? Tapos ang sungit mo pa"

Bumuntong hininga siya saka umiling na lang dito. Hindi naman nito kailangan pang malaman ang dahilan.

"Ganoon ka din naman minsan ah? Umagang-umaga ay bad mood"

"Bakit ba ang hilig mo akong gayahin? Babe, zero ka sa originality n'yan!"

Natawa na lang siya habang napapailing- iling. Pwede rin naman pala na ang magpasaya sa'yo ay 'yong minsang sumisira sa araw mo.

"Ang gago mo talaga"

"Pinapatawa ka naman ng gagong ito"

Itinuro nito ang sarili at natawa na naman siyang muli saka tinanong ito.

"Kailan ka magpapalit ng mood?"

"Iniintay mo talaga?"

Mas lalo siyang natawa saka umiling.  Ngayon ay parang ang sarap kausap nito lalo na at hindi ito bad mood.

"Huwag na nga!"

"Bakit nga kasi? Anong nangyari? Baka naman gusto mo na kay Dian na lang ako magtanong?"

"Kailan pa kayo naging close ni Dian?"

Nakataas ang kilay na tanong nito at nakakibit balikat na sumagot naman ito.

"Ewan ko, madali ko namang makasundo lahat"

"Ang yabang ha?"

"Kaya sabihin mo na kung ayaw mo na kay Dian ako dumiretso. Seryoso ako ha?"

Heto na nga at nagpalit na naman ang mood ang gago.

"Hindi alam ni Dian kasi kapag sinabi ko sa kanya ay baka sermonan lang ako non"

"Parang gusto ko tuloy na makita kung paano ka niya sermo—"

"Brent!"

Naiinis na tawag niya dito habang pinanlalakihan ito ng mga mata na siyang ikinatawa nito.

"Dali na kasi! Sabihin mo na kung ayaw mo na sabihin ko kay Dian na may problema ka"

"Bakit ba gusto mong malaman?"

"Wala lang"

Muli ay kibit balikat na sagot nito sa kanya.

"Iyon naman pala eh. Mas mabuting 'wag ko na lang sabihin sa'yo. Hindi rin naman ganoon kaimportante"

Tumayo ito at akmang pupunta kay Dian nang pigilan niya ito.

"Oo na! Sasabihin ko na!"

Bwiset!

I Hate You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon